As we take our seat, the waiter gave us the menu. Nasa isang di ako familiar na restaurant kami ni Cian kasama si Ash, Cian asked me na samahan sya para bumili ng pangregalo sa kapatid ni Ash dahil mag bibirthday na raw ito.
"One order of black pasta please" sabi ko sa waiter
Cian and Ash ordered normal pasta, we've wait for our order to be done. Sa isang araw na nga raw ang birthday ng kapatid ni Ash, he also invited me na pumunta kaya sinamantala ko ang araw na 'to para mamili rin ng pang regalo ko.
I bought a remote control na toy car dahil eigth years old lang naman daw ang kapatid nya.
"Here's your order" pagdating ng waiter ay agad nyang binaba sa table ang mga plates ng pasta.
I do love pasta, yung inorder ko ay black pasta na dahil may trauma na ako sa pasta na na order ko non sa restau na pinuntahan namin nila Dad.
I tried to warn then na huwag na 'yon ang orderin dahil sobrang matamis nga ito pero tinawanan lang ako ng dalawa.
Bahala sila, huwag silang mag rereklamo mamaya.
I started eating mine, and as i expected masarap nga ito. Napatulala ako sa kanila habang hinahalo nila ang nasa isang mini cup at binuhos sa pasta.
"Ano yan?" i asked "...para saan 'yan"
They laughed again. Anong nakakatawa, nagtatanong lang naman ako.
"This is the sour na hinahanap mo sa pasta mo" Cian said
Halatang nagpipigil sila ng tawa dahil namumula ang mga tainga nila. "You need to put this first bago mo kainin, kaya matamis ang nakain mo dahil hindi mo nilagay 'to" Ash said while laughing
Shet, ganon pala' yon. Akala ko ay kung ano lang kaya hindi ko na pinansin.
That's not my fault though, bakit kasi nila inihiwalay ang maasim na part sa mismong pasta. Not everyone knows that.
They continued teasing me hanggang pauwi na kami, kinailangan ko pang magusot ng earphones para hindi ko marinig ang mga pang aasar nila.
They are very annoying.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga. Pero laking gulat ko ng pagbukas ko sa pinto ay mayroon akong 'di inaasahang bisita.
Agad akong tumakbo sa kanya saka sya mahigpit na niyakap. "San ka ba nagpunta?" i asked
"You ghosted me, iniwan mo ako rito. Alam mo ba ang daming mga nangyayaring kakaiba dito" sunod sunod kong sabi.
Kumawala sya sa pagkakayakap saka ako tinulak sa noo ko gamit ang daliri nya.
"And it's all your fault" mariing sabi nya
"Matagal ko na gustong pumasok sa librong ito para mabigwasan ka kaso may mga problema akong kailangan ayusin" dagdag nya
"Hindi kita maintindihan, anong ako ang may kasalanan" naguguluhan kong tanong.
Sinenyasan nya ako na isara ko ang pinto ng kwarto kaya agad akong tumayo para isara ito.
"Binago mo ang kwento" seryosong sabi nito
Binago ko ang kwento?!
"Kaya may mga nagaganap na hindi nakasulat sa orihinal na kwento, dahil unti-unti mong nababago ang takbo nito" he added
He looked so stressed.
"Fairy boy hindi ko maintindihan, paano ko nabago ang kwento?" tanong ko
Tumaas ang kilay nya, teka kulot sya ng huli kaming nagkita ah. Nag parebond sya, nagpapaganon pala ang mga fairy.

YOU ARE READING
Love Among The Pages
FantasyEthanxCian In the quiet confines of his bedroom, tucked away from the world's chaos, Ethan Ace found solace within the pages of his favorite novel, "My Favorite Part". It was a tale of a boy who had a huge crush of a campus girl. Yet one nigth, A st...