Tips #0008♡

28 3 0
                                    

New update :) There's changes in Corby's name, as you notice.

꘎♡━━ CHAPTER 8 ━━♡꘎

Christmas party na! Ang bilis, tapos na agad ang first semester.

Santa tell me if you're really there,

Don't make me fall in love again if he won't be here next year.

Santa tell me if he really cares,

'Cuz I can't give it all away if he won't be here next year.

Sinasabayan namin ang kanta na pinapatugtog sa speaker. Ilang days pa bago ang Christmas pero paskong-pasko na sa room. Sa labas, naglalakihang snowman ang naka-display. Pinagmukha naming winter season dahil sa mga niyeba. May maliliit din na snowflakes na nakadikit sa may bintana. Dahil nilakasan nila ang aircon sa loob, nag-moist ang bubog doon.

"Chantelle.." nilingon ko ang tumawag sa'kin. Nakangiti akong kumaway nang makita siyang papalapit sa pwesto ko.

"Hey, Kalixtus! What's up?"

Isinuot niya sa ulo ko ang hawak niyang Santa hat. I was watching him the whole time, habang inaayos niya nang pagkakalagay ito sa aking ulo. Hinawi niya ang ilan sa mga hibla ng buhok ko at inilagay sa likuran ko.

"There you go." sabi niya nang matapos.

"Thank you." sabi ko.

"Wait ka lang, may kukunin ako." dagdag ko

Madali kong kinuha ang bag ko at nilabas ang binili kong reindeer antlers headband kahapon. Tumakbo ako pabalik sa kaniya at tumingkayad para maabot ang ulunan niya at maisuot ito.

He pouted his lips, and it seemed like he didn't agree with my idea. Instead of getting mad, I laughed because he looked cute doing that. It was rare to see him with that expression.

"You don't like it?"

"Honestly, it's not my style. But since it's from you, I'd like to keep it." he answered, with a gracious smile.

Sinuklian ko ng ngiti ang sinabi niya kahit naghuhuramentado ang pintig ng dibdib ko.

Kanya-kanyang dala ng mga food. Punong-puno ang table ng iba't ibang putahe at mga inumin. May cake, spaghetti, lasagna, pasta, pancit, shanghai, at iba't ibang luto ng karne. Bibili sana sila ng letchon pero masyado na raw OA sabi ni Pres.

Inilagay namin ang aming mga regalo sa mini Christmas Tree. Ilaw na nagmumula sa Christmas lights ang nagbibigay liwanag sa'min. Mayroon pa sila nong device na nagmumukhang may nagbabagsakang snowflakes.

Nagkaroon lang ng maikling program sa gymnasium kanina. May pa-intermission number ang mga Central Student Council at ilang palaro. Nakuha namin ang award sa best in classroom decoration.

"Ang nagsindi nitong ilaw! Walang iba, kun'di ikaw!" pag-kanta ni Denver at naka-mic pa.

"Salamat sa pagkanta mo, hindi magkakakulay ang pasko." sigaw ni Gael.

Nagkaroon ng mga palaro, sa pangunguna ng mga officers. Mabuti na lang at konti ang KJ sa room kaya naging masaya kasi nakiki-cooperate ang marami. Sa ngayon, naglalaro kami ng Pinoy Henyo, kami ni Elliott ang nakasalang at siya ang nanghuhula.

"Anong klaseng tao ba to'? Ang hirap naman hulaan." reklamo niya. Paano ba naman ay writer na si J.K. Rowling, halata na hindi mahilig sa libro ang isang to'.

"Foreigner ba?" tanong niya.

"Oo."

"Times up!" sigaw ni Missy. Inalis ni Elliott ang papel na nasa ulo niya at binasa 'yon.

Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon