Chapter 1

147 7 0
                                    

posted all parts on: 19/06/2024


Natakot ako na baka may makakita. However, I can no longer bear this weight inside my head, so I decided to write again to let out everything.

In this dark blue notebook this time. I'm sure no one will find this.

— A line from someone's journal


Lana

Ayoko 'yung sarili ko at ayoko kung anong meron ako ngayon.

Ungrateful

Ungrateful

Ungrateful

Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko. I shouldn't be thinking of that. I should be grateful. Dapat hindi ko sinasabi 'yon. Dapat hindi ko sinasabi. Dapat hindi ko—dapat hindi... 

Wala kasing dumalo sa 'kin kahapon sa Parents' Meeting ng senior high sa school namin. Napaka-liit na bagay na hindi naman gaanong mahalaga, pero ginagawa ko itong malaking issue.

Napaka-makasarili kong tao.

Self-centered

Self-centered

Self-centered

Lumitaw sa isipan ko ang imahe nina Mommy at Papa, at para na naman ba akong hinigop sa utak ko kasama ang mga walang tigil kong tanong.

Why did I do that?

Why did I say that? 

If I was just grateful enough, would we be living together now? 

If it weren't for my selfish desires, would they still be alive?

Alam ko ang tagal na simula nung namatay ang dalawa kong magulang, pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nakaraang gumagambala sa 'kin hanggang ngayon. Ang nakaraang sinusubukan ko pa ring ibaon sa pamamagitan ng pag-distract sa sarili ko mula sa katotohanan.

Sa katotohanang hinding-hindi ko na mararanasan ang magkaroon ng totoong nagmamahal na mga magulang.

If it weren't for my selfish desires...

Self-centered

Self-centered

Self-centered

If it weren't for my—

"Hindi tuloy ako nakapag-review ng maayos, kainez!" Bumalik ako sa realidad nang mag reklamo si Mia sa tabi ko. Nasa gitna namin siya ni Andrea habang naglalakad kaming tatlo papasok ng school kasabay ang mga ibang estudyanteng papasok palang din. "Lingo na lingo kasi kahapon tapos may meeting, baduy. Tapos bakit tinawag pa na 'Parents' Meeting' kung kasama din pala mga students." 

I chuckle at her ranting despite my thought process just a few seconds ago. "Monday ngayon ah, may quiz kayo?" 

"Oo!" 

Andrea playfully rolls her eyes at her. "You had plenty of time to review if you weren't at the beach on Saturday." Ngayon na na-aalala ko, nakita ko ang mga post ng kaklase ni Mia na nag overnight sila sa isang beach resort.  

"Birthday kasi ng kaklase ko, sis," defensa ni Mia. "Pero ang duduga niyo pa rin ah pagdating sa school work, tapos ako bobong-bobo na sa math!" parang ibig na niyang umiyak kaya napa-tawa ako ng bahagya. 

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon