Chapter 10

9 0 0
                                    


Matapos ang usapan namin ay inaya niya ako mag picture, pumayag na 'ko dahil hindi siya mahilig mag picture at minsan lang 'to.

"Yun dali jan ka!" excited niyang sabi at pinpwesto pa 'ko sa may bench na naka harap sa sky at saktong may kulay na ito,  tsaka naman siya pumunta sa likuran ko para kumuha ng pictures.

"Okay na ba?" tanong ko sakaniya at nakatalikod pa rin. Hindi siya sumagot kaya naman nilingon ko siya, nakita kong tinitinginan niya ang mga kinuha niyang litrato saakin, hindi ko alam kung tapos na ba o ano kaya naman nag lakad nalang ako papunta sakaniya.

"Okay na?" tanong ko uli sakaniya at tumingin naman siya sakin.

"Oo, okay na, ang ganda nung sky beh" sambit niya at napa-ngiti ako.

"Eh ako?" sabi ko with halong paawa sa boses ko.

"H-huh?" nauutal niyang sabi at natawa ako, sobrang cute ack.

"Joke lang hahaha! Di mabiro 'to" sambit ko at umirap siya saakin, maya maya naman ay siya naman ang kinuhaan ko ng litrato. Naka side view siya sakin at kunwaring stolen ang ginagawa namin, pag tapos niya mag pose ay tiningnan ko yung picture.

Ang ganda talaga..

"Okay na yan!" sabi nito habang natakbo at kinuha yung camera.

Umupo lang kami saglit at nag pahinga nang biglang mag message si Ann sakin.

From: Ann

"where na kayong 2, kayo nalang wala, nood daw us sunset"

To: Ann

"ay, sorry, pabalik na, may ipapabili kayo?"

From: Ann

"coffee pls hehehe, yung usual, si Ellie and Nics din"

To: Ann

"okays, bili lang kami"

Nilagay ko sa bag ang phone ko at inaya ko na si Sei.

"Tara na, inaantay raw nila tayo" aya ko sakaniya at niligpit niya na yung camera at phone niya.

"Daan tayo cafe, nag papabili sila nics eh, gusto mo rin ba?" tanong ko sakaniya at tumango naman siya, nag bike na kami papuntang cafe at umorder na.

"3 Caramel Machiatto po and 1 spanish latte tsaka isang?" sambit ko at lumingon kay Sei para kuhain ang order niya.

"Caramel Machiatto rin" saad niya at tumingin uli ako sa cashier para i-confirm yung order at ngumiti, pag tapos naman nun ay umupo muna kami para mag intay.

Ilang  minuto lang naman ay nakuha na namin ang order namin at dumiretsyo na kami sa Mercato Centrale para makanood na ng sunset.

"Oh iced coffee niyo" sambit ko at inabot kina Ann yung mga order nila at saka umupo sa lapag.

"Anong oras tayo uuwi?" tanong ni Nics at kinuhaan ng litrato yung sunset.

"Maya onti, mga 6:30" sagot ni Kiel.

Tahimik lang kaming nanood ng sunset, katabi ko si Sei at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko, pinagmasdan ko lang siya habang nanonood siya ng sunset. Makalipas ang ilang minuto ay nag aya na rin sila umuwi dahil nag didilim na.

"Shai pasabay" sambit ni Ann habang nag aayos ng gamit niya.

"Sige lang" sagot ko at inayos na yung gamit ko.

Tumayo na kami at nag lakad na papuntang parking, dala dala ko ang gamit ni Sei habang nag lalakad, nasa likod naman silang dawa ni Sofia, nag k-kwentuhan.

"Sabay kayo?" tanong ko kay Ellie at umiling naman siya, kay Kiel ata sila sasabay.

"Una na kami Shai, ingat kayo" paalam ni Kiel, nginitian ko lang siya at pumasok na rin kami nila Ann at Nics sa sasakyan, kasama ko pa rin si Sei.

First of EverythingWhere stories live. Discover now