008

97 6 2
                                    

"Seryoso ka ba? Bakit ka naman pumunta ron, sana hinayaan mo na lang" Dash is so overreacting nang sinabi ko sa kanya na muntik na akong mamatay kahapon.

"I'm good naman, buhay pa ako so stop being so oa" i said

"I'm not oa, I'm just concerned" he reply with a serious face

"Dapat pala 'di muna ako umuwi kahapon, para may kasama ka" he said

"Para may kasama akong mamatay" i jokingly said pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

He's so serious naman, hindi ba sya nag tatake ng mga jokes. Hindi naman ganito ang description sa personality nya.

"Kasama ko naman si Cian" sabi ko saktong sakto sa pagpasok ni Cian sa room.

"Huh? Lucian Jace. Close kayo?" he asked

Cian looked at my direction and when our eyes met, he smiled and waved his hand so i smiled him back.

"Hindi ah, niligtas nya lang ako" i replied

"Hey" nagulat kaming pareho ng magsalita si Cian sa gilid ko, nang lumingon ako sa kanya ay nakatayo nga sya roon at nakangiti.

"Hey Pres" he greeted Dash

Ngumiti sa kanya sj Dash, may hawak syang apple juice sa kamay nya at ng mapansing nakatingin ako roon ay binaba nya to sa desk ko.

"I saw your favorite apple juice kanina sa store na hinintuan ko, so I'm thinking na bilhan ka" he said

Ohhh

"Hindi naman kailangan pero thank you" sabi ko

He smiled then walked towards Ash whom watching us from his seat. His eyebrows raised as Cian approaches him, may pinagusapan pa sila pero hindi ko na ito narinig.

"Mukhang magiging close kayo ah, he knows your favorite drink" si Dash

I just shrugged my shoulder then put the bottle inside my bag, our first class went well and fast. Pano ba naman ay super funny ng teacher namin sa subject na 'yon kaya hindi ko na namalayan ang oras.

Nagpaalam si Dash na aalis muna dahil may meeting sila ng mga officers sa room para sa darating na foundation day.

Wala na akong kasama rito kaya kinuha ko na lang ang phone ko para mag scroll pampawala ng boredom.

My real social media accounts ay nawala, even my contacts ay wala rin kaya hindi ko ma contact si Luna. Hindi ko rin naman daw magagawa yon kahit posible dahil naka hinto ang oras sa mundo ko.

I miss Luna so much, her loud voice and kaartehan. I miss it so much, i can't wait to comeback as soon as possible.

"Hey Ethan — I heard matatagalan sina Pres sa meeting nila so i wonder if may kasama ka mag lunch later" si Cian na naman

He was standing beside me, kasama nya si Ash na nakangiti rin sa akin.

"Uhmmm— oo nga daw" i replied

"You can join us, kami lang naman ni Ash ang sabay mamaya" sabi nya saka tinuro ang kaibigan.

"By the way, this is—" papakilala nya na sana ang kasama ng putolin sya nito sa pagsasalita.

"I'm the one who introduce myself bro" Ash said "...I'm Asher Solstice but they call me Ash so pwede mo akong tawagin sa nickname ko" pakilala nito

Natawa pa ako dahil yumuko pa sya sa akin at nilahad ang kamay, agad ko namang kinuha ang kamay nya "Ethan" pakilala ko.

"So are you joining us later?" Cian asked again

"Oo naman, walang problema" sagot ko

I was really excited na matapos na ang klase agad para lunch na, hindi ko akalain na makakasama ko naman si Cian sa pagkain. I'm very lucky talaga.

And when the bell rang isang napakalaking ngiti ang bumakas sa labi ko. I already feel their presence na nasa likod ko habang hinihintay akong matapos sa pagaayos ng mga gamit ko.

"Done?" Cian asked, i nodded

Ash seems so busy with his phone kaya wala ang atensyon nya sa amin.

Habang nakapila kami ay nagiisip na ako kung ano ang oorderin kong food, i don't feel eating a meal today kaya nagisip ako ng alternative. Then nakita ko sa menu na nakapaskil sa itaas ang sandwich na worth of 60 pesos.

Mahal naman!? Kung sa bahay ko kinain yan, mura lang. Malamang hindi naman ako ang nag gogrocery.

"Two order of sandwich nga po ate, pero pwede po patangal ng lettuce and mayo po ang sauce not chili sauce" sabi ko sa nag titinda. Agad naman nyang hinanda ang order ko.

"Hindi ka mahilig sa lettuce and spicy?" Cian asked

Nasa likod ko sya nakapila habang si Ash naman ay nasa likod din nya busy pa rin sa pagphone.

"Yup" i answered

"Woah, pareho tayo. Ayoko rin ng lettuce" sabi naman nito

Tumaas ang kilay ko, seryoso ba sya sa sinasabi nya, naramdaman kong natawa sya dahil may mga giggles akong narinig mula sa kanya.

Nauna akong nakaalis sa pila, humanap muna ako ng lugar na pwedeng upuan, nang makahanap ako ay agad ng space ay doon na ako pumwesto.

Ngunit saktong pagkalapag ko sa tray na hawak ko ay ang paglapag din ng babae sa harapan ko.

I was stunned to speak ng makita kung sino ito, it's Calli. "Uhmmm— you can take it, sorry" she said softly

Wow, she's so angelic. Her kindness and softness i adore so much. She's very beautiful, her straight hair paired with a neat and simple clip on the one side. His rosy cheek and eyes really make me praised her so much.

"Hey— are you okay?" napansin nya sigurong naka titig lang ako sa kanya.

"Hindi, ano. Ikaw na rito" sabi ko saka kinuha pabalik ang tray

"Ethan, bakit 'di ka pa umuu—" i heard Cian' s voice

"Calli" he called her, ang kaninang nakangiti ay biglang namula ang mukha.

On the side, Ash seems so invested to them. May binubulong pa sya kay Cian kaya mas lalong namumula si Cian.

"Hello" Calli greeted

"Wala kang maupuan?" Cian asked saka luminga sa paligid, maging ako ay tumingin din at wala nga rin akong nakitang ibang bakanteng upuan.

"Wala na ata" Calli replied

"Malaki naman ang space dito, you can sit here if you want" Ash insisted

"Okay lang ba?" she asked

Ash nodded and also Cian. My eyes looked at his tray, tinago ko na lang ang gulat ko nang makitang sandwitch rin ang nakalagay doon.

We started eating, inaasar pa rin ni Ash si Cian. Nag uusap usap si Cian at Calli paminsan minsan, pero mukhang ilag talaga si Calli.

"Pupunta ka ba sa foundation day Calli?" Ash asked her

"Di ko pa sure, pero baka pumunta ako" Calli answered

"Good, alam mo ba na kakanta si Cian sa event" he asked again

"Oo, he's part of the music club diba" she said still not looking at them.

I fake a cough so they can notice my presence, but they seems very invested kay Calli. Samantalang ako ay tahimik lang na kumakain, hanggang sa matapos ay hindi ako nagsasalita.

Nice, bula ata ako sa kanila eh. Tahimik lang akong bumalik sa room, habang si Cian ay mas lalo pang namumula dahil patuloy sa pag aasar si Ash sa kanya.

Hindi ko na sila hinintay pa at mabilis na naglakad papasok sa room, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kaunting inis pero naiinis talaga ako.

Am i invisible?! Inaya nila ako tapos hindi nila ako papansinin. Bahala ka Lucian Jace Harrison, hindi kita papansinin.

Love Among The Pages Where stories live. Discover now