Tips #0003♡

33 8 1
                                    

꘎♡━━ CHAPTER 3 ━━♡꘎

"Saan ang punta mo, neng?"

Tumigil sa pagwawalis si Manang Cely nang makita akong paalis. Kauuwi ko lang kasi galing sa misa. Nagpalit muna ako ng damit bago dadaretso kila Corby.

Si Manang Cely ang caretaker ng tinutuluyan kong boarding house. Walking distance lang ang layo nito sa school at sakto lang sa bulsa ang bayad para sa renta.

"Sa bahay po ng kaklase ko. After lunch na po siguro ako makakauwi." paalam ko at lumapit para magmano sa kanya.

"Ingat ka, Gwen." bilin niya. Kumaway ako saka siya tinalikuran.

Payong at shoulder bag lang ang bitbit ko habang naglalakad patungo sa kanto. Doon dumadaan ang mga jeep.

GC (GROUP 4: MIL)

Jescel: Late ako ng konti. May gagawin pa ako sa church.

Gael: Sino ang otw na?

Kevin: Ako at si Luke.

Stacey: Guys, di ako makakapunta. Sumakit ulo ko bigla.

Mikha: Um.. alam po ba ni Corby na pupunta tayo sa kanila? Kanina pa kami nagd-doorbell ni Missy sa labas ng bahay nila e'.

Missy: @Corby Mendel!! Labas d'yan. Ang init dito, aber.

Ini-off ko ang phone ko ng may dumaan na jeep. Sa kabilang subdivision ang bahay nina Corby. Mga fifteen minutes ang biyahe bago makarating doon pero hindi ko inaasahan na ang traffic pala. Mukhang may aksidente na nangyari.

Kanina pa ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa dahil chat sila ng chat sa gc.

"Sa may kanto lang po." sabi ko.

Nagpasalamat ako bago bumaba. Binuklat ko ulit ang gc namin para tingnan ang address na sinent ni Gael at hinanap 'yon. Nag-doorbell ako nang makarating sa tapat ng bahay nina Corby.

"Gwen, kanina ka pa hinihintay nina Jescel." si Luke ang nagbukas ng gate.

"Sorry, na-traffic ako." sabi ko at sinundan siya papuntang living room.

The modern two-story house boasts a striking exterior, with sleek lines, large windows, and a harmonious blend of wood, stone, and glass elements. The clean, contemporary design is both inviting and impressive.

Stepping inside, the living room greets you with an open and airy feel. Expansive windows allow natural light to flood the space, highlighting the minimalist decor and high-end finishes.

Naabutan namin sila na kumakain ng meryenda. Naka-upo ang iba sa couch at meron pang nasa carpet. Kumunot ang aking noo nang mapansin na naka-pajama pa si Corby at mukhang kagigising lang.

"Ano ng napag-usapan?" tanong ko at umupo sa tabi ni Mikha. Nginitian niya ako at ginantihan ko naman ito.

"Pinapag-suggest namin sila ng magiging concept ng film natin. Mas maganda if buong group ang magd-decide." sabi ni Jescel.

"So far, ang naaano pa lang na matino is related 'yong film sa struggle na nararanasan ng mga estudyante. Maganda if makakarelate ang mga audience." dagdag ni Missy.

"Teenage pregnancy, gagawa ng baby sina Luke at Mikha." nakatanggap ng batok si Gael kay Luke dahil sa sinabi niya.

"Wala talagang preno 'yang bibig mo." umiiling na sabi ni Luke.

Tips To Mend Your Attachment Issues (by: Gwen Parker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon