Chapter 17

20 0 0
                                    

ANOTHER UPDATE :D 

SINIPAG AKO GUMAWA EH :)

ENJOY READING :D 

Han Jung-su's picture -------> :D

ARIANNE'S POV 

 Absent si Min-jee,masama pa siguro ang pakiramdam nun.Ako lang tuloy mag isa sa garden,dito lang kasi walang masyadong tao. Nag strecthing muna ako bago umupo sa damuhan at naglagay ng earphone sa tenga. 

 "Ha-fahgjgkytk" 

Fuck! sino ba tong mga toh? Ang baho naman ng handkerchief nya para ipaamoy sa akin.Yung ibang lalaki naman nakahawak sa magkabila kong braso kaya hindi ako makalaban. 'aarrgh.Tulong!Kinikidnap ako.Huhu' yan sana ang gusto kong sabihin pero dahil nga sa may mabahing nakatakip sab bibig at ilong ko hindi ko nagawang sabihin at baka malasahan ko pa yun.Eww! Kinaladkad nila ako sa...teka ano ba toh? Vacant room? medyo tago kasi ang lugar na ito. Sino naman kaya ang may lakas ng loob na gawin toh sakin? Pwes! humanda sya pag nakilala ko sya. Lintik!Inilibot ko ang tingin ko sa buong room,baka sakaling may makita akong kung ano.At hindi nga ako nagkamali.Nakita ko ang maliit na

camera na nakadikit sa wall.Napangisi na lang ako.Kung ganon may nanonood sakin ngayon. Psh. Pinaupo nila ako sa isang chair at tinanggal na ang mabahong nakatakip sa bibig ko. 

 "Hoy kayo! Sinong nag utos sa inyo? ha?!!" 

 "Ang ingay naman ng babaeng yan! Tapalan mo nga ang bibig nyan" Utos ng isang lalaki dun sa isang kasama nya. 

"Aba! Ngayon pa nga lang ako nakapagsalita dahil tinakpan mo ng mabaho mong panyo ang bibig ko!Sigurado ka bang nilabhan mo yan bago itakip--mmmm..mmmm" Bwesit! Tinakpan na naman ang bibig ko ng tape.At kailangan pa talagang itali? sinamaan ko ng tingin yung tatlong lalaking mapapangit na nasa harap ko. Ngumingisi ngisi pa sila.Tss. Pag ako nakawala dito,babalian ko talaga kayo. You mess up with a wrong person. 


THIRD PERSON


Habang abala sa pakikipag titigan si Arianne sa mga dumukot sa kanya ay aliw na aliw naman sa panonood ang totoong may pakana kung bakit sya nasa vacant room na yun.

"Ang kulit naman pala ng babaeng yan master.Hahaha" saad ni Yoon-sook na titig na titig sa monitor. Habang abala ang mga bantay na nagkukwentuhan dahil hinihintay nila ang command ng nag utos sa kanila ay abala naman si Arianne sa ginagawa nya.

"Master tingnan mo yung ginagawa nya.." sabi naman ni Min Sang-kyu habang tinuturo si Arianne.

"Damn it!" 

Napamura na lang ang master nilang si Han Jung-su habang pinapanood ang ginagawa ni Arianne.


ARIANNE'S POV


Bobo talaga ang mga toh, magtatali na nga lang maluwag pa. Tinitingnan tingna ko ang mga bantay habang inaalis ang tali sa kamay ko at dahan dahang tinatanggal ang tape sa bibig ko. Ano ba namang tape na toh.. ah-ah-aw shit! Yung kissable lips ko. hinawakan ko muna ang lips ko baka dumikit na sa tape ee XD Tumayo na ako ng maayos saka nagsalita.

"HOY!" tawag ko sa kanila at nanlakihan naman ang mga mata nilang nakita akong nakatayo na at wala ng tali. 

"Pa-pano ka nakawala jan!"Sabi nung leader nila habang tinuturo pa ako.

"Tanga pala kayo eh! Malamang tinanggal ko! Hindi ba halata? Magtatali na lang kayo maluwag pa!" 

"Itali nyo ulit yan! Mga tanga!" utos nya ulit."FYI,kasama ka dun noh." Napangisi na lang ako nung lumalapit na ang mga lalaki sakin para itali akong muli. 

Married To My Enemy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon