Chapter 27

8 2 0
                                    

Lana

"Gusto ko ipakita ang nararamdaman ko para sayo, Lana, kahit na hindi mo ako gustuhin pabalik, okay lang." Umulit-ulit ang mga sinabi ni Shan sa utak ko. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang lahat ng pinag usapan namin kagabi.

Inisip ko ang nararamdaman ko. Do I feel the same way? Ilang beses ko na tinanong sa sarili ko 'yan pagkauwi ko kagabi, at kung magiging totoo ako, hindi ko talaga alam. I haven't thought of him romantically before since I have always seen him as a friend.

Paano bang malaman kung mahal mo na ang isang tao? Hindi ko alam... hindi ko talaga alam.

I have never been in love before.

"I know you may not feel the same way, pero handa akong ligawan ka ng walang kasiguraduhan na kaya mong suklian ang nararamdaman ko."

He makes me feel valued. He makes me feel seen. He makes me feel loved. He can calm me down with his words and make me feel better about myself. But the more I think about it the more I can't seem to see him the way he sees me.

"Just let me love you."

O baka kaya ko siyang mahalin pabalik? Baka kaya kong subukan mahalin si Shan. Hindi ko alam kung mangyayari 'yun o posible ba.

"Lana?"

Bumalik ang atensyon ko sa realidad. Nandito ako sa lamay ng Tito ko, sa sala ng bahay namin. Nakaupo ako sa sofa kasama ng ibang mga kamag-anak nila.

"Lana, anak, magdadasal na daw." Nanay ni Tito. Katabi ko siya ngayon. She's always been nice to me and my brother. 

Tumango ako sa kan'ya. "Sige po," mahina kong sagot.

Thursday ngayon at hindi muna ako pumasok. Nag-iwan naman ako ng excuse letter at alam ng mga kaibigan ko.

Pero si Shan, hindi ko pa sinasabihan. Hindi pa kami nag-uusap pagkatapos sa nangyari kagabi. Usually, he would text me to check up on me, but today he didn't. Akala ko magtetext siya sa akin pagkatapos akong sabihan tungkol sa feelings niya, pero hindi siya nagtext. Baka busy lang siya kaya hahayaan ko muna siya.





Shan


Andrea Ibay: 

Shan, are you going to be doing something tomorrow? After school?


Shan Laurian:

bakit ka nag cecellphone sa klase?


Andrea Ibay: 

Answer my question, stupid -_- 


Shan Laurian: 

wala akong gagawin after classes

bakit? anong meron bukas?


***

Hindi ko nakita si Lana buong araw sa school.

Hinanap ko siya nung breaktime, lunch, at pati na rin pag-uwi. Sinubukan kong pumunta sa mga lugar na akala ko makikita ko siya, pero wala siya doon. Baka hindi siya pumasok. Baka naman nilagnat siya?

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon