Epilogue

17 3 1
                                    

Jace's POV

Nandito kaming lahat sa delivery room dahil ngayon ay manganganak na si Bri, shit kinakabahan ako! Bawal kasi akong pumasok don, ewan ko kung bakit naging bawal pero sabi ni Bri ay sa labas nalang ako mag antay.
"Everything will be alright, okay? She's a strong woman, Rohan don't be nervous" alo sakin ni Mommy dahil kanina pa ako hindi mapakali.
Dasal ako ng dasal na sana ay maging successful ang kanyang panganganak.

Lumipas ang isang oras ay lumabas na ang Doctor na nagpa anak kay Bri agad ko naman itong nilapitan.
"Kamusta po ang mag ina ko?" tanong ko don sa doktor.
"She's fine. The baby boy is healthy so no need to worry. Your wife need a rest. After 10 minutes you can see her, the baby need to be cleaned firsr before we gave it to her mother. That's all, thank you" sabi ng doktor habang naka ngiti kaya naman napanatag ang loob naming lahat.

Pagkalipas ng sampung minuto ay binisita agad namin sya, nagdala si Trixie ng pagkain at tubig dahil panigurado ay gutom sya dahil sa panganganak. Yung anak naman namin ay malinis na kaya dinala sya agad kay Bri. Nagpaalam naman na muna sila Mommy dahil sila muna ang pansamantalang mamamahala sa kompanya habang wala ako.

"Are you alright?" marahan kong tanong kay Bri.
"Of course, here Jace. He's our son. His name is Yohan Jade F. Castroverde" nakangiti nyang sabi at dahan dahan ko namang kinarga ang aming anak. Napakasarap sa pakiramdam.
Habang karga ko si Yohan ay inalalayan naman ni Trixie si Bri na umupo para makakain na at makapag pahinga.

Ilang araw din ang lumipas ay okay na si Bri, naunang lumabas si Yohan dahil kailangan nyang maarawan sila Mommy naman ang nag aalaga sa kanya. Si Bri ay ngayon palang makakalabas dahil kailangan munang gumaling at magpalakas.
Hindi na makapag antay si Bri na makitang muli si Yohan, bale yung nagiging gatas ni Yohan at gatas ni Bri nagpapa pump lang sya para mapadede kay Yohan.
Pagkauwi namin ay niyakap muna ni Mommy si Bri, nag alcohol muna si Bri dahil galing ito sa ospital at labas bago nya kinuha si Yohan kay Daddy.

One year later.....

Brianna's POV

Napakaraming nangyari pero eto kami ni Jace, masaya. Malaki na si Yohan kaka isang taon nya palang nung mga nakaraang araw ngunit napakalawak na ng kanyang utak at imahinasyon.
Nandito kami ni Jace at Yohan sa mall kasama namin si Trixie. Si Trixie ay nakakapag aral na ulit, masaya ako para sa kanya.

Hindi naman nagbago si Jace, ganun pa din sya. Napaka maalaga nya pagdating kay Yohan, hindi kami kumuha ng yaya para sa kanya dahil gusto naming pareho ni Jace ay kami ang magpalaki sa kanya.
"Kelan ka pala babalik sa kompanya?" tanong ko dahil sa loob ng isang taon ay hindi ito pumasok at tinutukan lang kami sabi ko ay bumalik na sya sa kompanya dahil si Daddy John ang namamahala dito at matanda na yon.
"Bukas na kaya susulitin ko tong araw na to." sabi naman ni Jace.
"Maka sulit ka naman eh araw araw ka namang uuwi ah, bakit hindi ka ba uuwi?" sabi ko at tinaasan sya ng kilay.
"So silly my wife, of course uuwian kita. Ikaw lang uuwian ko, kayong dalawa ni Yohan." sabi nya at hinalikan ako sa noo
"Who will be your secretary now?" tanong ko at napatingin sya sakin
"Si Lindsey, sya lang naman yung babaeng alam kong hindi ako lalandiin" sabi nya at sumang ayon ako.

Nag shopping lang kami saglit at umuwi na ng bahay dahil maaga pang papasok si Trixie at Jace.
Nang makauwi ay si Trixie na ang nagluto, oo marunong na sya dahil iyon ang kinuha nyang kurso. Ilang minuto lang din ay tapos na sya kaya naman tinawag nya na kame.

"Tita Trixie ikaw magsubo sakin" bibong sabi ni Yohan, oo nga pala, Tita ang tawag nya kay Trixie. Sya ang madalas mag alaga kay Yohan kapag may ginagawa ako. Dalawang katulong nalang kasi ang kinuha namin dahil sabi ko kay Jace.
"Sure baby boy, come here." sabi ni Trixie.

Masaya kaming dalawa ni Jace, walang nagbago. Sinubok man kami ng maraming hamon ngunit heto kaming dalawa at matatag.

Thank you guys for reading my story. I guess this is the end now.
Always remember that when you loved someone, make her/him happy. No rules and be contented. That's all and goodbyeeeeee.

*A/N
-and this is the end. Thank you guys for reading. I hope you all enjoy it. Ingat kayo. BABYEEEEEE

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now