꘎♡━━ CHAPTER 1 ━━♡꘎
GWEN
STEM 1
St. Agnes of Rome"Ito na siguro 'yon."
Pumasok ako sa loob ng classroom. Pinili ko 'yong pwesto sa may tapat ng bintana. Dahil maaga pa, iilan lang kami na narito.
Malamig sa loob dahil malakas ang aircon, sakto pala ang pagsuot ko ng jacket. Thirty minutes bago magsimula ang first period. Inilabas ko ang cellphone ko at nag-online pampalipas oras.
Grade 11 na ako at kalilipat ko lang ng school. Walang STEM sa dati kong pinapasukan kaya napilitan din akong mag-transfer. Dito ako nag-enroll sa Roosevelt High School, isang private catholic school. Kilala rin ito sa bayan at hindi biro ang tuition fee. Nag-apply ako bilang scholar para makabawas sa gastos.
Hindi gaanong bago sa akin ang eskwelahan na ito. May kaibigan ako na dati pa rito nag-aaral. Iyong iba kong kaklase sa junior high ay lumipat din dito.
Kinakabahan at excited ako at the same time. Sana hindi ko pagsisihan na nag-STEM ako. Balita ko nga ito raw ang pinakamahirap na strand, according sa mga page na sinalihan ko sa FB. Feel ko parang exaggerated na 'yong ibang post.
OA na, kumbaga.
Pre-cal ang una naming subject. Nakasanayan ko nang gawing lock screen ang class schedule. Sinadya ko para hindi na ako palatanong sa iba kong kaklase kung sino o ano ang susunod na teacher or sub.
"Bagong buhay ka te? Aga mo ah. " bungad nang kararating lang na si Kourtney.
Kaklase ko siya noong Grade-10 at siya ang pumilit sa'kin na dito mag-aral. ABM ang first choice n'ya pero engineering ang gusto niyang course. Ayaw n'ya pa mag-STEM nang una kasi marami raw research. Ako ang humigit sa kanya rito.
Umupo siya sa tabi ko at sinilip ang ginagawa ko sa phone. Ngumiwi siya nang makita na anime 'yon. Kalalabas lang ng bagong episode ng Demon Slayer. Tuwing Sunday ang update pero Monday ko na pinapanood.
"Para kang bata, nanonood ka pa ng cartoons."
"FYI, magkaiba ang anime at cartoons." sagot ko at pinalo siya sa balikat.
"Whatever.."
Tinapos ko lang ang pinapanood ko at binalik na ulit sa bag ko ang aking cellphone. Siniguro ko na naka-silent 'yon. Baka kasi may tumawag habang oras ng klase.
"Nag-advance study ka 'te?" tanong ko kay Kourtney na kanina pa nakatingin sa bagong polish niyang mga kuko.
"Of course not. Hindi pinagsasabay ang bakasyon at pag-aaral." katwiran niya.
"For sure may pre-test tayo sa bawat sub. H'wag kang gagaya." sabi ko at pinanliitan siya ng mata.
"Gasino nang hulaan 'yon, 'te. Hindi naman recorded 'yon." tumatawang sabi ni Kourtney. Pumalumbaba ako bago muling umimik.
BINABASA MO ANG
Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)
RomanceThe repeating cycle of falling for someone, then heartbreaks afterwards, made Gwen lose her belief in the real essence of love in the generation she belongs to. She comes up with tips for her to avoid getting attached to someone because she believes...