Lana
"200 page mahigit?" gulat na tanong ko kay Shan. Naglalakad kami ngayon sa corridors ng school namin, papunta sa outdoor tables para kitain ang mga kaibigan namin.
Kakatapos lang ng bakasyon namin at Grade 12 na kami ngayon.
Tumango siya. "200 page mahigit," pagkumpirma niya. "Hindi ko binilang e." A silly smile plastered on his face.
Hawak ko ang librong ginawa niya nang nag bakasyon siya sa mother's side niya. I'm still in shock. He made me a book, a novel, of his perspective from the moment we met up until now.
The book had a simple cover. It was a darker teal shade with my name written in small and silver text in the middle.
Lana Ophelia
"Published author 'yung isa kong aunty, tinulungan niya 'ko." Shan chuckles, "She also enrolled me in a Creative Writing Program."
"'Yun lang ginawa mo buong bakasyon?"
Bahagya siyang napatawa. "Oo, ganda. Bakit?"
Umiling ako habang nakatingin pa rin sa libro, hindi makabuo ng salitang sasabihin. "Wala... thank you so much."
No one has ever done this to me before.
"You're welcome."
We are now walking on the school grounds, malapit na papunta sa mga kaibigan namin, habang binubuklat ko 'yung mga pahina ng librong ibinigay sa 'kin. Umabot ako sa dulo, pero blanko ang ilan. "Bakit walang laman 'yung iba?" napa-tanong ulit ako, nakatingin na 'ko kay Shan.
"Kasi hindi pa tapos 'storya natin, ganda," he gives me a soft smile. "In fact it only just started."
I smile. A true genuine smile. One that says words I am unable to express. "Thank you, Shan... thank you so much."
"You're always welcome, Lana."
"Bakit kasi rock climbing sa bundok?!" Rinig namin ang sigaw ni Ben. "Gusto mo bang mamatay!?" Nakaupo 'yung mga kaibigan namin sa mga outdoor tables, nakikipag usap sa isa't-isa.
"Tangek, masaya nga 'yun," pagkontra ni Riku. Naglagay siya ng isang pirasong chichirya sa loob ng bunganga niya.
"Ayin, bro!" Ben called for his friend. "Sabihan mo nga sila na delikado! Ayoko mag bakasyon sa gano'n!" He was now shaking his friend's arm.
"Hindi ko pa naman nasusubukan," Ayin shrugs with a smile, a small packet of M&M's in hand. "Worth the try right?"
"Ayeee, payag na si Ayin!" inapiran siya ni Mia na may hawak na chocolate na Crossini. "Secure na 'yung mag dri-drive ng sasakyan natin!"
Tuluyan na kaming nakalapit sa kanila. Umupo ako sa pagitan ni Andrea at Mia.
"It actually sounds quite fun," Ricky joins in the conversation, a small smirk on his lips. He sat beside Ayin while drinking Dutch Mill in his hand.
"Gago talaga kayo, mga bro! Umuulan tas mag ro-rock climbing tayo?!"
Tumawa si Shan. "Ano na naman ba, Ben, umagang umaga ang ingay mo." Tumabi siya sa kanila, nakaupo sila sa itaas ng lamesa; si Ben, Morris, at Riku.
"Pagsabihan mo 'yang alaga mo," pagbiro ni Morris na kumuha sa sarili niyang chichirya.
Ben holds Shan's arm with puppy dog eyes, pleading. "Bro, sabihan mo nga sila na ibahin 'yung destination ng lakad natin, please."
Napatawa ulit si Shan kasabay ng ibang tawa namin. "Pinagtritripan niyo na naman boyfriend ni Andrea."
"We are not together," nakapakrus ang kamay ni Andrea.
BINABASA MO ANG
Our Delicate Bliss
RomanceA story of overcoming internal conflicts and finding happiness despite never-ending pain. (dual-pov story) Lana Ophelia Villanos, a 16-year-old burdened by guilt over her parents' death and the harshness of her aunt, struggles with self-loathing and...