Tips #0006♡

36 7 2
                                    

꘎♡━━ CHAPTER 6 ━━♡꘎

GC kasoho

Gael: akala ko ba isang pamilya tau?

Luke: lols, d ka kasali. Kami Lang
😆 (10) 👍 (2) 🖕(1)

Gael: si @Corby Mendel, spotted nag-aasim sa mall nong Sat.
😯 (4) 

Gael sent a photo.
😯 (9) 🙀(3) ❤️ (4)

Missy: cno yong nakapink?

Yannah: bat naka-crop??

Kevin: hindi na Ikaw Ang Kobs na nakilala ko
😆 (5)

Denver: sensyahan nyu na. Ndi naabot ng height ni Gael kaya half body lang kita.
😆 (12) 🖕(1)

Gael: 🤌🤌🤌

Antoinette: send whole pic

Gael: low-key lang sila, diba @Gwen Parker

• Edited •

Gael: low-key lang sila, diba @Corby Mendel, wrong mention HAHA

Gusto ko na lang mag-left nang mabasa ang conversation sa gc. Pahamak ka talaga Gael Samson! Ibinalik ko sa bulsa ng pantalon ko ang aking cellphone at dinampot ang bag para pumasok na sa school.

Nasa gate pa lang ako, gusto ko na umuwi. I really hate Mondays.

Inaantok pa ako nang makapasok sa room. Umbob ako sa aking desk habang may nakasalpak na earpods sa tainga para hindi ko marinig ang ingay ng mga kaklase ko na kay aga-aga pero ang dami ng baon na chismis.

Hindi ko alam na inabot ako ng isang oras sa pagtulog. Nagising ako nang inalog ni Kourtney ang balikat ko. Mukhang wala kaming klase kaninang first period dahil may faculty meeting.

"Good morning po, St. Agnes. Pinapapunta na po ngayon sa taas ng AVR ang representatives po for AP Quiz bee ng lahat ng section." sabi n'ong taga-HUMSS na nasa labas ng pintuan.

"Oy, sino sa'tin? Hindi ata nasabi ni sir sa atin to'." tanong ni Pres.

"Si Kevin daw, tutal mahilig naman bumalik 'yan sa nakaraan." tukso ni Gael kaya binatukan siya ng huli.

"Isa lang ba per section?" tanong ni Pres doon sa babae.

"Dalawa po." sagot niya.

"Hoy h'wag na kayo magpabebe, lumakad na 'yong gustong sumali." sigaw ni Yannah.

"Si Gwen! Best in AP to' no'ng grade 10 kami." turo ni Kourtney sa akin. Hinampas ko siya, baliw talaga kahit kailan!

"Sasali rin daw si Kobs! Partner daw sila ni Gwen." dugsong ni Gael. Sabay namin siyang sinamaan ng tingin ni Corby.

"Payag kayo?" tanong ni Pres at pareho kaming umiling.

Like duh, sinong sasali ng quiz bee ng walang review. Isa pa, wala na akong matandaan sa lesson last year. 'Yong last week nga ay limot ko na rin, pano pa kaya iyon.

"Hindi kayo ang tinatanong ko, sila. Ano payag kayo na si Gwen na at Corby?" sarap burahin ng ngisi ni Pres.

Siyempre dahil desisyon sila, pumayag sila kaya ito kami ngayon at naglalakad papuntang AVR. Hindi ko na alam kung ilang irap ang nagawa ko habang papunta rito.

Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon