One Shot Stories 30

2 0 0
                                    

“Namemersonal si Mudra”


"Maaaaa, nasa'n yung perfume na kakabili ko lang kanina?"

"Maaaaa, nasa'n yung panyo na sinampay ko sa labas?"

"Maaaaa, nasa'n yung makinis kong sapatos?"

"Maaaaa, nasa'n yung black suit ko na plinantsa ko kanina lang?"

"Maaaaa, nasa'n yung sinturon na pinalo niyo sa alaga natin?"

"Maaaaa, nasa'n yung brief na kakalaba ko lang?"

"Maaaaa, nasa'n yung relo ko na bagong bili ni Papa?"

"Maaaaa, nasa'n yung bouquet ng flowers na pinitas niyo sa garden?"

"Maaaaa!"

Grabe pala ako maka tanong kay Nanay. Eto kase siya e kung saan² niya tinatago yung mga gamit ko e pang privacy ko yun e. Pashnea talaga.

"Hala, ba't mo tinatanong at hinahanap sa'kin, Yuri?" Mataray na sagot ni Nanay sabay taas ng isang kilay na parang maldita talaga.

"Ikaw kase, Ma pinapakealaman mo mga gamit ko kaya sa'yo ko talaga hahanapin." Inis na sagot ko at tinapunan ako ng mga hangers. Ouch it hurts.

"Mata pinanghahanap hindi bibig. Batang 'to. Kaya pala binasted ka ni Wendy kase immature ka pa rin. Pati ba naman mga gamit mo hindi mo kayang hanapin ng mag-isa. Kung ganyan din naman gagawin mo sa jowa mo, mas maganda maging single ka na lang!"

Hala si Nanay, ang sakit² ng mga pinagsasabi sa'kin. Pumoporma lang naman ako kay Wendy e kaya nga hinahanap ko yung mga gamit ko sa panliligaw sa kanya baka sagutin niya pa ako. Masama na ba akong magmahal kahit ganito ako ka immature? Matured naman ako ah? Ba't ganun? Ang unfair huhu.

Ah basta, kahit ano pa sabihin mo Ma, never ako magiging single, and mapapa oo ko din si Wendy and papupuntahin ko siya dito sa bahay para naman may lalaban sa'yo sa katarayan mo!

"Mete penenghehenep hende bebeg." Oo na ikaw na Nanay. Ikaw na talaga wala ng iba pa!

Work of Fiction
Plagiarism is a crime🚫
Grammatical errors ahead
Open for criticism

Raye's One Shot Stories (Compilations)Where stories live. Discover now