"Tara na" Cian said
Napasinghap ako sa kawalan, sabi ko ay hindi ko na sya papansinin pero heto ako ngayon kasama na naman sya.
Pano ba naman ay may school service pa nga pala kami, naka assign kaming maglilinis ng gym ngayon para sa gaganaping foundation event sa friday.
Excuse kaming dalawa sa lahat ng klase namin ngayong araw, nakasuot ako mg white shirt saka ang jogging pants ng Liberty High. May hawak akong map samantalang si Cian naman ay ang may hawak ng hose. Binasa muna nya ang buong open gym habang ako naman ay minamap ko.
We don't need to wash this using some soap, dahil mga alikabok lang naman ang need naming linisin. Pero sa laki ng gym na 'to ay talagang aabutin kami ng gabi rito.
Nice Ms. Lopez, sobrang mahal talaga kita.
"Hey Ethan, kanina ka pa dyan, baka mapudpod na yung map" sigaw nya sa akin pero hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pagmop.
Bahala nga sya d'yan, tawagin nya si Ash para may kausap sya.
"Hey, are you mad?"
Puta, what's with his voice. It's so soft and damn it, bakit may kung ano akong nararamdaman.
"Nung friday hindi mo ako kinausap after natin mag lunch" sabi nito
Geez!? Bakit ko nga ba sya iniiwasan? For what reason, eh diba tama lang naman talaga na magkausap silang dalawa ni Calli. Kasi yon naman ang dapat.
So inaamin ko na si Calli nga ang rason. Ethan act normal.
"Wala" tipid na sagot ko
"Anong wala" lumapit pa ri sya sa akin
"Your mad" he insisted saka hinawan ang handle ng mop na hawak ko.
I rolled my eyes saka marahas ma binawi ang mop.
Lumayo ako lalo sa kanya pero hindi ko pinahalata na umiiwas ako. I was kinda hurt dahil hindi talaga nila ako pinansin non, sarap nilang pagbuhulin.
"WHAT" napatayo ako
All of them looked at me with shocked face, gulat silang lahat na nakatingin sa akin. Cian also looked at me confusingly.
Pano ba naman ay nagulat ako sa announcement ni Dash, ang napagmeetingan nila ay Jail Booth daw ang gagawin nila sa foundation day.
Paano nangyari yon, naguguluhan ako. Marriage booth ang nakasulat sa libro, pero bakit naiba.
"Diba dapat marriage booth ang gagawin natin?" i asked Dash ng makabalik sya sa pwesto niya.
"Yup, but the officer decides na jail booth na lang, tutal other sections are doing marriage booth na rin" he replied
"Pero hindi 'yon ang nakasulat sa libro" i said not knowing what really happens.
"Libro? What do you mean?" he asked
Right, hindi sya maniniwala kapag sinabi kong alam ko ang umpisa, gitna at wakas ng kwentong ito.
Nagtataka siguro sya kung bakit sobrang affected ko sa ganon, pero kasi paano ba nangyari 'yon. Kailangan kong makausap si fairy, sya lang ang makakapagpaliwanag ng lahat sa akin.
"Ethan, gusto mo sumama later. I have practice sa music room" pag aaya ni Cian
Napag isip ko na sobrang babaw ko namang tao, at nonsense ang inis ko sa kanya kaya tumango na lang ako. Sumilay naman ang ngiti sa labi nya at masayang bumalik sa upuan.
I think he was practicing the song na kakantahin nya for Calli. That chapter ay sobrang kilig dahil doon magsisimula ang mga interactions nilang dalawa.
YOU ARE READING
Love Among The Pages
FantasyEthanxCian In the quiet confines of his bedroom, tucked away from the world's chaos, Ethan Ace found solace within the pages of his favorite novel, "My Favorite Part". It was a tale of a boy who had a huge crush of a campus girl. Yet one nigth, A st...