Chapter 29

9 2 0
                                    

Brianna's POV

Hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya gumati naman ito ng yakap sakin. Miss na miss ko sya sobra. Nang bumitaw na kami sa yakapan ay sabi ko sa kanya don nalang kami sa labas mag usap, umoo naman sya kaya lumabas na kaming dalawa. Walang nagsasalita samin tila ba nagpapakiramdaman kami, ngunit sya ang unang nagsalita.

"How are you?" sabi nya ngunit hindi sya nakatingin sakin
"I'm okay now. I'm healed, i guess?" sabi ko kaya naman humarap sya sakin at pinasadahan ng tingin ang aking katawan saka tiningnan ang aking balat.
"Bakit hindi pa sila magaling?" kunot noo nyang tanong
"Gagaling din yan pero hindi sa ngayon" sabi ko at tumahimik ulit kami. Pero sa pangalawang pagkakataon ako naman ang nagsalita.

"About don sa narinig mong sinabi ko, na ginamit lang kita totoo yon." sabi ko at yumuko naman sya "Pero sinabi ko kay Ryler na boyfriend kita at ikaw ang mahal ko, na ikaw yung lalaking naging rason kung bakit ako sumaya, na ikaw na ung lalaking mahal ko ngayon na sa sobrang mahal ay handa na akong pakasalan ka kahit wala ka pang balak." sabi ko at humarap sa kanya "Jace, sana pinakinggan mo ako, sana hindi ka umalis, alam mo bang nababaliw na ako kakaisip kung bakit wala ka? Wala akong ideya kung nasaan ka eh, you weren't answering my calls and texts. I am so drained to the point na gusto ko ng magpakamatay kung hindi ka pa magpapakita" sabi ko habang umiiyak.

Pinunasan nya ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri.
"Hush now, My Yanna. I'm here and I will never let you go. I'm sorry kung hindi kita pinakinggan, nasaktan lang din kasi ako. But after hearing your words, ako pala ung may mali." sabi nya saka ako niyakap.
"You don't know how crazy inlove with you, My Yanna. The first time I laid my eyes on you, sinasabi ko sa sarili kong mamahalin kita at hindi sasaktan. But fuck me, dahil sinaktan kita. I'm so sorry" sinseridad nyang saad sakin.

"M-may s-asabihin nga pala ako sayo" sabi ko at nakita kong kumunot ang kanyang noo
"P-pano ba? Ahmm, m-mahigit dalawang buwan na kasi akong hindi nagkaroroon, pero pakiramdam ko bunt-" hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil hinalikan nya ako. Ilang minuto lang ang tinagal non ngunit bakas sa kanyang muka ang pagiging masaya.
"Are you for real? Buntis ka?" naka ngiti nyang sabi
"Hindi ko pa sigurado baka ma-" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil kinaladkad nya ako papunta sa kanya nya.
"San tayo pupunta?" kuryosidad kong tanong
"Sa ospital" ikli nyang sagot habang nakangiti.

Hanggang sa marating na namin ang sinasabi nyang hospital panay pa rin ang kanyang pag ngiti. Okay, medyo weird na. Dinala nya ako sa isang room at pinaupo doon.
"Hi Doctora Sanchez" bati ni Jace sa doktora. Matanda na ito ngunit maganda pa rin ang kanyang muka.
"How are you, Rohan? And who is this lady? Is she your fiancé that your talking about?" sabi nung doktora kaya naman tumingin ako kay Jace at kunot noo syang tiningnan.
"Yes, Mrs. Sanchez. This is my fiancé, Brianna Marie Fernandez. And My Yanna, she's my auntie, Doktora Giana Sanchez" pagpapakilala ni Jace kaya naman kinuha nya ang aking at marahan itong hinaplos.
"Auntie, pwede mo ba syang icheck up? I have this feeling na buntis sya" nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya ngunit tumawa lang sya sakin.

Pinahiga ako ng Auntie nya sa bed at humiga ako don, may kinuha syang gamit para pang ultrasound. Nasa tabi ko si Jace at hawak hawak nya ang aking kamay. Ang oa, kala mo manganganak na!!!!
Pinaikot ikot ni Auntie sa tyan ko at tinitingnan tingnan ang nasa screen.
"Here, Jace ang heartbeat nya pakinggan mo muna" nakangiting sabi ni Auntie.
Tuwang tuwa ang muka ni Jace at nang makuntento ay ako naman ang nakinig. Sobrang saya ko habang pinapakinggan ito, tila ba isang himig na napakasarap sa pandinig.
Nagpasalamat kami kay Auntie at nagpaalam nang uuwi.

Ngunit si Jace ay nagsabing sa mall daw kami pumunta at bibili sya ng prutas.
Nang makarating ay halos mapuno ang isang cart na purong prutas lang sabi ko kay Jace ay baka hindi magkasya sa ref kaya bilang mayaman sya, ay bumili sya ng ref na medyo malaki. SANA ALL MAYAMAN!!!
Umuwi din kami agad ni Jace dahil sabi ko sa kanya ay napapagod na ako, kaya pinauna nya na ako sa sasakyan at ipapalagay nya pa daw yung address ko para don ihatid ung ref mamaya.

Habang pauwi ay nakangiti lang si Jace at walang hanggang pasasalamat ang sinasabi nya sakin. Sabi ko pag hindi pa sya tumigil ay sisipain ko na sya palabas. Huminto kami sa fast food chain kasi nagugutom na ako, binilihan ko nalang din si Trixie.
Nakauwi na kami, umupo muna ako couch at sya naman ay naghahanda nililinis nya yung mga prutas. Tumabi naman sakin si Trixie at binigay ko sa kanya yung pagkain nya. Niyaya ko si Jace pero ayaw nya at sa akin nalang daw. Nagtanong sakin si Trixie kung saan kami galing kaya sabi ko ay nagpa check up dahil buntis ako, nakita ko ang kanyang reaksyon at gulat na gulat ito. Pero sumaya din kalaunan at ngumiti nalang ako sa kanya.

Naideliver na rin sa bahay yung bagong ref nagtataka nga si Trixie at tinanong ako kung para saan sabi ko ay para jan sa mga prutas, at ilang stocks ang binili namin ni Jace kanina. Si Jace naman ang nag ayos na neto sa ref, akmang tutulong ako ay sinamaan nya na ako ng tingin at ako naman ay natawa nalang at umalis na don. Umakyat nalang ako sa kwarto dahil gusto ko ng maglinis ng katawan at sobra na akong naglalagkit.

"Loveeeeeee" biglang tawag ni Jace. Tanginang callsign yan! Ang korni talagaaaaaaa
"Bakit? Andito ako sa banyo, naglilinis!" sigaw na sabi ko
"Huwag kang magtagal jan! Bilisan mo!" sigaw din nyang pabalik binilisan ko nalang ang paglilinis.

Nang matapos ay pinasadahan nya ako ng tingin at nagsalita.
"Gusto ka pala makita ni mami at dadi, okay lang ba sayo?" tanong nya sakin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Sige, kelan at anong oras?" sabi ko
"Bukas bale sunduin nalang kita dito nang hapon ah. I also have a surprise for you" sabi nya at kinindatan ako. Okay, medyo kinilig ako don.

*A/N
-one chapter and epilogue na guys, salamat sa pagbabasa!

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now