Welcome to the family(Chapter 9)

10 4 0
                                    

Jaden POV
Nagulat ako sa sinabi ni Shiela pero pumayag nalang ako dahil di sya nagkamali sa kanyang sinabi na baka mawala ako sa oras na kailangan nyako.
"Sige papayag ako."
sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.
BACK TO SHIELA'S POV
Pumayag ako at sumama sya sakin papasok sa loob, habang papasok kami ay biglang dumating ang kapatid ko
"Oh Jeff, anong ginawa mo sakanya?
"hinabol kolang te, pero mukhang minamalas sya ngayon e. Nabangga ba naman, pero di naman sya natuluyan ate kaya wag kang mag alala"
"Pasaway ka talaga!"
Tumingin sya kay Jaden at tinanong kung sino sya
"Ikaw ba yung bagong boyfriend nang ate ko?
tanong nya
"Oo ako nga"
Malamig na sabi ni Jaden
"Bago ka maging asawa ng ate ko kailangan mo munang dumaan sakin."
Mayabang na sabi ni Jeff
"Sige ba"
"Sige, inahamon kita sa inuman, kasi sabi nila yun daw ang nag papalabas sa tunay na ugali ng lalaki"
Sabi ni Jeff
"May pera kaba? ang lakas mong mag aya ng ganyan ha"
"Ate, dahil don, baka pwedeng pautang muna?
FEW MINUTES LATER
Nag inuman sila Jeff at Jaden pero lasing na si Jeff
"Alam mo, si ate at tita nalang yung natitira kong pamilya"
saad ni Jeff habang tumatawa
"Si ate, sya yung nag papaaral sakin at nagpapakain pero pasaway ako sakanya"
sabi ni Jeff at biglang umiyak
"Mahal ka naman ng ate mo, kilala ko yun e. Soft hearted ang ate mo, kahit pasaway ka mahal ka parin nyan"
Sabi ni Jaden na biglang nagpatigil sa Pag iyak ni Jeff
"talaga?"
"Oo ano kaba, lagi ka nyang kinikwento sakin e"
Umiyak si Jeff sa narinig nya, habang si Shiela ay nanonood sakanila habang kumakain
"Dahil jan, tanggap na kita. Welcome to the family Bayaw"

I fell inlove with a doomWhere stories live. Discover now