FLASHBACKS
Mahiyain. Tahimik. Laging nag iisa. Simula pa lang na bata ako, ganoon na ako. Sinubukan ko man makipagkaibigan pero umaayaw sila sa akin dahil boring daw ako kasama. Hindi rin daw ako sumasabay sa trip. In short, KJ daw ako.
May sarili raw akong mundo, kaya lagi lang akong pumapasok mag isa, kumakain mag isa kapag break time, at umuuwi mag isa. I learned to be independent at a young age. Kapag groupings, pahirapan ako kasi walang gustong kumuha sa akin. That's why I preferred individual projects. Hindi ko rin maintindihan bakit ayaw na ayaw nila sa akin.
Panibagong araw at nagsuot ako ng uniporme ko. Isang kulay maroon na palda na hindi lumalagpas sa tuhod, white na knee socks, at white blouse na naka-tuck in sa palda. May kasama pa iyong maroon na necktie at I.D lace. Sa necktie ay may nakalagay na 1st year H.S.
Kagaya ng dati, mag isa ulit akong pumasok. Hindi ako hinahatid ng mga magulang ko dahil binibigyan naman daw ako ng pera. Hindi na raw ako bata para ihatid-sundo. Hindi ko naman sila aasahan, hindi naman nila ako tinuturing na anak e.
Lumipas ang umaga na nag aaral lang ako at nasa gilid habang nagkakatuwaan ang mga kaklase ko. Nagbabatuhan ng papel, nagkwekwentuhan, at nagaasaran. Ako lang yata naiiwan sa klase. Tanggap ko naman. I can't push myself in their circles.
Nung break time, nakaupo ako sa ilalim ng malaking puno, sa labas ng building namin. Hawak ko ang libro na hiniram ko sa library namin. Napaangat lang ako ng tingin nang mapansin ko ang pares ng mga paa na nakatayo sa harap ko.
Kinakabahan na ngumiti sa akin si Eugene, kaklase ko. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Medyo gusot ang maroon na slacks at white na polo, tapos wala rin siyang suot na necktie. Tumagos ang tingin ko sa likod niya at kita ko ang pag uudyok ng mga kaibigan niya, nagtatawanan pa.
"H-hello, Astria," panimula niya, nanginginig pa ang boses.
"Hello?" Pagtataka kong sagot. "Bakit?"
"W-wag ka magagalit ah.."
"Bakit?"
"G-gusto ko lang sabihin na.. crush kita.." pag aamin niya at nahihiya niyang hinimas ang batok niya.
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang pa ang labi ko. I had always been aloof. I chose books rather than in the company of others. The idea that someone might have feelings for me was both foreign and thrilling. Sobrang hindi ko ineexpect na may magkakagusto sa akin.
Biro lang ba 'to? Prank? Dare? Lahat ng negatibo ay pumasok sa isip ko, pero sa sumunod na mga linggo, naging obvious si Eugene sa feelings niya sa akin. Tinatabihan niya ako sa canteen, shinishare niya ang notes niya kapag may nakakaligtaan ako, nag iiwan din siya ng maliit pero thoughtful gifts kagaya ng favorite candy ko or bookmark na may quote na alam niyang magugustuhan ko.
Each gesture chipped away at the walls I had built around myself. At the age of 13, I was giggling and thinking about a boy. Ganito ba magkaroon ng crush? Ganito ba 'yung feeling? First time kong makatanggap ng attention sa ibang tao at ang sarap pala sa pakiramdam.
"Anong sabi ng ate Shairina mo, may crush ka raw?" Pataray na tanong ni Mama habang nasa kusina ako, naghuhugas ng mga pinggan.
"Ah.. wala po 'yon," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam paano nalaman ng ate ko tungkol doon.
"Lumalandi ka, grade 7 ka pa lang? Jusmeyo, walang magkakagusto sa 'yo sa itsura mo. Para kang manang. Pa crush crush pa."
The words stung more than any physical blow could. Napayuko ako at parang tinutusok ang puso ko sa sakit. Napailing ako at bumuga ng hangin para hindi maging emotional.
YOU ARE READING
Sleep, My Love
RomanceAstriluna Trishanne Gonzales is a woman trapped in the depths of her own mind. Her childhood was full of emotional abuse and control that left deep scars on her. Mental illness became her constant shadow, pulling her further away from those who love...