꘎♡━━ CHAPTER 14 ━━♡꘎
"Saya natin, a."
Sa halip na tumugon, ngumisi lang ako at pinagpatuloy ang pags-solve. Dahil tapos na ang foundation day, back to reality ulit. Wala na naman akong maayos na tulog nito sa mga susunod na araw. Idagdag pang papalapit na ang defense.
"Pota! Syntax error na naman."
"Baka may nag-double ka na sign." sagot ko kay Yannah na nasa kanan ko.
"Thirty seven ba ang value ng x sa number 6." biglang singit ni Elliot sa usapan.
"Mali, zero, wala kasing value ang mga x." sabi ni Yannah at diniin ang salitang x.
"Eh? Ibang x ata ang tinutukoy mo. Baka 'yong nasa ABM." nakangising pang-aasar ni Elliott sa sagot ni Yannah sa kaniya.
"Gagsti, nakatingin sa'tin si Sir." bulong ko nang iangat ko ang paningin at sumalubong ang mukha ni sir na parang hindi na natutuwa sa pag-uusap namin.
Ayaw na ayaw kasi ni sir na nagkukwentuhan lalo na sa oras ng quiz or exam. Nagtutularan lang naman daw kasi.
"Bwisit na calculus 'yan, panira talaga ng grade ko sa card 'yan. Diyan lang ako line of 8." reklamo ni Kourtney habang kumakain kami sa cafeteria.
"Tapos basic pa ang tawag diba, e'di wow." pagsang-ayon ni Raziel.
"Ang malas pa dahil hindi na kita katabi Gwen." nakangusong baling ni Kourtney sa akin.
Kopyahan ako ng gagang 'to, e.
Tinawanan ko lang siya at saka pinagpatuloy ang pagkain.
After namin mag-recess, nag-aya na rin akong bumalik sa classroom. Habang naglalakad kami sa hallway nina Kourtney, nakasalubong namin si Ma'am Paige, ang research teacher namin. I was about to greet her nang mauna siyang magsalita sa akin.
"I was looking for you, Ms. Parker. Pumunta kayo sa akin sa faculty room after ng last period ninyo ngayong tanghali kasama ang mga group mates mo." mataman ang tingin na ipinukol niya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang kabahan.
"Bakit po ma'am?" lakas loob kong tanong.
"I'll tell you later. Aasahan ko kayo." huling sabi niya bago tuluyang umalis.
"Sh*t, anong meron.." napahawak ako sa braso ni Kourtney.
Hindi ako mapakali buong discussion ni Ma'am Lohan. Kanina pa ang lingon ko sa orasan. Nasabihan ko na kanina ang mga ka-group ko sa research tungkol sa nasabi ni Ma'am Paige, but unlike me, parang wala lang sa kanila.
Damn, am I just overreacting?
Pagkatunog ng bell, magkakasabay kami na pumunta sa faculty room nina Jasper, Alliyah, at Mike.
"I am very disappointed sa grupo mo, Ms. Parker. Akala ninyo ba hindi ko malalaman."
Kanina pa ako nakayuko at pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Nanliliit ako sa sarili ko at hindi ko magawang itunghay ang aking ulo para salubungin ang mga mata nilang nang-aakusa.
I should have checked it! How f*cking irresponsible I am. I am their leader. Sa parte ko pinakang-nakakahiya ito.
"Sino ang naghanap ng RRL at RRS ninyo, hindi ba ang usapan ay 2019." tanong ni ma'am at magkapanabay kaming tatlo na lumingon kay Jasper.
"I'm sorry po.." mahinang sabi ni Jasper.
"Hindi ko rin maintindihan ang statement of the problem ninyo. The way I see it, walang kwenta ang kalalabasan ng research ninyo. Re-defense lang ang aabutin ninyo sa mga panelists dahil puro butas ito."
BINABASA MO ANG
Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)
RomanceThe repeating cycle of falling for someone, then heartbreaks afterwards, made Gwen lose her belief in the real essence of love in the generation she belongs to. She comes up with tips for her to avoid getting attached to someone because she believes...