Chapter 9

15 4 0
                                    

Brianna's POV

Umakyat kami ni Trixie sa magiging kwarto nya at dinalhan ko sya ng ilang damit, sabi ko sa kanya ay maligo na sya at magpahinga, masaya naman syang tumango sakin kaya napa ngiti na lang ako. Ganto ba kasarap sa feeling ang may kapatid?

Bumaba nalang ako para tingnan kung nasa baba pa ba si Sir, baka kasi mainip yon eh. Pagka baba ko nakita ko si Sir na tinitingnan ang family picture namin, at nang dumako ang paningin niya sa solo picture ko ay parang gusto na netong iuwi ang picture na yon.

"Gusto mo bang sayo na lang yan Sir Jace, gandang ganda ka sakin eh" nakangiting sabi ko kaya bahagya syang nagulat at nilingon ako.

"Pwede ba Ms. Yanna?" sabi nya kaya naman umoo nalang ako bilang tugon. Nakita ko naman na hinawakan nya ang picture frame ko kaya napangiti ako.

"Sir may sasabihin sana ako" sabi ko kay Sir at nakita ko na natigilan sya at parang kinabahan?
Eh sasabihin ko lang naman kung pwedeng Jace at Yanna nalang ang tawagan namin pag kaming dalawa lang. Medyo naiilang kasi ako para kasing napaka professinal.

"What is it Ms. Yanna?" sabi nito sakin kaya nailang na naman ako sa Ms. Yanna nya.

"Ah...eh kasi Sir naisip ko lang kung pwedeng Jace at Yanna nalang ung tawagan natin, pag tayong dalawa lang masyado kasing professional" kamot batok kong sabi sa kanya tangina nakakahiya amp. Nakita ko ang pagtaas nya ng kilay kaya sigurado akong hindi to papayag.

"Sure Yanna. I'd prefer that" nakangiting sabi ni Sir, ay hala pumayag sya???? Owemji nainlab lalo ako nung nawala ung Ms. HAHAHAHHHAHAHAHA

"Salamat Ja-Jace hehe sorry di kasi ako sanay" nahihiyang sabi ko. Umalis nalang muna ako at nagtungo sa kusina kasi magaalas kwatro na ng hapon kaya tinanong ko si Jace kung dito sya maghahapunan, umoo naman sya kaya nagsaing ako ng tatlong gatang.

Bumaba na rin si Trixie na bagong paligo at naka ngiti itong lumapit sakin.
"Ano pala pwedeng itawag ko sayo?" sabi bigla ni Trixie kaya napalingon ako sa kanya, 20 years old na sya ako naman 24 hmm, nakaka ilang kung tatawagin nya akong ate kaya siguro Bri nlang, tama Bri nalang.

"Hmm, Bri nalang itawag mo sakin 4 years lang naman agwat natin at hindi ako sanay na may tumatawag saking ate" naka ngiting sabi ko sa kanya, tumango nalang din sya sakin bilang sagot. Binalingan ko naman ng tingin si Jace at nakatitig ito sakin na animo'y pinagmamasdan ako, nakaka ilang!

"Jace, ano gusto mong ulam? Wala kasi akong maisip at bisita kita dito kaya ikaw ang tatanungin ko" sabi ko at nag iwas nalang ng tingin dahil nalulunod na ako masyado sa paraan ng pagtingin nya.

"You know how to cook?" tango ko sa kanya. "Anything?" muli akong tumango bilang sagot. "Then, I want ground pork with potatoes. That's my favorite" napangiti ako sa sagot nya dahil meron ako ng gusto nyang pagkain.

Kaya naman sinimulan ko ng hiwain ang patatas at naghanda na rin ako ng ibang sangkap, pagtapos hiwain ay pinrito ko muna ang mga nahiwa kong patatas para hindi mapanis agad. Nang ma prito ay kinuha ko na sa ref yung giniling at nag gisa na ng bawang at sibuyas, nang lumabas na ang aroma ay sinunod ko ng igisa ang giniling at pina brown lang ito, hinanaan ko naman ang apoy at nilagyan na ito ng mga pampalasa. Kumuha ako ng atsuwete seeds para ito ang magsilbing pang kulay. Nang malapit ng maluto ang giniling ay nilagay ko na rin ang pinritong patatas kanina, hinalo ko lang at pinatay ang apoy.

Sakto namang natapos na rin sinaing kaya binunot ko na ito at nagligpit ng ibang kalat sa counter. Lumapit naman si Trixie at sinabi ko sa kanyang kakain na kaya naman tinulungan nya akong maghain, habang naghahanda sya ako naman ay naghugas ng kamay at tinawag na si Jace.

Lumapit sa lamesa si Jace at inamoy ang niluto ko nakita kong ngumiti sya kaya siguro nagustuhan nya ang amoy. Enebe si Sir naman masyado akong pinapakilig!!!!

Naglagay na kami ng aming mga pagkain at sinimulan na naming kumain. Medyo naninibago lang ako dahil may mga kasama ako sa bahay lalo na kay Trixie, may pakiramdam kasi akong tama lang na pinatira ko sya, kaya sana naman tama talaga.

"Masarap kang magluto, Yanna pwede ka ng magkarinderya" biglang sabi ni Jace kaya nagulat akong lumingon dito at nginitian ko lang sya.

"Pwede mo ba akong turuan magluto, Bri? Gusto ko kasi tulungan ka para pag uuwi ka galing trabaho nakaluto na ako para kakain ka nalang" nakangiting sabi ni Trixie kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti din ako sa kanya bilang tugon.

Ganto pala ang pakiramdam ng may kasama sa bahay, napakasarap sa pakiramdam.

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now