Chapter 27

10 2 0
                                    

Brianna's POV

Lumabas ako ng office namin ni Jace dahil inutusan nya akong dalhin ang mga papeles na ito kay Mr. Choy, isa syang Chinese employee dito pero maganda ang kanyang kalooban sya ang taga pirma ng ibang papeles na hindi inaapprove ni Jace at ipapadala ito sa kompanya na kung saan ito nanggaling.

Nang madala ko na ang mga papeles ay lumabas na ulit ako pero hindi pa ako nakakarating sa office ni Jace ay may humila na  naman sakin. Tangina kelan ba matatapos ang hilahan nato?
Dinala nya ako dito sa rooftop, ang humila pala sakin ay si Ryler.

"Is this your revenge, Marie? Kasi kung oo, nagtagumpay ka. Look at me, I am fucking not good because of you!!! You! Why are you like this, ha? Sabihin mo sakin, Marie sabihin mo saking hindi mo mahal si Rohan at ginagamit mo lang sya para pagselosin ako!!!! Fucking tell me! sabi ni Ryler at niyugyog ako ngunit agad nya din akong niyakap.
Tinulak ko sya ng buong lakas, napabitaw naman sya sakin at tinitigan ko ang kanyang muka, halatang wala itong tulog dahil sa laki ng kanyang eyebags pero wala akong pake.

"You are the reason, why are you like that. At si Jace? Sya yung tumulong sakin, yeah, ginagamit ko sya para makapag higanti sayo. Para maramdaman mo kung ano ang naramdaman ko noong niloko mo ko!" sigaw ko sa kanya habang naluluha.

Third person POV

Habang patuloy ang pag iyak ni Brianna ay hindi lingid sa kanyang kaalaman na nasa gilid lang si Rohan at nakikinig. Nalaman nyang nandito si Brianna dahil sa bracelet na kanyang binigay, ngunit hindi alam ni Brianna na isa itong track device.
Naluluhang umalis doon si Rohan dahil sa kanyang narinig mula kay Brianna, tama sya na kahit anong gawin nya ay hindi basta bastang makakamove on ang babae lalo pa't ito ang kanyang first love. Hindi na sya nakapag paalam kay Brianna at patuloy lang sa pagda drive hanggang sa huminto ito sa bar na pagmamay ari ng kanyang kaibigan. Mabilis itong pumunta sa VIP room at hindi nagpapasok ng kung sino sino, kahit isang babae ay hindi nya pinapasok dahil masyado nyang mahal na mahal si Brianna. Nilagok nya ng nilagok ang alak na nasa kanyang harapan habang umiiyak.

"This feeling is a shit" sabi nya at uminom muli ng alak.
"Mahal na mahal kita pero bakit hindi mo ko minahal gagawin ko naman lahat eh tangina gusto mo bigay ko pa sayo ung kompanya ko!" sabi nya ulit, bakas sa kanyang boses ang pagka lasing.

Brianna's POV

"Pero mahal mo pa naman ako diba? Hindi ka pa naman nakaka move on sakin. Let's start again, Marie please. I need you, iwanan mo na si Rohan" sabi nya at nilapitan ako. Ngunit nagpantig ang aking tenga sa kanyang huling sinabi.

Sinampal ko sya ng pagkalakas lakas na kahit ako ay nasaktan ngunit hindi ko yon ininda, tumitig lang ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

"Iiwan? Iiwan ko yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin ako, para lang sa katulad mo? Did you really think na magpapauto ulit ako sayo? No. Jace is my boyfriend now. I might be using him for my revenge but I loved him, I loved him to the point na gusto ko ng magpakasal sa kanya! He was the reason why I am fucking happy right now! Kung sana pinahalagahan mo ko noon, eh di sana ikaw yung nasa posisyon nya!!!! But you choose to make me cry, you choose to hurt me, you choose to cheat on me while we are still together!!!!" sigaw ko sa kanya at halos mawalan na ako ng boses dahil kakasigaw ko.

"Pls, Marie. Give me another chance to prove myself again. Please, I'm begging you" sabi nya at lumuhod sakin.
"Stand up, Ryler. Dahil kahit anong gawin mo hinding hindi ko iiwan si Jace, no more chances to you, Ryler. So, stop now." sabi ko at tumalikod ngunit muli ko syang hinarap " And please, don't show up yoursf again" sabi ko at tuluyan ko na syang iniwan don.

Pinahid ko muna ang mga luha ko at nag ayos saka ako pumunta ng office. Pero pagpasok ko ay wala sya don, kinuha ko lang ang wallet at cp ko at tinawagan sya. Tinanong ko naman ang mga empleyado kung saan pumunta si Jace pero ni isa sa kanila ay hindi alam kung saan sya nagpunta.
Lumabas ako at pumunta ng parking lot pero wala don yung kotse nya, nagsisimula na akong kabahan. Patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanya ngunit ring lang ito ng ring at hindi nya sinasagot.

Sumakay sya ng taxi at pumunta sa bahay ni Jace pero kahit ang mga katulong doon ay sinabing wala don si Jace. Nasaan ka Jace? Narinig mo ba ang usapan namin Ryler? Pero bakit wala ka? Nasaan ka naba? Tanong nya sa kanyang isipan at nagsimula na syang umiyak habang naglalakad sa kung saan.
Hanggang sa nakarating na ito sa kanyang bahay ngunit walang Jace ang sumalubong sa kanya. Nagsisimula na naman syang umiyak habang patuloy sa pa rin sa pag contact kay Jace.

Hanggang nakatulog na lamang sya dahil sa iyak na kanyang nararamdaman.

*A/N
- hi guys, malapit ng matapos ang story nato 😊 thank you po sa mga nagbabasa. Love you all!!

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now