Tips #0010♡

19 2 0
                                    

꘎♡━━ CHAPTER 10 ━━♡꘎

Tinapos ko lang ang pag-inom ng gatas sa may balcony. Ibang iba sa city dahil kalmado at ang ganda ng tanawin. Nang bumangon ako kaninang alas-5, zero visibility ang buong paligid dahil sa fog.

"Family is love, family is love!" sinasabayan ko ang christmas carol sa TV nang pumasok ako sa loob.

"Mahiya ka Gwen sa kapitbahay, hindi soundproof 'tong  unit." puna ni Kuya sabay bato ng plastic spoon na hawak niya.

"Ma, Pa, pwede kaya mangaroling sa kada unit dito." nakapangalumbabang tanong ko habang pinanonood siyang mag-chop ng mga rekados.

"Papabayaan ka namin kapag ini-report ka sa security." sinamaan ko ng tingin si Kuya.

Tumulong ako sa pag-balot ng giniling na karne sa wrapper. Mamaya pang hapon ito ipiprito ni Mama.

Pinagbihis kami nina Mama dahil mamamasyal daw kami sa mga kainan dito sa Tagaytay. Lalo akong na-excite nang malaman na pupunta kami sa sky ranch. Tumanggi si Kuya na sumama pero hindi siya hinayaan nina Mama na maiwan dito sa unit. Sayang daw kung matutulog lang siya maghapon.

Nag-elevator kami pababa. Nauna na si Papa kanina para kunin ang sasakyan sa parking. Pumasok kami sa kotse nina Kuya. Ang daming puno dito sa Tagaytay, as in. Mataas na lugar ito kaya malamig ang klima. Sa baba, natatanaw ang Batangas.

Marami kaming nabili na prutas dahil ang mura at fresh ng mga tinda. Andaming nagtitinda miski sa mga tabing kalsada. Mga pineapple, dragon fruit, avocado, at santol. Bumili rin sina Papa ng mga tanim dahil mahal daw ito kapag sa Laguna hahanapin. Inilagay namin ang mga pinamili sa compartment.

Dumaan na rin kami sa Mahogany Market. Mga seafoods ang kinain namin. Sa Leslie naman namin in-enjoy ang pagkain ng sikat na bulalo dito sa Tagaytay. Tanaw dito ang ibang angle ng bulkan. Dumaan rin kami sa ayala mall para mamili ng mga damit. Sa mga souvenir shop ay namili ako ng pwedeng ibigay sa mga kaibigan ko pagbalik sa school.

Bago mag-alas-3 saka kami nagpunta sa sky ranch. Iba't ibang rides ang sinakyan namin. Mapupuno na ang storage ko sa dami ng picture namin. Mawawalan na rin ako ng boses sa kakasigaw. Nakailang saway at iling si Kuya sa akin. Huli naming sinakyan ang ferris wheel.

Sa restaurant ni Ka Tunying kami bumili ng kape at mga tinapay. Uminom ako para hindi agad dalawin ng antok mamayang gabi. Hindi na kami nakapunta malapit sa bulkan, sa susunod na lang daw sabi ni Papa. Bago tuluyang bumalik sa condo, nagsimba muna kaming buong pamilya.

Nang pauwi ay bagsak ako sa sasakyan dahil sa pagod. Ako ang pinaka-energetic sa kanila kanina. Hinayaan ako nina mama na matulog muna pagkarating at gigisingin na lamang ako kapag malapit na ang noche buena.

Naalimpungatan ako sa mga tumamang flash ng camera sa mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko, sobrang lapit ng phone ni Kuya sa mukha ko. Tawa siya ng tawa habang kinukuhaan ako ng picture.

"Mama, si Kuya ang gulo!" sumbong ko.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya at bumangon. Naka-pajama ako at gulo-gulo ang buhok ko dahil sa pagtulog. Kumuha ako ng suklay para ayusin ito.

Pagkapunta ko sa kusina, inihahain na nina Papa ang mga pagkain. Lumapit ako para tumulong. Malapit ng pumatak ang alas-12 ng gabi.

Nang silipin ko ang baba sa balcony, may mga naglalakad pa at ang raming mga pailaw. Naisipan kong bumama ng condo para aliwin ang sarili sa mga pailaw.

Nagpaalam ako kina Mama at pumayag ito. Iyon nga lang, sumama si Kuya sa akin dahil gabi na raw at delikado kung mag-isa lang ako. Inintay namin ang pagbukas ng elevator saka namin pinindot ang LG.

Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon