Chapter 28

7 2 0
                                    



I am feeling so much. So much to the point that I just want to disappear. 

To be able to feel free.


— A line from someone's journal





Lana

Gusto ng mga kamag-anak ni Tito na ipalibing siya kung saan nakalibing ang tatay niya; sa sementeryong malapit sa bangin ng dagat. Kaya nandito kami ngayon.

Monday ngayong araw at ngayong umaga ang libing ni Tito. Nandito kami sa ilalim ng porta-tent at nakasuot kami lahat ng puti. Kasama ko ang mga kaibigan kong nakaupo dito sa mga nakalabas na monoblock. Sa lupa ililibing si Tito, katabi ng tatay niya. 

Si Tita nasa may kabaong ni Tito. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. She was being comforted by her relatives and some of Tito's. Si Noah naman ay nasa bahay, ayaw niyang sumama.

He doesn't like funerals because he says that it makes him uncomfortable. Ang libing ng magulang namin ang una at huling libing na dinaluhan niya.

Pagkatapos ng isang oras mahigit, nilibig na si Tito. Madaming umiyak, si Tita nag-wala, pati ako hindi ko naiwasang lumuha. Hindi ko na tinapos ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. Umalis na ako kaagad pero hindi pa ako umuwi, lumakad lang ako papunta dito sa tabi ng bangin kung saan dagat ang nasa ibaba. Mga ilang minutong lakad ito sa sementeryo.

Nakatayo lang ako dito sa pinaka gilid. Ang sarap ng pakiramdam ng sariwang hangin sa balat, kasama ng maalat na amoy ng dagat.

Tumingin ako sa baba. Pinanood kong humampas ang mga alon sa mga malalaking batong nasa ilalim ko.

I was never scared of heights.

I don't often think about death. But today it has been a lingering thought in my head.

Ang dami nangyari... kanina ko pa din iniisip kung meron ba akong kinalaman sa pagkawala ni Tito, kagaya ng pagkawala ng mga magulang ko. Kung meron ba akong kinalaman sa sakit na dinadanas ni Tita ngayon, kagaya ng pagkawala ng mga magulang ko. 

Pakiramdam ko kasi meron. Meron. Alam ko meron... pero ano? ano ba ang ginagawa ko para maging karapat-dapat sa mga akusasyong 'yon?

"Kung hindi ka siguro na-buhay ngayon, nandito pa pamilya ko."

Kasalanan ko kaya kung bakit naaksidente si Tito?

"Kung hindi ka siguro na-buhay ngayon, nandito pa pamilya ko."

Kasalanan ko din kaya kung bakit namatay si Lannel?

"Kung hindi ka siguro na-buhay ngayon, nandito pa pamilya ko."

Baka may kinalaman lahat ng 'to sa pagiging makasarili ko? Hindi kaya...?

"Kung hindi ka siguro na-buhay ngayon, nandito pa pamilya ko."

Kasalanan ko kung bakit hindi buo ang pamilya nila ngayon... Kung hindi lang siguro ako nabuhay.

Ungrateful

Ungrateful

Ungrateful

Namumuo ulit ang mga luha sa mata ko.

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon