Epilogue

71 7 1
                                    

Epilogue

I sighed after staring at Myan. Madaldal pa din sya at ang daming mga sinasabi.

Ang bilis nyang nakawala sa hawak ko, sabi ko pa naman nun… hindi ko masyadong hihigpitan ang hawak sa kanya kasi baka mas lalo syang makawala. Pero ganun pa din, kesyo mahigpit or hindi… Kung para sa akin sya, sa akin.

I will always respect her decision. Kaya noong sinabi nyang ihinto na namin ang "casual sex" ang bilis kong pumayag. Kasi desisyon nya yun eh.

Ang mali ko lang, ay ang kung bakit hindi ko sya pinaglaban. Bakit nga ba hindi? Iyong friendship namin.

Simula High School, alam at sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Myan. Pero mas nangingibabaw pa din iyong friendship namin. Ayokong basta nalang magkalamat iyon. Kaya kahit nakabantay lang sa kanya sa malayo, ayos na ako.

Pagkatapos ng kung anong namagitan sa amin, hindi na ako naghangad. Alam kong iba ang gusto nya, okay lang, dito lang ako.

"She's getting married." Ani Archie sa gilid ko.

"We should be happy for her." Sabay lagok sa alak.

"Wala kang gagawin, tol?"

"Saan naman?"

Natawa si Archie at malakas na pinalo ang likod ko.

"Man, kilala kita. Matagal mo ng gusto si Myan ah. Ganun nalang, hahayaan mo nalang ba?"

"Susugal ka ba sa laro ng tadhanang walang kasiguraduhan, Liam Archie?"

"Hindi."

"Read between the lines."

"What if gusto nyang ipaglaban mo sya?"

"Hanggang what if nalang iyon."

Akala ko, si Archie lang may alam ng lahat ng nararamdaman ko kay Myan. Pero tangina hindi pala. Alam lahat ng barkada, sya nalang ang may hindi napapansin iyon.

I smiled as she happily flashed her ring on ours. Napaayos ako ng upo, funny to think that I really bought a ring for her. Pero ibang singsing ang nasa daliri nya.

Ups and down ang relasyon nya kay Raymond. Ilang ulit syang sinabihan nina Avril na wag na dun, pero mapipigilan mo ba ang isang tao sa desisyon nya? Ni ako nga, hindi ko mapigilan ang sarili kong mahalin sya.

Inayos ni Divina ang collar ng suot ko.

"Pwede mo pa syang itakas, Tok."

Sinimangutan ko sya. "Let's be happy for her."

"Grabe ang martyr mo."

Iyon din ang paulit ulit na sinasabi ni Ali sa akin. Ang martyr ko daw kasi hinayaan kong makawala sa akin si Myan. Wala naman akong magagawa, hindi ako lumaking pinipilit ang babae. And I respect her.

Kahit nakikita ko ang mga katarantaduhan ni Raymond, I just keep it to myself… Kasi, wala naman ako sa posisyon na sabihin iyon.

Pumalakpak ako habang inaanunsyo ng pari na mag asawa na silang dalawa. Masakit pala talagang makita na ikasal ang babaeng mahal mo sa taong mahal nya.

Hindi ako nanghinayang, hindi ako nag isip ng kung ano. Nasaktan ako, pero hanggang doon lang. Lilipas din naman to. Mabilis lang din lilipas ang lahat.

Myan distance herself from us. Galit na galit si Avril kasi ano naman daw kung kaibigan nya kami habang asawa nya si Raymond? But I get her point. Both of them. Raymond hates me, he thinks I'll steal Myan from her with the help of our friends.

But clearly, I had no plan to. Kaya ko, at pwede kong gawin pero ang huling bagay na gusto ko ay magalit sa akin si Myan at masaktan sya.

"Hindi nya tayo mapagbigyan!"

White Chocolate Matcha (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon