Chapter 11

16 5 0
                                    

Brianna's POV

Nagising ako dahil may kumakalabit sakin at pagmulat ko ng mata ay nakita kong si Trixie ito. Naka ngiti ito sakin na tila bang gandang ganda sakin.

"Bangon ka na jan, may nag aantay sayo sa baba" sabi ni Trixie pero hindi pa napo proseso ang utak ko sa sinabi nya kaya natulala ako. Naramdaman kong may tumabi sakin pero hindi ko pinansin.

"Do you want me to wipe that dry saliva on your cheeks? sabi ng katabi ko, pero wala akong pake tsaka boses lalaki sya eh wala naman akong kasamang lalaki, babae lang. Kaya binalingan ko ito ng tingin, at dahil wala pa sa katinuan ang isip ko nakikita ko sa kanya si Sir Jace.

"Yanna? Are you alright? Did you hear me?" sabi ni Sir Jace, kunot noo ko lang syang tiningnan pero nakita ko syang kumuha ng wet wipes at dahan dahang pinunas sakin. Bakit pakiramdam ko totoo to?

Nang maramdaman kong tapos na sya ay tinapik nya ang aking pisngi at ganun nalang ang gulat ko ng makita si Sir Jace.

"TANGINAAAAA SIR BAKIT ANDITO KA?????!!" sigaw ko sa kanya at napahagalpak sya ng tawa kaya nagtaka naman ako.

"HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAH your face is priceless" natatawang sabi ni Sir at binalingan nya ulit ako ng tingin "And don't curse, umagang umaga nagmumura ka. Kanina pa kita tinatawag kaso mukang nasa panaginip ka pa kaya pinunasan ko na ung tuyo mong laway" naka ngiting pahayag ni Sir Jace at ano daw? Sya ung nagpunas sakin? THE FUCK!! PANIS NA LAWAY KO SYA UNG NAGPUNAS TANGINAAA NAKAKAHIYAAAAAAAAAAA!!

Napatayo agad ako ng bangon at dumiretso na agad sa banyo para maligo. Nakita ko naman si Sir na umalis na kaya lumabas ulit ako para isara ung lock ng pinto ko at napatingin ako sa orasan at halos sumigaw ako sa gulat na napagtanto kong 30 minutes nalang ang meron ako bago magsimula ang trabaho ko kaya dali dali akong pumasok sa banyo at mabilisang ligo lang ang ginawa ko saka lumabas na ako agad at nagbihis na. Don nalang siguro ako mag aayos sa opisina ko.

Bumaba na ako at nagulat ako na nandito si Jace kumakain sya nung ulam namin kagabi, naupo na ako at nagsandok ng kanin. Sunod sunod na subo ang ginawa ko buti nalang may tubig kaya uminom na ako agad at tapos na. Nakita ko naman si Sir Jace at Trixie na halatang nagulat sa ginagawa ko.

"What?" maang na tanong ko sa kanila.

"Bri, di ka ba na inform kung ano itsura mo ngayon? Sabog na buhok, di maayos na muka at ang bilis mong kumain. Nagmamadali ka ba?" sabi sakin ni Trixie kaya tiningnan ko sya at napag tanto ko na 10 minutes nalang at late na ako sa trabaho. Kaya lumabas na agad ako at may humila sakin, pag tingin ko si Sir Jace

"Wait, sabay na tayong pumasok kaya nga pumunta ako dito para sunduin ka." malumanay na sabi ni Sir pero fuck ung muka ko nakakahiya.

"Ahhh HAHAHAHAH nandito pala si Jace" gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa sinabi ko, nakita kong nagtinginan si Trixie at Jace at ganun nalang ang gulat ko ng binuhat ako ni Jace na parang sako ng bigas. Nagpumiglas ako at bigla nya akong sinakay sa kotse nya.

"Fix yourself, Yanna. Your face is beautiful and cute so don't ruined it. Try to look yourself in the mirror" sabi sakin ni Jace, sya na ang nag seat belt sakin at ako naman ay kinuha ko ang salamin ko at "PUTANGINANG MUKANG TO!" oo napamura ako dahil sa muka ko ngayon. At dahil sa pagmumura ko, napa preno bigla si Sir, hehe nagulat siguro.

"Yanna, for fucking pete's sake! Kababae mong tao grabe ka magmura kaninang umaga imbes na good morning ang sabihin mo mura muna. Ngayon naman mura ulit" inis na sabi ni Jace kaya napatingin ako sa kanya, nag sorry naman ako sa kanya at nag peace sign. Nag drive na lang ulit sya. Inayos ko nalang ulit ang sarili ko dahil sa totoo lang muka akong gago.

"Sir Jace, bakit mo nga pala ako sinundo? Baka pag chismisan tayo ng mga empleyado mo" sabi ko kaya napalingon sya sakin.

"Why? You are my secretary so I have a right na sunduin ka, besides sabi ko naman sayo kagabe na tutulungan kitang mag move on kay Ryler, nililigawan na rin kita at the same time" nahihiyang sabi nya sakin kaya ako naman yumuko para magpigil ng kilig.

"Ah ganun ba Sir, sige lang" sabi ko, tanginang sagot yan "sige lang". Nakita ko naman syang ngumiti kaya lumabas na sya at ganun din ako.

Nauna syang maglakad kaya naman sumunod nalang ako sa kanya, pagtapos kong mag in ay dumiretso na ako sa opisina ko at nagtimpla ng kape. Tumunog naman ang telepono kaya sinagot ko ito. Dalawang telepono ang nandito, isa para sa business, ung isa naman para lang sa kanya. Ang tumunog ay ung para sa kanya lang.

"Yes Sir Jace, how can I help you?" sabi ko sa kanya.
"Yes Ms. Yanna, can you go here now in my office? I just need your suggestion for an upcoming event." sabi ni Sir Jace kaya naman nag thank you na ako at lumapit muna sa kape ko, nilagay ko muna yon sa table ko saka na ako lumabas ng opisina.

A/N
-thanks sa pag read guys, comment kayo for suggestion and feedback. It will help me a lot, salamat 🫶

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now