Chapter 31

4 1 0
                                    

Shan

"Pero paano kung subukan mong ipaglaban, Shan?"

Parang bubuyog na maingay sa ulo ko ang mga salita ni Avery. Ilang beses nang umuulit simula nang maiwan akong mag-isa dito sa kwarto ko.

"There's nothing wrong with trying."

Kung madali lang... kung gano'n lang kadali kagaya ng pag-sabi nila. Kung madali lang gawin ang mga salitang binibitawan natin.

"Watch your mouth, Wren, or else you will relive those childhood moments of when you had disobeyed me."

One hit on the face and I was done fighting for it.

I'm such a coward.

Nandito ako nakaupo sa lamesa ng kwarto ko. My lights were turned off, but there was still moonlight shining down through the window in front of me.

Kanina ko pa tinitingnan sa kamay ko ang keychain na gawa sa yarn. The mushroom guy that has a cute little bee hat.

Lumipat ang mata kong nalulungkot patungo sa labas ng bintana. Nakuha ang atensyon ko ng babaeng nasa labas ng gate namin. Lumukot ang mukha ko sa pagtataka. Pamilyar sa 'kin 'yung itsura niya.

Nasa labas din si Ate Marie at mukhang nakita niya na 'yung babae. Nilapitan niya ito at dito na ako tinamaan ng realisasyon. Si Lana. Anong ginagawa niya dito?

Agad kong binitawan ang hawak kong keychain at lumabas na ng kwarto ko. Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan para agad na makalabas ng bahay.

The moment I stepped outside, Lana was already in. Pinapasok na siya ni Ate Marie na nakatingin din sa 'kin.

"Shan, hinahanap ka ni Lana." Hindi ko mawari ang ekspresyon ni Ate Marie. She looks confused and lost yet a bit worried at the same time. Para bang hindi niya alam ang gagawin niya.

I nod. "Okay na po, Ate Marie. Kakausapin ko lang si Lana ng saglit."

Mukhang nangangamba siya. "Sige, Shan, bigyan ko kayo ng privacy. Pero alalahanin mo, nand'yan papa mo." Umalis na siya at ngayon pa lang nag sink in sa 'kin na kakauwi lang ng father ko kanina.

Muli akong tumingin kay Lana. She looks like she has a lot of things she wants to say, like a bottle of words kept in her heart about to break and overflow. 'Yung mata niya medyo namumula, bahagyang lumuluha.

Lumapit ako ng konti sa kan'ya. "Pa'no ka nakapunta dito?" mahina kong tinanong.

"Hinatid ako ni Ayin." Pareho kami ng hina ng boses. A delicate tone.

"Ah..." Hindi ko na ulit alam ang sasabihin ko.

"I..." sinimulan magsalita ni Lana kaso tumigil siya at umiwas ng tingin. Pinagmamasdan kong lumipat ang kamay niya papunta sa kan'yang kwintas. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy magsalita.

"Shan... gusto kong mag sorry." Tiningnan niya na ako sa mga mata at dahan dahan lumabas ang mga salita mula sa bibig niya. "Gusto ko mag sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry dahil may mga times na tinutulak kita palayo. Sorry dahil alam kong may mga times na nasaktan kita. Sorry dahil magulo ako... Sorry, Shan. Sorry.

Kaya, please, please bumalik na tayo sa dati. Sige na... p-please."

Ramdam ko ang mabagal na pagbasag ng puso ko sa bawat salitang binitawan niya, pero pinigilan ko ang bibig ko na sabihin ang mga bagay na gustong sabihin nito sa kan'ya. "Lana, gabi na, you should go home. Papahatid na lang kita."

"Susunduin daw ulit ako ni Ayin."

"Then, good..." Sinubukan kong ngumiti para itago ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, sa lahat ng galit na nararamdaman ko sa sarili ko ngayon. "Have a good night, Lana." Sinimulan ko nang lumakad pabalik sa loob ng bahay.

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon