020

91 6 0
                                    

"Ethan" i heard Ash called me

Huminto ako saka sila hinintay na makapalit sa akin, nasa likod nya si Cian na nakapamulsa at seryoso ang mukha. Dalawang araw akong hindi pumasok at walang paramdam sa kanila. I didn't respond to their text also.

"Anong nangyari sayo? Two days kang wala, hindi ka rin pumunta sa birthday ng kapatid ko" Ash said

Hindi nga ako pumunta sa birthday ng kapatid nya, pinadeliver ko na lang ang regalo ko sa bahay nila.

"Ah wala naman, busy lang" tipid kong sagot

Tahimik lang si Cian sa likod nya, nakakunot ang noo at seryosong nakatitig sa akin kaya pilit kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.

I didn't seen his message, umabot na nga ng hundred plus ang message nya sa akin pero ni isa ay wala talaga akong sinagot.

"Sige mauna na ako" paalam ko saka naglakad na paalis kahit sa iisang lugar lang naman kami papunta.

"Ethan" takbo ni Dash ng makita akong pumasok sa room.

"Are you okay? Nagkasakit ka ba, bakit wala kang paramdam. You didn't even respond sa mga text ko" tuloy tuloy nyang sabi.

"Ayos lang ako" sabi ko saka nilagpasan sya

Sinundan nya ako hanggang sa makaupo na ako, seryoso syang nakatingin sa akin pero tinuon ko lang ang pansin ko sa ibang bagay. Hanggang sa matanaw kong pumasok na rin sila Ash at Cian, nang magtama ang mga mata naming dalawa ay iniwas ko ito agad.

Hindi na ako pwedeng magpadala sa bugso ng damdamin.

Nagtatanong pa sa akin si Dash pero pinipilit kong sumagot ng tipid. Alam kong nagtataka na rin sya sa kinikilos ko kaya naguguilty ako, pero mas lalo lang akong makokonsensya kapag mas nagulo ko pa ang storyang ito.

Bisita lang ako sa libro kaya wala akong karapatang makialam.

Lunch time ay agad akong lumabas ng walang pasabi, tinatawag pa ako ni Dash pero hindi ko na sya nilingon.

Gusto kong umiyak sa sobrang frustration, ito na lang ang nagiisang alam kong paraan.

Habang papunta ako sa cr ay natanaw kong naglalakad magisa si Calli, may naisip akong paraan para matama ko ang nagawa kong mali.

"Calli" tawag ko sa kanya

She looked at me with confusion "You're the guy sa cafeteria rigth?" she asked

Woah, she's very softspoken talaga kahit hindi pa kami nakakapagusap ng matagal ay ramdam ko na agad. She's also pretty.

"Are you busy? Can we talk for a minute?" i asked her

Tumingin sya sa relo nya saka tumango sa akin "Sure, tungkol saan"

Nagpunta kami sa open field at doon naupo kaming dalawa. "Uhhmm— what can you say about Cian?" wala ng paligoy ligoy pa at tinanong ko na.

"Did you mean Lucian?" tumango ako "Bakit mo natanong?" she asked

Ito na lang ata ang alas ko, dahil sa pov ni Calli ay matagal na syang may gusto kay Cian. "May gusto ka ba kay Cian?" tanong ko ulit

I saw her cheeks blushed, I knew it. She likes him too, then thats good kailangan lang ng kaunting push sa kanila.

Natapos ang paguusap naming dalawa at isang plano ang nabuo ko, I'll set them up for a date.

I was happy. Am i? Ito naman ang gusto ko diba, saka mas better na 'to.

Ilang araw naging ganoon ang sitwasyon naming dalawa, hindi ko sya kinakausap. Si Dash naman ay tipid lang ang mga sagot ko sa kanya.

Cian keeps on messaging me, he send me pictures and some updates pero iniignore ko lang lahat.

Then the day comes— I texted Cian na mag meet kaming dalawa sa park na malapit sa mall.

Agad akong nagpahatid sa may park, nang makarating ako roon ay agad akong nagtago sa may malaking puno. Then I saw Calli, nakaupo sa bench na pinagtambayan namin noon.

Hindi nagtagal ay natanaw ko na si Cian, he's walking with his usual facade. Nang magkita sila ay bahagya pa silang nagusap, palinga linga si Cian na tila may hinahanap pa.

Stop it Cian, don't make it hard for me. Mabilis akong nakaiwas at agad nagtago sa puno ng bigla syang mapatingin sa gawi ko.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang may biglang nabasa ang kamay ko.

May tumutulo— pagtingin ko ay mga luha ko pala.

Bakit ang sakit, bakit may kirot. Bakit may parte sa akin na umaasang sana ako ang naroon at hindi sya. Nang balikan ko sila ay wala na sila sa pwesto nila kanina.

Senyales na para umalis na ako. Mabibigat ang mga hakbang ko palayo sa lugar, patuloy ang mga luhang pumapatak.

Bakit kasi ikaw pa.

Bakit sayo pa.

Ngayon sobrang nasasaktan ang puso ko, hindi naman naging kami pero bakit parang ako ang pinaka apektado.

Naupo muna ako dahil mabigat na ang pakiramdam ko. Nasaan na kaya sila ngayon? Masaya na siguro sila.

Noong binabasa ko pa lang ang libro nila ay abot langit ang kilig ko, pero bakit ngayon ay parang pinagbagsakan ako ng langit.

Wala na akong nagawa kundi ang umiyak habang takip takip ang mukha. Hindi ko naman dapat nararamdaman ito, dapat ay masaya ako para sa kanila pero hindi ko mahanap ang saya.

"Oh" may nagsalita sa harap ko "Punasan mo luba mo, baka isipin nila pinapaiyak kita" sabay abot ng panyo.

Dash?

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya saka kinuha ang panyo.

"Namamasyal lang, pero nakita kitang nakasilip sa may puno kaya na curious ako" he explained

May mga bitbit pa syang mga paper bag kaya mukhang galing sya sa mall. Naupo sya sa tabi ko saka ako biglang niyakap, tinapik tapik rin nya ang likod ko.

"Sya ba?" tanong nya

Hindi ako nakasagot, alam ko kung ano ang tinutukoy nya. "Sya ba yung taong gusto mo?" ulit nya

Marahan akong tumango, umiwas ito ng tingin sa akin. "Anong plano mo ngayon?" tanong nya.

"Sila naman talaga, hindi ba. Sila naman ang dapat" sagot ko saka patuloy na pinupunasan ang mga luha ko.

"Paano ka?" seryosong tanong nya

"Ayos lang ako. Kailangan maganap ang dapat maganap para makabalik ako sa mundo ko"

Mukhang naguluhan sya pero tumango nalang ito. "Sanay naman ako sa ganito, I'll always one of the choices but I will never be the chosen" doon muling bumagsak ang mga luha ko.

Or did I consider myself as one of the choice? O baka naman ako lang talaga ang nag assume na meron din.

"You like him so much. Did you?" he asked

"So much— but I'm scared sa mga mangyayari" i replied

"Hindi kami pwede Dash, napakalayo nya sa akin. Sya yung tipo na hanggang sa labas lang ng libro ang paghanga ko"

"At nagkamali akong lumagpas pa ako sa linya"

Love Among The Pages Where stories live. Discover now