Chapter 26

11 2 0
                                    

Lana

Mag-isa akong naghihintay na nakaupo dito sa isang bench katabi ng puno, dito sa maliit na parke malapit lang sa bahay namin. Suot ko ang knitted kong jacket dahil medyo malamig ang simoy ng hangin. Wala nang ibang tao dito kaya ang naririnig ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig. 

Hindi ako nag paalam kay Tita dahil wala pa naman siya sa bahay, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Pero sinabihan ko si Noah na may pupuntahan lang ako saglit.

I stare at my foot, slightly kicking the ground.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinext ko si Shan. Hindi ko na siguro kaya itago 'tong emosyon ko. Hindi ko na kayang iwasan siya. Hindi ko na kayang magsinungaling sa mga kaibigan ko at mas lalong-lalo na sa kan'ya.

May dala akong maliit na bag kung saan nakalagay ang notebook ni Shan. I'm going to come off clean. I'm going to tell him the truth.

Hindi pa nakalipas ang isang segundo, may kotse nang papunta sa direksyon ko. Bahagya akong nasilaw sa ilaw na papalapit sa akin hanggang sa huminto ito sa harap ko. Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas si Shan. Mukhang may sinabi pa siya sa kung sino man ang nagmamaneho bago isara ang pinto. Umalis na ang sasakyan, kaya't naiwan na kaming dalawa dito.

He looks hesitant to approach me but I stand up from the bench and take a few steps forward. This made him comfortable enough to walk towards me, slowly, until we were close to each other. Perhaps about two feet apart.

We stare in each other's eyes. I can see that he has a lot to say but decides to remain quiet. Ang daming gusto sabihin ng mata niya. Ang daming gustong tanungin. Ang daming gustong linawin.

Pero hindi siya nagsalita.

Ako dapat ang unang magsalita dahil ako ang nagpapunta sa kan'ya dito. Pero hindi ko alam kung ano sasabihin o kung paano ito simulan.

I took a deep breath and mustered the courage to talk but it only came out as a whisper. "I'm sorry..." hindi ko na kontrolado ang sarili kong boses, it starts breaking. "G-gusto ko mag sorry... I'm so sorry..." Humigpit ang dalawa kong nanginginig na kamao sa hawak kong maliit na bag. Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil malapit nang tumulo ang luha ko.

"Sorry talaga, Shan..." Hindi ko na kinaya. Hindi ko na maiwasan. Umiyak ako.

"Hey... hey it's alright." He moves closer and pulls me in for a hug.

"I'm sorry." More tears fell down my eyes.

"Don't apologize for something you cannot control, Lana."

I didn't hug back but I let him gently caress my back. I let him whisper comforting words near my ear. I let him. I don't know why, maybe because I lost the strength to push him away anymore.

O baka gusto ko lang talaga na gawin niya 'yon.

Selfish

Selfish

Selfish

Makasarili na kung makasarili pero gusto kong hawakan niya ako hangga't sa tumahan ako. Gusto ko marinig lahat ng mga salita niyang nakakapag-pagaan ng damdamin ko.

Gusto kong may makakita na pagod na pagod na ako mabuhay.

Gusto kong maramdaman na may kasama ako.

Self-centered

Self-centered

Self-centered

Self-centered

Our Delicate BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon