Chapter 21

10 3 0
                                    

Jace's POV

Nagising ako pasadong alas syete ng umaga tiningnan ko muna ang girlfriend ko. Yes dude, GIRLFRIEND ko kaya may karapatan na akong ipagdamot sya. Kiniss ko muna ang kanyang noo, at pumunta ng banyo para mag ayos ng sarili. Bumaba naman ako para tingnan kung ano ang pwedeng kainin.

Naubos kasi namin yung pagkain kagabi kaya walang natira, naghalungkat naman ako ng pwedeng lutuin. Marunong akong magluto, ano kala nyo sakin puro papogi lang alam? Jan kayo nagkakamali.

Meron syang pang spaghetti kaya ayun nalang ang lulutuin ko, nilabas ko nalang ung mga kakailangan at sinimulan ko munang magpakulo ng tubig at nilagyan to konting asin at mantika habang inaantay kumulo ay naghiwa muna ako sibuyas at nagkadkad ng isang blokeng keso. Nang kumulo na yung tubig ay nilagay ko na yung pasta at hinalo halo ko ito para di ma overcook.

Sauce naman ang sinunod kong lutuin, ground beef ang available kaya ito nalang ung niluto ko inantay ko lang mag golden brown at nilagay ko ung hotdog, hinalo ko lang saglit tas nilagyan ko na ng mga pampalasa tas halo lang ulit. Nilagay ko yung sauce at hinanaan saglit ung apoy kasi luto na yung pasta, dinrain ko lang yung tubig at  nilagyan ko ng mantika para di sila magdikit dikit. Binalikan ko naman ung sauce at medyo nilakasan ko ung apoy, bago ko ilagay ung pasta ay tinikman ko muna ung sauce at nang okay na ay saka ko nilagay ung pasta. Hinalo ko lang para magsama sama silanh lahat. Nung nahalo ko na tinakpan ko muna at yung cheese na kinadkad ko ay nilagay ko saglit sa ref.

Umakyat muna ako sa kwarto ni Brianna para gisingin sya.
"Hey My Yanna, wake up" mahinang sabi ko at nagmulat sya ng tingin.
"Anong oras na? Hindi ka talaga pumasok?" sabi nya at umupo, niyakap ko sya kaya napa sandal sya sa aking dibdib.

"Its okay, busy rin siguro sila para sa celebration mamaya. Kain na tayo, nagluto ako spaghetti" kita ko ang gulat sa mga mata nya kaya sabi ko ay marunong naman akong magluto.
Habang nasa banyo sya ay inayos ko muna ang kanyang kama. Sakto naman na tapos na syang maghilamos at mag toothbrush, tumapat naman sya sa kanyang salamin at naupo don kinuha ko yung suklay at ako na ang nagsuklay ng kanyang buhok.

"Gising na ba si Trixie?" tanong nya at umiling lang ako.
Bumaba nalang kami ng tuluyan at kumain ng almusal. Natatawa pa ako sa kanya kasi panay syang puri na masarap daw akong magluto pero naiinis din kasi di daw ako nagluluto.

Pagtapos naming kumain ay naghugas naman sya ng plato ako naman ang naglinis ng lamesa.
"Di ako makapaniwalang sa yaman mo, marunong kang magluto at maglinis" naiiling nyang sabi.

Maaga pa naman kaya lumabas kami at nagdilig sya ng mga halaman.
"Bukas pala isasama ko si Trixie sa mall para makagala at makabili kami ng mga damit nya, she also request me na turuan ko syang magbasa at magsulat kaya pupunta kami ng national bookstore. You want to come?" sabi nya sakin ngunit ang kanyang atensyon ay nasa halaman. Wala naman akong gagawin bukas kaya siguro sasama nalang ako.
"Of course, anong oras ba kayo aalis?" tanong ko.
"Hmm, siguro mga 9 nlang ng umaga" sabi nya at tumango nalang ako.

"Hindi dapat malaman ni Ryler na tayo na, gusto ko muna syang paasahin sa wala. Gusto kong maramdaman nya mismo kung ano ang naramdaman ko dati" biglang sabi ni Brianna kaya napatingin ako sa kanya.
"Of course, tandaan mong nandito lang ako kung sakalinh saktan ka nya" hinapit ko naman ang kanyang baywang at kiniss ang kanyang noo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nag desisyon muna akong umuwi para makapag handa mamaya. Sya naman ay matutulog muna kaya hinayaan ko nalang din, nag ayos lang ako at nagbihis pero bago umalis ay kiniss ko muna sya. Hinatid naman nya ako sa gate at nang makasakay ay umalis na ako palayo, may natanggap akong mensahe galing kay Brianna at kinilig naman ako, nag text lang naman sya ng "Iloveyou, ingat ka" oh diba ang sweet nya, pinarada ko saglit yung kotse ko para replayan sya.

Aandar na ulit sana ako kaso nakita ko si Ryler na nakaharang kaya nilabas ko ito.
"What the hell is your problema, Azusena?" malamig na sabi ko sa kanya.
"Of course its about her. Layuan mo sya, Castroverde" sabi nya ngunit nanatili lamang walang emosyon akong nakatitig sa kanya.

"And why I am do that? Dapat nga ikaw nalang ung lumayo eh, ayaw na sayo pinagpipilitan mo pa" bahagya akong ngumisi at nakita ko ang pag apoy ng galit sa kanyang mga mata. Akmang susuntukin nya ako ngunit mabilis ko yung iniwasan at sinuntok sya sa sikmura.
"Make a move bro, or else get wasted" sabi ko at tuluyan ko na syang iniwan.

*A/N
-hi guys sorry pala sa mga typo paki intindi nalang, thanks yah!

The Innocent Girl's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now