Date uploaded-8.3.16
----> as usual... Walang second look... Unedited... (As if naman nageedit ako ng sinusulat ko sa wattpad...)
Chapter 8
"Hey... That's a nice piece of work. I'm impressed." Umupo sa tabi ko si Trish. She was referring to the test paper That I was holding.
Nginitian ko sya.
"It's not a perfect score but it'll do. Mind you,, calculous yan!"
I got 90 and that's the best score I have in years! Calculous pa! hhhaaallleeeeer naman!
"Akaalain mo yon? Mataas ka pa sa kin?! And in fairness... WALA KANG BAGSAK! paanong naghimala ang langit?"
Natawa ako sa reaction nya. Para kasing sira! Ang kulit lang.
"It just shows to say that my assets are not limited to looks." Actually, nagugulat nga din ako sa sarili ko, may ibubuga pala ako. Simula noong nagdecide akong magpaka-seryoso sa pag-aaral, I found out that the teachers does not speak in a foreign language. Simula noong nakinig ako at inintindi ang mga lessons, I found out that I am really capable of understanding them. And there's Austine to lend me a hand. Kahit na pareho ang ginagawa naming mga assignments and projects, binibigyan nya ako ng oras para maipaliwanag ng husto ang mga lessons namin. And for that, I am very grateful. Nadadagdagan na mga utang ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa ako nakakabawi sa kanya. Ipinangako kong ilalapit ko sya kay Steph, hanggang ngayon hindi pa ako gumagawa ng move. Pero sa loob loob ko, nasa debate team na din naman sya, at least once in a while nakakasama nya si Steph kapag may inter-school debate sila. Ang kaso ata, hindi naman sya pinapansin. Ang dinig ko, kapag may kailangan lang pagusapan tungkol sa laban nila, saka lang sya kinakausap ni Steph. Naiinis tuloy ako sa bruhang yon! Hanggang ngayon kasi ay baliw na baliw pa din doon sa mga popular guys na wala namang alam kundi magpakahambog! Can't she see the worth of the guy who's so in love with her?! Matalinong boba! Nakakainis! All the more na ayaw ko pang i-reveal sa mundo kung ano talaga ang itsura ng geek na pinagtatawanan nila!
Over the past few months, unti-unting na-develop ang itsura nya. Itinatago lang sa gusot na damit, makapal na salamin at gulo-gulong buhok. But when you see him in the gym without his glasses and gym attire... haaaayyy grabe lang! It just makes you want to stare and drool all over him all day! I mean.. my gosh! He's like someone who came out from a fashion magazine! Hindi ko talaga malubos maisip na gwapo pala ang nerd na yon! Actually, pinakikiramdaman ko din ang sarili ko baka naman lumalabo na talaga ang mata ko.. But the way the girls reacts around him, it just shows that my eyes are perfectly normal. Badtrip lang talaga kapag umo-over naman ang pagpapa-cute ng mga bisugong yon. Mabuti na lang at malabo ang mata ni Austine at hindi nya nakikita kung paanong nagkakandarapa sa kanya ipaktitang yon!
"Wooaaaoo... you definitely look scarrrrryyy..."
Para akong hinugot sa malalim na pag-iisip at tumambad sa mukha ko ang masahol pa sa impaktita!
Itinulak ko ang mukha nya na malapit na sa pisngi ko. I really hate it when she does that?! Feeling ba nya mababasa nya ang isip ko kapag lumapit sya sa 'kin ng ganon?!
"You're invading my personal space?!"
"E kasi naman, kanina pa ako daldal ng daldal dito, pagtingin ko sa 'yo, nakatulala ka dyan at parang gusto mong maging number 1 sa hit list ng kapulisan. At sino na naman ang gusto mong idagdag sa hilera ng mga pinadala mo sa kabilang buhay?" She said in a veeerrryyy teasing manner, na para bang sya ang gustong mauwi ang landas sa hukay!
"Hukay ka dyan! Ang morbid mo a. Baliw ka talaga! Not in a million years will I ever be caught doing that. Hindi ko aaksayahin ang kagandahan ko sa mga walang kwentang tao. "
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomantikAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...