Chapter 25

9 3 0
                                    

Brianna's POV

Habang naglilibot kami sa loob ng mall ay tulad ni Trixie ay hindi ko mapigilang humanga. Napakaganda at literal na mapapako ang iyong mga paningin sa mga nagagandahang disenyo at masasarap na amoy na mula sa mga restaurants at iba pa. Gaya ng napagkasunduan ay pumunta kami sa bilihan ng mga damit, si Trixie na ang pinamili ko ng damit na gusto nya at ako ay ganun din ang ginawa. Ngunit sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng isang lalaking, panigurado sya ito dahil sa tagal ng aming pagsasama ay kilalang kilala ko sya...........Ryler

Hindi sya siguro napapansin ni Jace dahil busy sya sa pagtitingin ng mga damit. May pumasok ka ideya sa aking utak dahil nakatingin si Ryler sa amin, tumingkayad ako upang mahalikan sa pisngi si Jace bahagya itong nagulat sa aking ginawa ngunit agad ding napangiti. Bahagya kong tiningnan ang reaksyon ni Ryler at hindi ako nagkamali dahil nakita ko sa kanyang mga mata ang labis na pagka inggit at pagseselos. Gaano kasakit, Ryler?

Dalawang oras ang itinagal namin sa shop na yon, nag aalangan pa si Trixie kung kaya ko daw iyon bayaran dahil nasa kinseng damit ang kanyang natipuhan. At dahil naka black card tayo, ngumiti lang sya sakin. Si Jace ang nagbitbit ng mga napamili naming mga damit dahil hindi naman daw yon mabigat. Halos limang oras kami sa loob ng mall, at sa limang oras na iyon ay nakasunod lang si Ryler ako naman ay pinagseselos lang sya. Kumain, nag shopping at nag grocery lang kami ng mga stocks sa pagkain na good for 1 month na. Nang mapagod ay umuwi nalang din kami at si Ryler naman ay kita ko pa rin ang pagsunod hanggang sa aking bahay. Nang makauwi kami ay sumalampak agad kaming tatlo sa couch dahil sobra kaming napagod kakalakad.

Pagtapos ng tatlumpong minuto ay tumayo na rin kami, si Trixie ay pumunta na sa kanyang kwarto upang ayusin ang mga gamit nya. Binilihan ko rin pala sya ng mga needs nya. Si Jace naman ay tinulungan akong mag ayos ng ref para mailagay na ang mga bagong stocks. Tinanong ko sya kung ano ang gusto nyang ulam, sinagot nya ako ng "sinigang na hipon" kaya naman nag simula na akong magluto.
Pasadong ala una na kami natapos at nakakain kaya nakatulog kami ni Jace habang magkayakap.

Nagising ako ng mga alas tres na ng hapon, pagbaba ko ay naabutan kong si Trixie na naglilinis ng bahay. Napangiti naman ako sa kanyang ginagawa. May natira pang pagkain kaya naman kumain ako tinanong ko si Trixie kung kumain na sya, sumagot naman sya aking ng "oo". Pagtapos kong kumain ay nagsaing agad ako dahil baka kumain si Jace paggising, nagluto lang ako ng paborito nyang ulam- ang giniling na may patatas. Pagtapos kong magluto ay umakyat na ako sa kwarto para gisingin si Jace dahil alas kwatro na ng hapon.

"Uuwi ka ba ngayong gabi sa inyo?" turan ko sa kanya. Tumango naman sya bilang sagot, dadating daw kasi sa bahay nila ang kanyang mga pinsan. Gusto nya akong pumunta sa kanila ngunit tumanggi ako.

"Ayoko Jace, alam mo namang hindi ako pala kaibigan saka sa susunod nalang medyo hindi pa kasi ako sanay" sabi ko.
"Okay sige, hindi kita pipilitin pero kung gusto mo silang makilala sabihin mo sakin" sabi nya at tumayo sya agad para maligo.
Paglabas nya ay sinabihan ko syang kumain muna bago umalis.

Habang inaantay ko si Jace sa baba ay tinuruan ko naman si Trixie na magbasa, mabilis lang syanv matuto. Kaya tinanong ko sya kung gusto nyang mag aral ay umilinh ito agad dahil nahihiya pa daw syang makisalamuha.
Nakarinig na ako ng mga yabag galing sa hagdan kaya napalingon ako kay Jace, ang gwapo talaga!
Hindi ko na sya inasikaso dahil kaya naman nya kaya naman tinuruan ko nalang ulit si Trixie.

Nang matapos sya ay nagpaalam na sya sakin at kiniss ako sa noo. Sinauli ko naman sya kanya yunh black card pero ayaw nyang kunin, ung atm ko naman ay sya nalang ang pinatabi ko. Gaya ng dati ay inihatid ko sya sa gate para pagbuksan sya, sinarado ko din agad at pumasok na ako sa bahay.

Nandito ako sa loob ng kwarto at naglinis nalang, ang daming kalat! Halos ito lang ang ginawa ko, nang makaramdam na ako ng pagod ay saka lang ako umupo. Alas sais na pala ng gabi kaya bumaba na ako nakita kong wala don si Trixie kaya naman kumatok ako sa kanyang pintuan. Nagtataka ako kung bakit walang sumasagot, pagpihit ko ng seradura ay hindi ito naka lock kaya pumasok ako. Namangha ako sa linis ng kanyang kwarto at nakita ko syang nakahiga sa kama. Hindi ko muna sya ginising naglibot muna ako, may nakita akong note sa kanyang table at binasa ito.

"If loving you was a sin, then forgive me because I am falling"
A

Hindi ko mapigilang ngumiti sa aking nabasa, nilapitan ko sya at ginising. Sabi ko ay kakain na kaya naman tumayo na sya at ako naman ay lumabas na ng kanyang silid.

*A/N
-hi guys, nagustuhan nyo ba? Sa tingin nyo, sino kaya yung 'A' sa note? 🫶
kindly leave a comment and feedbacks, thank yah!

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now