Chapter 22

14 3 0
                                    

Shan

I couldn't sleep.

Kaya bumaba ako ng kwarto ko para pumunta ng kusina. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog.

Sinubukan kong mag basa kanina kaso wala pa rin, hindi pa rin ako inaantok. Malapit na mag alas dose ng umaga at gising pa rin ako. 

Binuksan ko ang ilang mga ilaw para hindi naman madilim dito sa baba. Pagkatapos ay kumuha ako ng baso, inilagay ko muna ito sa countertop para makakuha ng malamig na tubig sa fridge. Kinuha ko ang glass pitcher sa loob. I pour water in my glass.

Pinanood kong dahan dahang mapuno 'yung baso ko.

I lied. I know the exact reason kung bakit hindi ako makatulog.

Si Lana.

Kanina pa siya tumatakbo sa isipan ko. Hindi siya umaalis. Bumuntong hininga ako habang ginulo ang buhok ko gamit ng isa kong kamay. Nang mapuno na ang baso sinimulan ko na ito inumin.

"Not to burst your bubble or anything—"

My heart lounges out of my chest as I turn around to see Avery standing behind the kitchen island.

I let out a breath of relief and put my glass down. "Avery," gulat kong sinabi. "Gising ka pa pala."

"Yes. I just..." pinakrus niya ang braso niya. "Gusto ko lang sabihin na napipilitan lang akong maging nice sayo kasi takot ako sa daddy mo, alright?" mabilis na lumabas ito sa bibig niya. "Ayaw ko din na ma-disappoint parents ko. It may seem that I show the slightest interest, but I feel the exact opposite. I don't want anything to do with you, got that?"

"Oka—"

"Hindi kita gusto," diretso niyang sinabi. "In fact may gusto na ako sa school namin, we're already together and he's way more handsome than you. Not saying that you're handsome in any way, okay? kasi hindi naman kita type. So don't take that as a compliment!" Umawang ang labi ko para magsalita kaso ipinagpatuloy niya.

"Listen, you seem like a great guy but hindi talaga ako interested. Gusto ko lang i-clear sa 'yo kasi mukhang hindi ka nag bu-budge. Kahit na tarayan kita and stuff mabait ka pa rin sa 'kin. So yeah, I resorted to just flatly saying it to your face."

She pauses and clears her throat. "That's all," she quickly says. "Thank you."

I try processing everything that she just said. I couldn't help but laugh.

Avery scoffs in disbelief. "Don't you laugh at me."

Umiling-iling ako, "No no, hindi naman sa ganon." Huminahon ako sa katatawa. "I was just relieved. May gusto na din kasi ako sa iba. And I also found it interesting when you said quite a lot for a simple 'I don't like you'."

"I get that a lot." She then finally smiles, a relieved one. "Pero good na mabuti nagka-intindihan tayo."

A small smile forms on my lips.

Binaba ni Avery ang dalawa niyang kamay sa gilid niya. "I'll just continue to act as if I like you and then we can break it off when I leave."

"That sounds good."

"Okay, I gotta go now and sleep. I'll see you tomorrow."

I nod. "Right. Have a good sleep."

"You too," she waves goodbye before walking away.

Gumaan ang pakiramdam ko. 

***

Mahilig si Avery sa boots at pumasok sa isip ko si Lana na mahilig sa mga dresses.

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon