Tips #0012♡

13 2 0
                                    

꘎♡━━ CHAPTER 12 ━━♡꘎

"Lalabhan ko muna 'to bago ko ibalik sayo." sabi ko kay Kalixtus at itinaas ang kanyang hoodie.

Good thing may extra skirt ako sa locker. Hiyang hiya ako ng si Kalixtus pa ang bumili ng pads ko dahil naubusan na ako ng stock.

Bumalik kami sa classroom na parang walang nangyari. Walang teacher dahil may faculty meeting daw. Excuse din ang mga President dahil pinatawag sila ng CSC.

Panay kwentuhan lang at ang mga kalalakihan sa likuran ay naglalaro ng ml. Mukhang kabilang section ang kalaban nila. Kanina pa ang trash talk nila.

"Gwen, naiinis ako." bumaling ang paningin ko kay Kourtney.

"Bakit?" tanong ko.

"Walang kwenta kagrupo ko sa Pananaliksik." madiin pero mahinang sabi nito.

"Grabe ba. Anyare?" usisa ko.

"Imbis na unahin 'yong title, kanyanang TikTok at ML ang mga kingina." salubong ang kilay na inginuso sina Denver at Stacey.

Natawa ako pero agad na tumigil ng samaan ako ng tingin nito.

"Kung pwede lang solo, mag-iisa talaga ako." asik niya.

"Magsabi ka kay Ma'am Lohan." suggest ko.

"H'wag na. Sisingilin ko ng tig-2k sila after tutal mapepera naman sila.  Instant 6k, libre kita ng McDo." hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro siya.

Maya-maya ay pinatawag ang lahat ng g11 sa hall dahil sa biglaang meeting. Kasabay ko sila Kourtney at Raziel papasok doon. Mabilis na humagilap ng mono block chair kami pagkarating. Sakto na may mini fan akong bitbit dahil ang init sa loob dahil crowded.

"Ano kayang meron?" rinig kong bulong ng isang TVL student. Malapit kasi sila sa pwesto namin.

"Meeting daw para sa foundation day." sagot ng kaklase niya.

Na-excite ako sa narinig.

Kaagad tumahimik ang lahat ng umakyat sa stage ang mga adviser ng grade 11. Ipinaliwanag sa amin ni Ma'am Lovegood, adviser ng ABM-1 ang magiging setup.

Of course, hindi mawawala ang performance kada-year level. Mamaya ay magm-meeting para sa sasayawin ng per section at isa na panglahatan. Mayroong kasing designated theme at magpapalabunutan para malaman kung ano ang sa bawat year level.

Para naman sa booth, magpa-participate ang lahat sa pagtatayo pwera na lang sa ABM at TVL dahil na-assign ang strand nila na magtitinda during the event.

Three days ang itatagal ng event at may 2 weeks na lamang kami na preparation para dito. After ng meeting, kanyanan kaming balikan sa kani-kanilang classroom. Si Pres ang huling dumating.

"Para sa sasayawin natin, traditional dance ang nakuha." announced niya na hindi ikinatuwa ng karamihan.

Wala ring nagawa nang magsimula ang practice. Kung hindi lang required ang sumali dito, hindi talaga ako sasali. Ginawa kasing performance task ito sa PE, iz-zero once na hindi mag-cooperate.

Pagkauwi ko sa bahay, nagawa lang ako ng activities. Nang sipatin ko ang oras matapos kong mag-aral, malapit na mag-11 nang gabi. Bumaba ako para tingnan kung nakauwi na si Claire nang hindi ko siya makita. Kaagad kong hinagilap ang phone ko at itinext siya at tinawagan.

Claire, san ka na?

Bakit di ka sumasagot?

Uwi ka na, gabi na.

Napagpasya ko na intayin siya sa gate. Isinuot ko ang jacket ko dahil malamig na. Bitbit ang isa pang payong, tumakbo ako kaagad nang matanaw ang pigura ni Claire na nakayuko habang mabagal na naglalakad sa gitna ng ulan.

Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon