Chapter 18

12 3 0
                                    

Brianna's POV

Kanina pa nya ako sinusuyo pero nagagalit pa rin talaga ako! Kundi pa siguro ako dumating, baka naglalaplapan na silang dalawa. Pero wait, bakit nga ba ako nagagalit eh wala naman akonh karapatan? Pero nagseselos ako, at bilang nililigawan nya ako may karapatan akong mag selos! Pero andito na pala kame sa kotse nya papunta na kami don sa sinasabi nyang botique.

"Sorry na kasi My Yanna, hindi ko naman yon hahalikan eh ikaw nga lang hinalikan ko sa labi. Pag sila, sila ung humahalik sakin" sabi nya. Lumingon naman ako sa kanya at nag taas ng kilay.

"Oh so, kasalanan ko pang hinalikan mo ko sa labi? Siguro kung hindi pa ako dumating nagpa halik ka na sa kanya!" sabi ko at tinarayan sya. Tinabi naman nya yung kotse, humarap sya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry na oh, wag ka ng magalit. Ikaw lang talaga, sasabihin ko pa nga sa kanya na baka dumating ka at nakita mong ganun ung pwesto namin paniguradong magagalit ka eh. Sensitive ako pagdating sayo, gusto ko akin ka lang kaya may karapatan kang maging sensitive sakin kung gugustuhin mo. Hindi nga kita pinigilan na sampalin sya eh" sabi nya sakin at wait??? UMIIYAK SYA!!!!
Hinarap ko naman sya at totoong umiiyak nga. HAHAHAHHA so cute!

"Bakit ka umiiyak? Daig mo pa ako eh!" sabi ko at pinipigilang wag tumawa.
"Hindi mo pa ako napapatawad kaya halika dito yayakapin kita!" sabi nya kaya naman pinunasan ko yung luha nya.

"Jace naman kasi umiyak! Ako tuloy nagpupunas ng luha mo, pero wag ka ng umiyak bati na tayo." sabi ko saka ngumiti sa kanya, ngumiti din sya sakin at hinalikan ang noo ko. Maiinggit kayo pls!

Nag drive nalang ulit sya at paglipas ng sampung minuto ay narating na namin ang botique na sinasabi nya, pumasok naman kami sa loob at sya na ung nakipag usap sa saleslady. Ako naman ay umupo nalang at hinintay sya. Nakita ko naman na grabe maka ngiti si ate kay Jace pero sya ay walang reaksyon. Psh, subukan nyang ngumiti, tamo huling ngiti na yan!

Hanggang sa dumating si Jace at may kasamang babae na hindi naman ganon katanda, siguro ito ung may ari base sa kanyang pananamit at postura.

"Is she?" naka ngiting sabi nung babae kaya naman nagtaka ako. Anong is she???

"Yes Mam Lazaro, she's my date. Her name is Brianna Marie Fernandez. And Yanna, she is the owner of this botique, her name is Maricel Lazaro" pagpapakilalang sabi ni Jace kaya naman nakipag kamay kami sa isa't isa.

Binuksan naman ni Mam Lazaro yung box na naglalaman ng dress na susuotin namin ni Trixie. At nalula ako sa ganda, pinasukat naman sakin ni Mam Lazaro yung dress kaya marahan akong tumango. Tinuro naman ng saleslady ang fitting room at sinimulan ko ng magbihis. Paglabas ko ay nakita kong nakatulala si Jace nang makita nya akong lumabas. Gandang ganda na naman sakin tong kupal na to!

"That dress is really suits you, Ms. Fernandez. You look gorgeous on that dress" sabi ni Mam Lazaro kaya napa tango nalang ako. Aba minsan lang ako makatanggap ng compliment kaya sinulit ko na.
Hinubad ko din agad ung dress at nilagay ulit sa box, si Jace naman ang nagbitbit palabas at sinakay nya ito sa likuran.

"5:30 palang ng hapon, gusto mo bang bumili muna ng make up, accessories or what ever?" seryosong sabi ni Jace kaya naman umiling ako this dress is too much.

"No need, may mga ganun pa naman ako sa bahay tapos dito palang sa dress dito na ako lugi. Ikaw naman masyado mo kong iniispoil!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Are you sure?" paninigurado nya kaya tumango ako. "My Yanna, I want to spoil you a lot pero ayaw mo naman" sabi nya sakin kaya napalingon ako sa kanya.

"I'm not that materialistic, Jace. Lumaki akong kung ano ang meron yun lang. I know you want me to spoil pero kasi hindi ako sanay" nahihiya kong sabi kaya hinawakan nya yung kamay ko nakita ko syang nakatitig sakin.

"That's why I love you so much, Yanna. I'll do everything para makalimutan mo si Ryler, handa akong magpagamit sayo para lang makalimutan sya." sinseridad nyang sabi sakin at hinalikan nya ako sa noo.

Nakarating na kami sa bahay at natagpuan ko si Trixie na nagtutupi ng mga nalabhang damit. Nasabi ko pala sa kanya na ako ang magluluto, kaya nagpaalam muna ako kay Jace na magpapalit ng damit. Nang makapag palit na ay bumaba rin ako agad.

"Trixie, tingnan mo yung dress na binili ni Jace para sayo magugustuhan mo yon." nakangiting wika ko kay Trixie kaya naman agad nyang binuksan ang box na inabot sa kanya ni Jace.

"Susuotin ko to?" sabi nya tumango ako bilang sagot. "Bri naman, ginagawa mo kong babae eh hindi naman ako nagsusuot ng ganto" nagtatampo nyang sabi kaya natawa ako.

"Ano ka ba, Trixie try mo lang" sabi ko at tumango nalang sya, actually maganda si Trixie pag naayusan na. She have long hair and its kinda curl, morena ang kanyang kulay, medyo singkit na mga mata at hindi katangusang ilong pero bagay naman sa kanya. Payat din si Trixie pero may hulma ang katawan nya kaya naninigurado akong bagay yong dress sa kanya.

"Halika Trixie tuturuan kitang magluto" sabi ko s kanya kaya napa ngiti sya at tumango. Hinanda ko muna ang mga kailangan saka nya yon pinicturan, nagtanong ako bat nya yon ginawa sabi nya ay para alam nya daw ung mga sangkap, napa ngiti ako sa kanya.

"Ginataang manok ang lulutuin natin pero dahil wala tayong pinya ay mushroom nalang ung gagamitin natin" sabi ko at tumango sya si Jace naman ay pinapanood lang kami.

*A/N
-yow guys, nagustuhan nyo ba ung flow ng story?? enjoy reading, thank yah!

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now