꘎♡━━ CHAPTER 9 ━━♡꘎
"Gwen! Narito na ang Kuya mo!" sigaw ni Manang Cely mula sa labas.
Nagba-bye ako kay Claire bago dali-daling bumaba bitbit ang gamit ko. Bumungad sa akin si Kuya na nakasandal sa kotse niya at nilalaro ang susi sa kanyang daliri. Umayos siya ng tayo pagkakita sa akin.
"Let's go." aniya at sumakay na sa loob.
"Ingat kayo!"
"Kayo rin po!"
Kumuway ako sa nakatanaw na si Manang Cely at Claire bago pumasok sa sasakyan. Pinaandar na ni Kuya ang kotse niya at nagsimula na ang biyahe namin pauwi ng Laguna, sa bahay namin.
"Kumusta ang school?" tanong ni Kuya Gavin habang nagd-drive.
"It's nice, you know, new environment, new people. I'm enjoying the journey so far, except for the overloading schoolwork. It drains me." sagot ko.
"Senior high school gets stressful, but don't forget to take care of yourself, okay? I don't want you coming to the hospital and becoming my patient." pareho kami tumuwa sa sinabi niya.
Nag-drive thru kami sa KFC dahil almost lunch na rin. Nagkwentuhan lang kami ni Kuya buong biyahe. It took one and a half hours, isama pa na medyo traffic bago kami makarating sa bahay.
Kinuha ni Kuya Gavin ang mga gamit ko sa compartment. Si mama ang bumungad sa pagbukas ng gate. Agaran siyang lumapit sa amin at niyakap kaming pareho ng kapatid ko. Nakita ko si Papa na nakasunod sa kaniya. May ngiti ang kanyang labi habang pinagmamasdan kaming tatlo.
"Isali ninyo naman ako." sabi ni Papa nang makalapit sa pwesto namin.
"It's good to be back." sabi ko.
Pumasok na kami sa loob. Sina mama ay naghanda ng pagkain. Sinabi namin ni Kuya na nakakain na kami pero ang sabi niya ay kumain ulit kami. Nagpaalam ako sandali para umakyat sa kwarto ko at magpalit ng damit. Nakapambahay ako nang bumaba at saluhan sila sa kusina.
Tinanong kami nina Mama sa mga ganap namin sa buhay. Tungkol sa pag-aaral namin, sino ang mga kaibigan, ano-anong kinakain namin kapag nasa boarding house at marami pang iba. Pareho naming sinasagot iyon ni Kuya. Kinamusta rin namin sila habang wala kami rito.
"Gavin, iho, may nililigawan ka na ba?"
Nabilaukan si Kuya sa tanong ni Papa. Iniabot ni Mama ang tubig para makainom siya.
"I'm too busy to waste my time for that." umiiling na sagot ni Kuya.
Sabagay, mahirap ang maging med student kaya ayaw ko na maging doctor. Kakainin n'on ang buong oras ko. Tapos sobrang tagal pang pag-aaral ang gugugulin. E' alis na alis na ako sa school. Gusto ko na lang nga grumaduate.
"How about you, Gwen? Baka may nanliligaw na sa'yo." baling naman sa akin.
"Wala po, good girl po ako." I said laughing a little.
"Hindi namin kayo pinagbabawalan ng Papa ninyo sa mga ganyang bagay. Ang sa amin lamang ay dapat alam ninyo ang mga limitasyon ninyo." mahinahong sabi ni Mama.
"Kabataan pa naman ngayon, masyadong mapupusok." dagdag ni Papa. Nakinig lang kami ni Kuya sa sinasabi nila.
Nang matapos ang pagkain namin, iniligpit nina Kuya ang mga pinggan. Kami ni Mama ang naghugas.
After that, kumuha ako ng ice cream sa fridge at nagtungo sa sala. Inilagay ko sa Netflix ang TV para manood ng kdrama. Queen of tears ang inaabangan ko.
"Ang ganda talaga ni Hae-in."
Umiiyak na ako habang nanonood. Nasa part na ako na nagpunta si Hae-in sa Germany tapos sinundan siya ni Hyun-woo. I covered my eyes when they kissed.
BINABASA MO ANG
Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)
RomanceThe repeating cycle of falling for someone, then heartbreaks afterwards, made Gwen lose her belief in the real essence of love in the generation she belongs to. She comes up with tips for her to avoid getting attached to someone because she believes...