꘎♡━━ CHAPTER 7 ━━♡꘎
"Malapit na ang long weekend, anong plano mo?" tanong ni Raziel habang nagr-review kami para sa finals.
Nandito kami sa library nina Kourtney. Nag-CR lang siya kaya naiwan kami ni Raziel. Nakapatas ang mga notebook at highlighters ko na halos angkinin na ang space ng buong lamesa. Mga core subjects ang palagi kong inuunang aralin tapos hinuhuli ko ang major dahil doon ako nagf-focus.
"Hindi ko pa alam e', baka umuwi ako sa amin." sabi ko.
"Outing tayo." nakapangalumbaba na ani ni Raziel habang nilalaro ang ballpen sa kanyang daliri.
"May nabili na kayong panregalo" singit ng kararating lang na si Kourtney. Hinigit niya ang bangko at umupo siya sa tabi ko.
"Wala pa, hindi kasi naglalagay ng wishlist 'yong nabunot ko." reklamo ko.
"Bigyan mo ng tasa or picture frame." tumatawang sabi ni Kourtney.
"Sige, tapos ikaw 'yong nabunot ko. H'wag kang mag-iinarte." sabi ko.
Malapit lang ang bahay ni Raziel dito sa school kaya malamang ay doon lang din siya ngayong long weekend. Hindi siya katulad namin ni Kourtney na nakahiwalay sa magulang at nagb-board.
"Isama n'yo na lang ako sa inyo." bored na sabi ni Raziel.
"Mapalayas pa ako sa bahay kapag nagdala ako ng lalaki." sabi ni Kourtney at natawa kaming pareho ni Raziel.
Nagpalipas kami ng isang oras pa bago tumigil sa pag-review. Naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Si Raziel ay naiwan sa library para ipa-print 'yong position paper na di pa niya napapasa. Si Kourtney naman ay dumaretso sa cafeteria para bumili dahil nagutom daw siya sa kakaaral.
Nagpatangay ako kung saan ako madala ng aking mga paa.
Umupo ako sa bakanteng bench habang tinatanaw ang malawak na field ng school. Tinatangay ng malakas na ihip ng hangin ang aking buhok kaya ipinuyod ko ito nang may kataasan. Isinaayos ko ang pagkakasuot ng aking reading glasses.
Bumalik ako sa room ng mag-chat si Pres sa GC.
Terrence: @everyone, punta muna kayo sa room.
"Anong meron, Pres?" tanong ni Elliott.
Kumpleto na kami at kasalukuyang nasa unahan si Pres.
"Anong theme ang gusto ninyo para sa Xmas Party?"
Kaagad umingay ang mga kaklase ko at sabay-sabay na sumagot.
"Mafia!" sigaw ng mga boys.
"Jejemon suotin, para maiba naman" - si MJ
"Wdym maiba, e' laging ganoon suot mo." trash talk ni Stacey.
"Retro tayo." -Yannah
"Kahit ano na lang, hassle maghanap ng isusuot." agree ako sa sabi ni Luke.
"'Di ba pwede mag-red na lang tayong lahat?" -si Kevin.
"HUWAG KAYONG MAGSABAY-SABAY!" sigaw ni Pres na nagpatahimik sa kanila.
"Missy, dito ka sa unahan. 'Yong may mga suggestion, itaas ninyo 'yong mga kamay ninyo at tatawagin kayo. Pakisulat na lang Missy ng mga sasabihin nila." mahinahong utos ni Pres.
Nagsuggest sila at sa huli, napagbotohan na white Christmas ang magiging decoration ng room. Winter outfit na may touch of white and sky blue ang magiging suot namin. Maiiwan ang officers para mag-meeting. Mabuti na lamang at hindi ako nanominate kaya maaga akong makakauwi.
BINABASA MO ANG
Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)
RomanceThe repeating cycle of falling for someone, then heartbreaks afterwards, made Gwen lose her belief in the real essence of love in the generation she belongs to. She comes up with tips for her to avoid getting attached to someone because she believes...