Chapter 10

15 5 1
                                    

Brianna's POV

Pagtapos naming kumain ay nagligpit na si Trixie ng pinagkainan namin, hinugasan nya na rin. Si Sir Jace naman ay nagpaalam na nauuwi na sya, nagpasalamat din sya samin dahil sa dinner na hinanda ko kaya napangiti ako don dahil naparami daw ang kain nya.

Hinatid ko lang sya sa may gate at akmang pupunta na sya sa may kotse nang lumingon sya sakin at nagsalita.
"Yanna, diba sabi mo na ex mo si Ryler? Are you already move on?" tanong nya sakin kaya nag angat ako ng tingin at tinitigan ko sya mababakas sa kanyang mata at pagiging seryoso.

"Actually, hindi pa, I badly want to move on but its too hard. The pain is still here" sabi ko sa kanya at tinuro ang puso ko, totoong hindi pa ako nakamove on siguro ganun talaga pag first love.

"Maybe I can help you with that. I am willing to give you everything para maka move on sa kanya, if you allowing me." seryoso na sabi ni Jace sakin pero nagtataka ako dahil sa pagiging determinado nya na maka move on ako kay Ryler, nabasa nya siguro ang laman ng isip ko kaya nagsalita ulit sya. "Yanna, tatapatin na kita. May gusto kasi ako sayo gusto kitang ipagdamot kaso ayokong mangyari yon and besides hindi ka pa nakaka move on kay Ryler, nakakatuwang isipin na nainlove ako sayo pero totoo yon" sabi ni Jace sakin, mababakas sa kanya ang sinseridad sa kanyang boses.
And WHAT??? May gusto sya sakin? Shit.

"Hehe biglaan ka naman Jace, nakaka ilang" totoong naiilang ako dahil Boss ko sya tapos may gusto sya sakin. Napatingin sya sakin kaya ganun din ang ginawa ko pero men, napaka gwapo nya, shocks malalaglag ata panty ko!!

"Its okay alam ko yang nasa isip mo. Boss mo ko at sekretarya kita, bakit bawal ba yon? Hindi naman ah, tsaka hindi naman kita pipilitin na gustuhin mo din ako pero gusto kitang tulungan na mag move on" seryoso pero malumanay na sabi nya sakin kaya napatango nalang ako.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Uwi ka na baka lalo kang gabihin, bukas na lang ulit tayo mag usap. Ingat ka" naka ngiti kong sabi sa kanya kaya napa ngiti sya sakin. Nakita ko naman syang sumakay na sa kanya kotse at pinaandar na ito palayo. Akmang isasara ko na ang gate nang biglang may humarang kaya napa angat ako ng tingin at nagulat ako na nandito si Ryler at lasing sya.

Hinatak nya ako palapit sa kanya at dahil sa gulat ay hindi ko ito natulak agad ngunit nang simulan nyang halikan ang aking leeg ay doon ako nagbalik sa katinuan at buong lakas na tinulak sya dahilan upang matumba sya sa damo.

Tiningnan nya ako saglit at tumayo, nakita ko ang pag ngisi sa kanyang labi kaya naman alam kong may binabalak sya. Ngunit di ako nagpatinag at sinamaan sya ng tingin.

"Aalis ka o kailangan ko pang tumawag ng mga pulis para makasuhan ka sa ginawa mo? Ano ka ba naman Ryler! Pumunta ka dito para lang halikan mo ko at lasing ka pa! Are you out of your fucking mind!!!" sigaw ko sa kanya ngunit tumawa lang sya na parang baliw. Aba gago to ah.

"Tangina naman Marie oh, bumalik ako dito o sayo para ipakita ko sayo na mahal kita! Na ngayon ko lang na realize na mahalaga ka pala sakin, come back to me, Marie please. I am begging you, I will do anything just to prove my love for you." sabi ni Ryler at natawa naman ako ng pagak.

"Are you kidding me, Ryler? Two years?? FUCKING TWO YEARS, TAPOS NGAYON MO LANG NARAMDAMAN NA MAHAL MO KO?! And what, you gonna do anything just to prove yourself to me again?!! HAHAHA why Ryler? Where is girl toy, pinagsawaan mo na ba? Is she can't satisfy you enough para balikan mo ko at magpakita sakin na para bang wala kang ginawa. But no, Ryler. Give up because you don't deserve my love at all." sabi ko sa kanya at tumitig ng mariin, hindi ako nagpakita ng emosyon sa kanya.

"Give up? Why, Marie. Ung Boss mo na ba ung gusto mo? I am your first love here, Marie alam kong hindi mo pa ako nakakalimutan." sabi nya sakin at tumalikod na pero bago sya sumakay sa kanyang sasakyan ay may sinabi ako sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagtigil sa paglalakad.

"Oo, gusto ko si Jace. And yeah, you're right hindi pa ako nakaka move on sayo pero hindi yon magiging dahilan para magpa uto sayo because for me, you are nothing but a fucker!" sabi ko sa kanya sabay talikod at nilock ko na ang gate.

Nang makapasok sa loob ay dumiretso na ako sa aking kwarto, natulog nalang ako dahil sa sobrang pagod.

A/N
-Sorry guys kung hindi masyadong maganda baguhin lang ako sa pagsusulat 😌
-Enjoy reading po 🥰

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now