Chapter 34

6 1 0
                                    

Shan

I thought the last time I would be seeing Lana was at their house.

Tinaas ko ang kamao ko para kumatok sa pintuan ng bahay nila. After knocking two times, I nervously hold the brown envelope in my hand as I wait for a response.

Kumatok kaya ulit ako? O hintayin ko na lang na pagbuksan ako? Paano kung si Lana 'yung magbukas ng pinto? Ano sasabihin ko? Should I say hi? Or should I just give her the envelope without saying anything? Wait, no. And weird no'n. Anong gagawin ko—

Dahan-dahang bumukas ang pintuan sa harap ko at narinig ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim nang tuluyang bumukas ang pinto at makita ko na tita lang ni Lana ang naroon sa kanilang sala.

Nasa kwarto na kaya si Lana?

"O, Shan," bati sa 'kin ni Tita. "Ang tagal mo na hindi bumisita ah, kamusta ka?"

"Okay lang po."

"Pasok ka muna," binuksan niya ng tuluyan 'yung pinto para makapasok ako. "Upo ka muna jan, kuha lang ako ng inumin."

"Ay 'wag na po, Tita—"

"Hindi. Ano gusto mong inumin?"

"Tubig na lang po."

"Sige, mag hintay ka lang jan."

"Thank you po." Umalis na siya papuntang kusina at umupo na ako sa couch nila.

Ngayon pa lang ulit ako nakapunta dito. Huling punta ko dito ay nung tinu-tutor ko pa si Noah. Speaking of Noah, nandito kaya siya? Hindi ko kasi siya nakita kanina sa recognition. Baka nasa kwarto siya ngayon. Si Lana kaya? Magkasama kaya sila ngayon sa 'taas?

Bumalik na si Tita na may dalang isang baso ng tubig at isang maliit na mangkok ng mani na naka-balat na. "Kain ka," umupo siya sa tabi ko habang binaba sa kahoy na lamesa 'yung hawak niyang baso at pagkain.

I've noticed that their glass coffee table has changed. It was now a wooden one.

"Thank you po," I utter. "Si... Lana po ba? Nandito?"

"Wala pa siya dito, hindi pa nakaka-uwi."

"Ah..." humina boses ko. "Gano'n po ba."

"Kailangan mo ba siya kausapin?"

"Uh," huminto ako ng isang segundo bago umiling. "Hindi naman po. May ibibigay po kasi sana ako." Inabot ko kay Tita 'yung hawak kong envelope. "P'wede po ba kayo na lang magbigay sa kan'ya?"

Kinuha niya 'yung envelope. "O sige, ibibigay ko mamaya pag-uwi niya."

Tumango ako. "Thank you po." 

Ilang segundo ang nakalipas kaya kinuha ko na ang pagkakataon na 'to para kausapin si Tita. Inipon ko ang lahat ng gusto kong sabihin, huminga ako ng malalim, at dahan dahan na nagsalita. "May gusto po sana akong sabihin sa inyo, Tita."

"Ano 'yun?"

Humarap ako sa TV at ipinagdikit ang dalawa kong kamay na nakapatong sa binti ko. "Si Lana po... na-kwento niya sa 'kin na wala na magulang niya. At kayo nanga lang po ang kinikilala niyang nanay."

Kahit na hindi ako nakatingin kay Tita ramdam ko na nakikinig siya ng mabuti.

Ipinagpatuloy ko magsalita. "Alam niyo po ba na gabi gabi pong umiiyak si Lana mag isa sa kwarto dahil wala po siyang masabihan ng mga problema niya? Wala po siyang masabihan na nakakatanda... Natatakot po siyang umuwi kasi baka masigawan ulit siya."

"K-kinwekwento sayo?"

"'Wag niyo po sana siyang pagalitan." Lumingon ako kay Tita at nakitang may mga luha na sa loob ng mata niya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niya. "Sina-sarili niya po lahat ng sakit na nararanasan niya araw araw... may mga oras nga din po na gugustuhin niya na lang mawala..."

Nagsimulang bumagsak ang mga luha mula sa dalawa niyang mata. 

"May binanggit po na pangalan si Lana sa 'kin. Si Lannel." Mukhang nagulat si Tita sa sinabi ko dahil bahagyang lumaki ang kan'yang mga mata. "Anak niyo raw po siya... At sinabi rin po sa 'kin ni Lana na kung kaya niyang gawin ang lahat, para makipag-palit ng buhay kay Lannel, gagawin niya. Para anak niyo na lang daw po ang buhay ngayon."

Tita's cry gradually grew louder as she tried to suppress it with her hand.

"Gusto ka pong makitang masaya ni Lana. Ayaw niya pong nakikitang nasasaktan ka."

Umiling-iling siya. "H-hindi ko alam..." Pinanood ko siyang umiyak. "S-shan, mapapatawad n-niya pa k-kaya ako?"

A small smile forms on my lips. "Sigurado ako, Tita. It's not too late to make things right."

Dahan dahan siyang tumango. "S-salamat. S-salamat, Shan."

"Sige po, mauna na po ako." Tumayo na ako.

"Ayaw mo bang m-makita si Lana?"

Tumingin ako kay Tita. "Nasaan po ba siya?"

"Nasa... sementeryo," she sniffles. "Binisita magulang niya."

Sementeryo? This is the first time I've ever heard of her visiting her parents. What had changed her mind?

Tumango ako. "Sige po, Tita, maraming salamat po ulit." Umalis na ako ng bahay nila at naisipang pumunta din ng sementeryo, para makita siya sa huling pagkakataon.

Sana nandoon pa siya.

Binilisan ko ang pagsakay ng bus, buti naabutan ko pa bago umalis. Nakarating din ako kaagad dahil hindi gaanong traffic. Sinabay ko na din 'yung pagbili ng bulaklak sa Mom ko. Gusto ko din siya puntahan bago kami umalis mamaya papuntang airport. 

Lumakad na ako papasok sa nakabukas na malaking gate ng sementeryo. My eyes scan the whole place in search of a specific girl, darting from tree to tree, gravestone to gravestone. Mahangin ng kaunti ngayon. 

Hindi pa si Lana nakakauwi sa kanila kaya paniguradong naka-uniporme pa siya. Habang naghahanap ang mga mata ko, lumipat ito sa daanan sa harapan ko, kung saan naglalakad ang isang babae patungo sa direksyon ko na naka-uniporme ng parehong school namin

Lana. She stopped in her tracks the instant our eyes made their way to each other, and it felt like a lightning bolt, striking through my veins.

Umabanteng mag-isa ang mga paa ko, at umalis ang aking mga mata mula sa kan'yang tingin na nakaka-bighani. Her eyes are irresistible, but I must walk away. Kaso gusto ko siyang balikan. Gusto kong sabihin sa kan'ya kung gaano kabigat ang nararamdaman ko sa tuwing iisipin na aalis na ako dito.

Gusto kong pahintuin ang mundo para lang tingnan si Lana. Kahit ilang mga minuto lang bago ako umalis, bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. But the world does not work like that. It does not fulfill my wishes.

Hindi ko maiwasang lumingon patalikod sa kan'ya. She was now walking away. Farther and farther until I can no longer see her.

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon