“Mantikang Mang Inasal, Pre!”
"Tol, libre mo naman ako sa Mang Inasal total kaka released mo lang sa sahod mo kahapon. Patikim naman kami diyan ng jackpot mo, tropa naman tayo hehe." Sabi sa'kin ni Joey, kababata ko.
Ewan ko ba, sa lahat ng tao siya talaga yung laging gutom. Eh akala mo naman hindi nakakain sa loob ng anim na buwan. Hindi naman ibig sabihin na ako lang yung may sahod sa aming dalawa, eh uubusin ko na lahat ng libre ko sa kanya. May pamilya ako, pero sige once in a lifetime lang din naman 'to.
I'm proud to be construction worker, and yes I graduated in high school lang kaya nakakapag English din ako minsan haha, pake mo ba?! Since nasa loob pa kase kami ng tiyan ng mga Mama namin eh tropa na talaga kami netong si Joey. Para ko na nga siyang utol kase only child lang ako. Yes. You're right, walang Tita at Tito mga anak ko side sa'kin. Mas mabuti ja rin 'yon para wala akong kaagaw sa kayamanan ng parents ko sa states. Joke.
Ang lolo ng mga anak ko, si Papa ay fisherman tas ang lola nila na nanay ko naman is laundry woman lang. Eh ano masama dun?! They're both didn't finished their studies but atleast they raised me naman na mabait at matulungin na anak. Responsible enough and hindi ako umasa sa kanila kase nagsumikap at nagkayod din ako sa sarili kong mga paa para may maipakain ako sa pamilya ko.
Don't underestimate the job of the construction workers kase kung wala kami, wala sana kayong bahay na inaapakan ngayon. Be thankful na nga lang. Btw, back to the topic..
"Sige, 'tol maligo ka na at pupunta tayo sa Mang Inasal, hindi ko na muna sasabihin ito kay Misis, sigurado akong hindi siya papayag na mabawasan yung sahod ko, alam mo na 'yon, kontrolado lahat tsaka hindi ako makakaayaw kung ibabangko ko man sa kaniya ang perang naipon ko hehe." Saad ko kaya napatawa na lang kami bigla. Doon na ako naligo sa bahay nila Joey kase kung uuwi pa ako sa pamilya ko, sigurado akong hindi ako makakagala na may dalang pera para ilibre si Joey.
Mukhang excited talaga 'to haha. Patay gutom nga naman. Nag text na rin ako sa Misis ko na mamayang hapon pa ako makakauwi, maiintindihan niya rin naman 'yon. Hindi ako mangngaliwa, kung may kabit man ako si Joey na 'yon 'di joke lang. Minsan lang naman kase kami magsama at mag bonding neto. Mabuti naman ang buhay ko kahit papaano kaysa sa kanya kase tambay lang siya. College graduate siya ng electronics pero hindi niya ginamit yung skills and pinag-aralan niya kase takot daw siyang ma kuryente. Hala. May electronics ba ang kinuhang course kung duwag din naman pala mahawakan ng kuryente? Jusko!
"Paano bro, tara na?! Ingay na kase netong tiyan ko eh hehehe. Sigurado akong mabubusog ako, tayo mamaya." May ngiting pangit na anghel na sabi neto hays. Kung hindi lang talaga kita utol.
"Sige 'tol." Tipid kong sabi dahil pinaandar ko na ang motorcycle ko. Binili ko pala 'to sa halagang 20k, medyo luma na pero pwede pa naman, second hand na kase pero I'm good at handling things naman.
Pagdating namin sa loob ng Mang Inasal ay diretso na akong omorder ng Pakpak at Hita ng manok, 'yon yung uso sa Mang Inasal kaya mabubusog ka talaga. Dinalawa ko na order ko kay Joey kase mukhang gutom na gutom at naglalaway na. Ako na mag-a adjust. Busog pa din naman ako eh. Halata sa mukha niya ang sobrang gutom kaya pinagtitingnan kami ng mga customers sa loob. Paano ba kase yung dalawang hita ng manok nasa bibig at kaliwang kamay niya tapos yung dalawang pakpak nasa kanang kamay niya na akala mo naman aagawan na.
Pati na rin ang kanin, order na ako ng order kase kulang pa daw. Inaabuso mo na ako ha. Tag 999 lang naman kase yung Mang Inasal with rice na kaya sinulit na niya. Nasasayangan ako sa pera ko. Hindi kase ako mabubusog kung ganun lang kaunti yung Mang Inasal. Hays. Pagbigyan. Halos inubos na ni Joey yung hita tsaka paa, isama mo na rin yung kanin tsaka soft drinks, mahirap na mamaya baka makat*e siya rito nakakahiya. Nag take out na lang ako at ibinigay ko 'yon sa kanya kase ayokong ma issue kami dahil sa kaniya. 5 take out na mase yung dalawa para sa pamilya ko. Habang nasa daan kami, ayon pa rin, kain ng kain pa rin 'to. Kailan pa ba 'to titigil?! Jusko andaming taong tumitingin sa'min.
"Joey, maaari ba sa bahay niyo na lang 'yan kainin? Kanina ka pa kain ng kain diyan, laki na ng tiyan mo oh! Magkaka diarrhea ka niyan sige ka!" Pagbibiro ko pero tumawa lang siya't nagpatuloy sa pagkain. Itinago ko na ang 2 take out para sa pamilya baka kase hahanap-hanapin niya.
Habang naglalakad kami papunta na sa bahay nila, ayy oo nga pala iniwan ko muna saglit yung motor ko sa Mang Inasal kase hihiramin ng anak niya. Alam ko namang safety 'yon sa inaanak ko. Sasakalin ko talaga 'tong Papa niya kapag may nangyaring masama sa motor ko.
"Ahm. Ang sarap talaga bro. Salamat talaga hehe." Sabi niya kahit puno na ng pagkain bibig niya. Tumango lang ako at nang makarating na kami sa bahay nila ay tamang-tama na rin na busog na siya. Hays salamat naman sa Diyos. Napatigil siya sa paglalakad ng bigla siyang umutot ng malakas kaya napatakip ako ng ilong sa sobrang baho. Ew. Epekto na'to sa dami ng kain. At hindi lang yun ah, sunod² ang utot neto kaya napalayo ako bigla. Parang tata* ba siya. Ayan kase ang takaw. Deserve.
"Bro, ang sakit ng tiyan ko ah huhuhu." Imik nito at inakbay ko na lang siya dahil sa sobrang bigat na niya, hindi na siya makalakad. Sabi ko na kase hinay² lang sa pagkain. Deserve! Takaw pa more!
Hanggang sa nakaabot na kami sa higaan niya at napatalikod siya ng higa dahil sa hindi na niya kanang humarap sa sobrang sakit ng tiyan niya. Tinext ko na rin anak niya para bumili ng ipapahid sa tiyan niya, efficascent. Kaso iba yung dumating.
"Tito. Asan si Papa? Heto na yung efficascent na ipapahid sa tiyan niya. Ikaw kase Pang eh, ang takaw mo kumain. Ayan tuloy." Inis na sabi ng anak niya at kita ko sa mukha niya na napatawa. Pati na nga rin ako eh hindi makapaniwala.
Imbes na efficascent ang ibinigay para ipahid, mantika pa talaga ng kinain namin kanina. Mantikang Mang Inasal. Baka umepektib at mawala pa lalo ang sakit ng tiyan niya. Ikaw kase 'tol eh, huwag masyadong takaw sa pagkain, ayan tuloy sa mantika din pala ng Mang Inasal bagsak at ipapahid sa'yo. Sana maging aral na 'yan sa'yo. Habang ipinapahid ko sa kanya ang mantika, hindi namin maiwasan at ipagkakaila na tawang tawa kami ng anak niya. Mahal ka ng anak mo at pati na rin ako na utol mo, si Tomas pero nakakatawa ka talaga sa situation mong 'yan. Hanggang sa pag-uwe ko ng bahay halos mamamatay na ako sa kakatawa at kinuwento ko sa pamilya ko kung ano ang nangyari kaya hindi galit ang Misis ko dahil nakulangan yung pera ko, halos mamatay na rin siya pati ng mga anak namin sa kakatawa sa nangyari kay Joey.
LESSON LEARNED:
Huwag maging matakaw sa pagkain lalo na't kung Mang Inasal, dahil darating ang oras na ang mantika na niya mismo ang ipapahid sa masakit na tiyan dulot sa sobrang pagkain neto.Sorry medj napahaba ng konti HAHAHA napatawa lang talaga ako.
Work of Fiction
Plagiarism is a crime🚫
Open for criticism
Grammatical Errors Ahead
YOU ARE READING
Raye's One Shot Stories (Compilations)
RandomBehind every one shot stories posted was governed by an introvert writer, she's also known as a wallflower hiding in her place, slowly crawling in her nutshell, a pretty bombshell, dorothea, a brave warrior and a softhearted kindhearted pretty shy g...