Chapter 10

21 4 0
                                    



I don't deserve happiness.

I will never be truly happy.


— A line from someone's journal





Lana

Gabi na, nandito na ako sa kwarto ko. Chineck ko facebook account ni Shan. Gusto ko siya i-message. Kating-kati na ang daliri ko na pindutin ang message pero hindi ko magawa.

Sa monday ko na lang gawin. Para face-to-face.

Monday went by fast. And guess what? Hindi ko nagawa. We had small interactions, however, I took it for granted.

Mayroong times kanina na nagkita kami sa canteen, pero hindi ko siya nakausap dahil patuloy pa rin ang panggulo ni Ben kay Andrea. Ben is a nice guy, but he kept on making the possible moments for me to talk to Shan impossible.

Natapos na classes namin at alam ko na kaagad ang pupuntahan ko bago umuwi. Sana nandoon siya. Sana nandoon siya.

Pumunta ako sa garden kung saan madalas pumunta si Shan tuwing uwian.

I expected him to be there. Pero sabi nga nila 'wag daw masyadong mag except.

Wala siya don.

I heavily sigh to myself.

At the end of the day I lay face down on my pillow. I let out a frustrated breath. Ang dali dali nanga lang ng gagawin ko hindi ko pa magawa? Lalapit lang ako sa kan'ya tapos mag so-sorry, hindi ko pa magawa?

Weak

Weak

Weak

'Yon na lang gagawin mo, Lana. Bakit hindi mo pa magawa? Sobrang dali lang...

Coward

Coward

Coward

Bigla ako nagkaroon ng lakas para kunin ulit cellphone ko. Binuksan ko ito, nasa Facebook pa rin kaya 'di ko na pinalipas ang isa pang segundo at kinlick ko na 'yung message sa account niya.

Wala pa kaming previous chats. I contemplated whether to just text him or try to approach him again tomorrow.

Bigla siyang nag-offline.

Pinindot ko ang i icon sa may upper right ng messenger pms, pero namali ako ng pindot, napindot ko 'yung video call.

I shrieked and panicked. Agad kong pinatay ang call, sinama ko na din ang pagpatay ng phone ko.

Iisipan niya na siguro ako ng masama. Baka sabihin hindi ko siya pinapansin sa school tapos bigla akong tatawag sa kan'ya ng walang dahilan? Well... may dahilan naman ako, and it's for good reasons. Pero ang random naman kasi. Walang pahintulot man lang.

Biglang tumunog cellphone ko. May tumatawag sa messenger. I looked at it and it was Shan. Online na siya at tinatawagan ako.

An audio call. 

Sinagot ko 'yung tawag niya.

"Hello?" tanong ni Shan. I can tell that he is confused by his voice.

"Hi..." mahina kong reply.

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon