Chapter 15

15 4 2
                                    

Brianna's POV

Uwian na at sumabay sakin si Jace sa pag uwi dahil doon daw sya kakain ng dinner sa bahay. Umoo naman ako sa kanya at sinabing mag drive thru kami sa jollibee dahil ni request yon ni Trixie at para ayun nalang din ang kainin namin, dinamihan nya yung ordee dahil daw hindi ako nakakain kanina.

Pag uwi namin sinalubong agad ako ni Trixie ng yakap kaya niyakap ko sya pabalik, tumikhim naman naman si Jace kaya napalingon ako sa kanya at sobrang talim ng mga mata. Problema neto???

Kumalas naman si Trixie sa pagkakayakap at dumiretso na kaming tatlo sa dining table, nilapag ni Jace yung mga pagkain at tinulungan naman sya ni Trixie sa paghahanda kaya naman umakyat muna ako sa kwarto ko para magbihis, tumingin muna ako sa salamin para mag ayos ng sarili at bumaba na rin dahil kanina pa ako nagugutom.

Pagbaba ko ay dumiretso na ako ng upo, kumain na rin kami. Ramdam ko ang ilang kaya nagsalita ako.
"Trixie, okay lang ba sayong sumama ka sa friday? Company celebration yon na gaganapin sa hotel na pagmamay ari ng mga Nicholas." sabi ko at bumaling ng tingin kay Trixie. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalinlangan kaya naman nagsalita ulit ako "Don't worry kasama mo ko don, kapag hindi mo nagustuhan sabihin mo sakin at uuwi tayo agad. Si Jace nalanh din ang bahala satin" sabi ko sa kanya at ngumiti. Ngumiti naman sya sakin at tumango.

Matapos naming kumain ay nag stay pa ng ilang oras dito si Jace inaantok daw sya kaya naman sabi ko sa kanya don nalang sya matulog sa kwarto dahil dalawang room lang naman ang meron kami, pero syempre don sya matulog sa sahig, pumayag naman sya kaya umakyat na kaming dalawa.

Pagdating namin sa kwarto ko ay pinaupo ko muna sya sa kama. Nagwalis muna ako at nilatag ung plywood sinunod ko namang ilatag ung comforter, nilagyan ko to ng unan at kumot. Kinuha ko rin yung isang electric fan na nakatambak dito sa gilid ng aparador ko at nilagay ko sa paanan nya.

"That's it?" tanong nya kaya tumango ako. Naghubad sya ng sapatos at medyas kaya naman nilagay ko nalang to sa sapatusan, ganun din ang ginawa nya sa sout nyang sleeve at pantalon kaya naka sando nalang at short.  Shit nakita ko ung abs nya HAHAHAHAHAH. Tumayo naman ako saka ko kinuha sa kanya ung sleeve at pantalon na hinubad nya, hinanger ko to at nilagay sa sabitan.

"Mag alas sais palang ng gabi kaya matulog na tayo" sabi ko at humiga na sa kama.
"Ayos ka lang ba jan? Gusto mo dito ka nalang sa kama at ako nalang ang mahihiga jan" tanong ko sa kanya dahil baka nahihirapan syang matulog.

"No, I'm okay with this. Its actually my first time to sleep in other house kaya naninibago pa ako. Matulog ka na jan, gisingin nalang kita kung aalis na ako." sabi nya sakin kaya oo nalang sagot ko at pumikit.

Rohan Jace's POV

Hindi ako makatulog kaya naman sinilip ko sya at napa ngiti ako dahil sa anghel nyang muka.
"Napaka ganda mo talaga" sabi ko at kiniss ang kanyang noo.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako sa sala at medyo nagulat ako dahil andon si Trixie. Hindi ko nalang sya pinansin ang kumuha na lang ng tubig sa ref at uminom.

"Gusto mo ba si Bri?" tanong ni Trixie na nakakunot ang noo kaya tumango ako.
"Bakit?" tanong nya kaya ako naman ang nangunot ang noo.

"Maganda si Yanna at marunong sya umunawa. Matulungin din sya sa kapwa at kahit nagmumura sya okay lang sakin kasi ganun talaga pag mahal mo na." sabi ko at sya naman ang tinanong ko "May gusto ka sa kanya diba?" tanong ko at nagulat sya dahil umangat ang tingin nya sakin.

"Oo pero gusto ka din nya kaya hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko. Unang kita namin sa labas ng resto ay nabighani na ako ng kanyang kagandahan tapos niyaya at pinakain nya pa ako kaya tas inampon nya pa kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya." mahabang pahayag nya habang nakangiti.

"Parehas kayong babae, Trixie. May lalaki ding tatanggapin at mamahalin ka" sabi ko sa kanya at bakas sa boses ko pagiging seryoso.

"Sana nga, sige akyat na ako matutulog na ako eh wag mong gahasain yon ah" sabi nya.
"Nirerespeto ko yon kaya imposible yang sinasabi mo" sabi ko sa kanya at sabay na kaming umakyat. Pagdating ko sa kwarto nya ay napatitig ulit ako sa maganda nyang muka.

Kinuha ko aking cellphone at tiningnan ang oras. Alas otso na pala ng gabi, may missed call din si Mommy kaya tinawagan ko sya.

"What is it, Mom?" sabi ko sa mahinang boses dahil baka magising sya.

"How are you, Rohan? Did you make a move to her?" malumanay na sabi ni Mommy at ung "her" na tinutukoy nya ay walang iba kundi si Brianna. Nakwento ko kasi sa kanila kaya excited nilang makilala si Bri.

"Of course, Mom" sabi ko, at pinatay na ang tawag. Naka receive naman ako ng text galing kay Mommy at nakasulat don ay good job kaya napa ngiti ako.

Pinatay ko na yung cellphone ko kaya humiga na lang ulit ako at natulog na. Bukas nalang ako uuwi.

A/N
-maganda ba guys? kindly, leave a comment or feesbacks because it helps me a lot 🥰
-sorry pala kung maling grammar, kindly correct it. Thank you! 🫶

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now