022

327 9 2
                                        

I'm back.

Hawak ko ang libro habang nakahiga, ito ang ginagawa ko bago ako pumasok sa libro. Totoo nga, hindi talaga tumakbo ang oras habang wala ako.

When I looked at the book it still the same, napangiti ako ng mapait. Hindi ko na talaga sya makikita, mananatili na sya sa libro.

"Good Job Ethan" mahinang sabi ko sa sarili "You save the book" i added

Pero bakit ako malungkot, bakit ako umiiyak. Dapat masaya na ako dahil nakauwi na rin ako sa wakas.

Balik na ako sa normal, hindi ko na kailangang magaral ulit sa high school. Makikita ko na ulit si Luna at college na ako next month. Kaya dapat masaya ako.

Masaya?! Paano?

I miss him so much, 'di ako nakapagpaalam sa kanya kaya mas lalo akong nagsisisi. Si Mom at Dad, si Dash at si Cian ay sobra kong ma mimiss.

"I am not the only traveler" nagulat ako ng may biglang pamilyar na kanta ang tumugtog.

Nang bumangon ako ay natagpuan ko si Flyn na nakaupo katabi ang music cassette habang pinapatugtog ang kantang iyon.

"Take me back to the night we met" mas lalo pa akong naiyak dahil sa lyrics ng kanta.

Ang lokong bata na 'to, sinasadya nyang patugtugin iyon.

"I don't know what I'm supposed to do.... Haunted by the ghost of you" sinasabayan pa nya ang kanta na parang nanunuya pa.

I grab the pillow behind me and throw it to him. "Ano ba? Nagpapatugtog lang naman yung tao" depensa nya.

"Tao?" tanong ko at tila napatanong din sya sa sarili nya.

"Ano bang ginagawa mo rito?" I asked

"Pinapanood kang umatungal dyan" diretsong sagot nya saka pinatay ang kanta.

Kanina pa ba sya? Pinapanood nya nga ata akong umiyak, ang batang 'to talaga. Kung wala lang syang magic babatukan ko talaga to.

"Kamusta?" tanong nya

Pansin kong sumeryoso na sya "Kamusta' yan?" turo nya sa puso ko.

Doon ay biglang bumuhos na naman ang mga luha ko, hindi na ako nakaramdam ng hiya kahit bata ang kaharap ko. Dahil nasasaktan ako ng sobra.

"Pero ayos na sya, bumalik na sa dati ang takbo ng libro" sabi nya

"Pero masakit pala" I replied

Totoo pala ang kasabihan na 'To love is to let go', akala ko ay hanggat kaya mong ipaglaban ay ipaglaban mo. Pero kung nasa magkabilang mundo kayo ay hindi ito uubra.

Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay wala na sya roon, pakiramdam ko ay hindi na sya babalik dahil tapos nakabalik naman na ako.

Maayos na si Cian. Iyon ang nararapat, kaya kailangan ko na lang mag focus sa sarili ko rito at maging maayos.

Magiging maayos din ako. Pangako!

"Where are you ba? Kanina pa ako palibot libot dito ss campus" reklamo ni Luna sa kabilang linya.

"Girl chill, sino ba kasi nagsabing hanapin mo ako" sagot ko naman, kahit malayo kami ay nakikita ko ang pagkunot nya ng noo.

"Ungrateful bitch ka talaga noh, ikaw na nga tong hinahanap ikaw pa mag rereklamo" inis nyang sabi. "Ang mahal kaya ng sunscreen ko" dagdag nya na ikinatawa ko.

"Nagpa print ako at wala ako sa loob ng campus" sabi ko sa kanya "Pabalik na ako don't worry. At magkano ba yang sunscreen mo para mabilhan kita"

"No need, dalian mo na at may mga poging boys here. Baka may type ka" she said

Love Among The PagesStories to obsess over. Discover now