Chapter 7

25 5 13
                                    

Trigger Warning: This chapter contains mature themes and descriptions of depression that may be depressing to younger readers. Reader discretion is advised.



Nandito ako ngayon sa Hospital at hindi ko alam na nagpast out pala ako kanina habang nasa church. Hanggang ngayon masakit pa rin ulo ko dahil sa pagkakatumba ko sa pagtulak ni David sakin at hanggang ngayon nilalamon pa din ako ng takot at kaba dahil sa nangyari, baka bumalik si David ulit at saktan ako.

Honestly, I really don’t want to leave him because I love him, very much. But I don’t want to live in his demonic hands. It’s painful and difficult but that’s what I have to do, ang iwan siya para sa sarili kong kapakanan.

I don’t know why he does that to me, I really loved David. Sabihin na nating hindi ako perpektong tao at may pagkakamali rin ako pero hindi ko naman aakalain na aabot sa ganong sitwasyon na kaylangan niya akong bigyan ng trauma, saktan, traydorin, babuyin at bastusin. Am I just thinking that I deserve to be treated like this because I wasn’t a better girlfriend to him?

Am I wrong in the part that even though he hurts me I still stay? What did I do wrong to him for him to treat me like this? Why... Why the universe hurts me.

The universe knows how fragile i am. How hurtful words could make my heart into a thousand pieces, how one wrong move could make me feel small and weak, the universe knows everything in me but why do certain things still happen. Why the universe still make my heart bleed?

“ Tin... ” Biglang lumapit sakin at Andrei at napansin niya na nakatulala lang ako habang umiiyak. “ Nagchat sakin si Gabby, yung research leader mo. Hindi ka raw nagseen sa gc niyo nung isang araw at hindi ka rin pumasok kanina. Nag alala kami sayo. ”

Hindi ko nalang siya sinagot at iniwas ang ulo ko. Sa ngayon ayoko munang makipagusap sa kanilang lahat, sa kahit sino pang tao. Gusto ko muna ng katahimikan at magpahinga.

“ Pano ka napunta don, Tin? ” Kahit na alam niyang hindi ko siya papansin, he is still talking to me and asking me. “ Tin... Kausapin mo naman ako oh, kausapin mo kami. ” Nagpupumilit niya.

“ Don’t tell anyone about this. ” Alam kong labag sa kanya yun pero tumango nalang siya sakin at iniwan ako dito sa kwarto.

I don’t want to tell anyone else about it. I don’t want them to feel sorry for me because they think that maybe I’m weak that’s why I’m like this, na hindi ko kaya. Gusto kong iisipin nila na malakas ako, ayoko na ulit mangyari pa yung nangyari samin ni David.

Mukha akong malakas sa paningin niya na hindi kona kaylangan ng tulong kasi malakas ako, independent ako. Pero nung nilabas ko yung nararamdaman ko nagmukha lang akong mahina sa paningin niya, katulad ng isang pagong na mabagal.

Lumabas ako sa kwarto ko at tinignan kung nandon si Andrei at Pas sa labas pero hindi ko sila nakita kaya lumabas ako at tumakas sa Hospital para magpunta sa place na pinupuntahan ko.

Mas gusto ko pang nandon ako kaysa nandito ako sa Hospital at nakahiga lang, atleast doon mas makakahinga pa ko ng maluwag at mailalabas ko pa lahat ng nararamdaman ko at walang manghuhusga sakin.

Maingat ako na naglalakad palabas ng Hospital at nang makalabas ako ay hindi ko napansin na di pala ako nakapagpalit ng damit kaya iniisip ng iba na isa akong pasyente sa mental na nakatakas. Pero hindi kona sila pinansin at sumakay nako ng tricycle para hindi ako maabutan dito sa labas ni Andrei at habang nakasakay ako sa tricycle nakita ko si Andrei sa pinto ng Hospital na may hawak na plastic at pagkain ata ang laman pero umiwas nako ng tingin at tumingin nalang sa daan habang umaandar ang tricycle.

Pagkarating ko ay nagbayad nako kay Kuya at bumaba na at habang naglalakad ay nakita ko yung binasag kona cellphone doon sa upuan at wala pa palang nakakakuha non. Kaya pumunta nako kaagad papunta don at tinignan kung buo pa.

Beyond the Shadows ( Congregation Series #1 )Where stories live. Discover now