AN. It's chapter 10 already. Overshoot na naman ako sa goal ko. Oh well......8-19-16
Chapter 10
"Audrey.... Can you please sit down. You're giving me a headache!"
Nasa club na kami na pag-mamay-ari ni kuya, kung saan sisingit sila ng ilang kanta para sa trial performance ni Austine. Pero lumalalim na ang gabi ay wala pa din sila Austine.
"Ano ba namang klaseng make-over ang ginagawa nung Chix na yon? Bakit ang tagal?! Sigurado ka ba don? O baka maman kung saan saan dinala ng mga kabanda mo si Austine?!....."
"Hey... hey... hey!!!" He said putting his palm up towards me. "Stop it!"
Padabog akong naupo, and I gave him my most awful pout.
"Stop being childish. It's no longer cute."
"Bakit? Nagpapa-cute ba ako?! " Asar talaga 'to! Nabubwisit na nga ako, pa-cute pa din ang tingin nya sa 'kin. Anong magagawa ko, e sobrang cute talaga ako!
"And why are you being soooo paranoid?"
Tumaas ang kilay ko.
"Paranoid? " Tinuro ko ang sarili ko. "Ako... paranoid? Excuse me... That's not even in my vocabulary."
"Yeah... until now. "
Inirapan ko na lang sya. Wala namang saysay kapag pinatulan ko pa sya. Wala ako sa mood makipagtalastasan sa kanya.
Naningkit ang mga mata nya as if he's scrutinizing me.
"Alam mo, may napapansin ako sa yo."
Napataas ang kilay ko.
"Lagi ka namang may napapansin e. What's new?"
Dumating yung drinks namin at nag-sip ako sa apple juice ko.
"You've fallen for him, haven't you?"
Parang may bumara sa lalamunan ko at nag-u-ubo ako!
Sumobra ata ang pagka-samhid ko at parang hinabol ko ang hininga ko. At ang kumag.. tatawa-tawa pa!
Nang mapahinto ang pag-ubo ko.. nirolyo ko ang tissue sa tapat, I dipped it with cold water, at ibinato sa kanya! Pinigilan ko na lang ang halakhak ko nang tamaan sya sa mukha!
"EXXXXCCCUUUUSSSSEEE MEEE!!! I will never! Helllloooooo! Saan mo naman napulot yang pinagsasasabi mo? " I faked a laugh. "He's not my type.... Nakita mo naman sya diba? Nahihibang ka na talaga kung naisip mo yan... "
"Jeeezzz Audrey, Can you hear yourself?" He said cutting me off. "You sound sooo defensive."
"HINDI A!!"
"Deny it all you want. Pero iyon ang nakikita ko."
"Gosh! What do you want me to say?"
Nakibit balikat sya.
"I don't know. Kung sasabihin mong oo, maiinis ako. Kung sasabihin mong hindi, maiinis din ako kasi alam kong nagsisinungaling ka."
WEIRD! Kanino ba talagang lahi ang minana nito?
"E saan ako lulugar ngayon? It's as if, you're damn if you do and you're damn if you don't. Ewan ko ba sa 'yo, maghanap ka ng kausap mo!"
Tatayo sana ako para pumunta na lang muna sa ladies room.
"He's a good guy. Better than you deserve, if I may add."
Teka... tama ba ang narinig ko?!
"Huh? Ano? " Ang kapal din ng mukha nitong sabihin sa kin yon a! "Wow, salamat a. Kapatid ba talaga kita?" I said sarcastically.
BINABASA MO ANG
The Heartthrob Project
RomanceAudrey, the ultimate IT girl, thought she had it all controlled. She's every boys dream girl and all the girls wants to be like her, until one day everything came tumbling down! She caught her boufriend making out with one of her so called friends a...