Chapter One
"Grabe! Drain na drain ako sa final exam!" Rekalmo agad ni Carmela ng magkita kita kami sa tambayan sa tapat ng university.
"Panay kang reklamo, pero mataas naman ang score mo." Si Avril.
"Deserve natin malasing!" Singit ni Archie. "Ano g? Next week, bakasyon na. Sureball naman na lahat tayo mag-third year!"
"Sigurado ka na, Archie?" Si Cheska.
"Kung hindi, sasama ko kayo! Ano ako lang babagsak?"
Napailing ako. "Iingay nyo." Binuksan ko ang binili kong canned soda pero nahirapan ako. Kinuha ni Tok iyon.
"Ano Tok, g ka ba?"
"Sige."
Inabot nya sa akin pabalik iyon. "Salamat."
Nagkasundo kaming lahat na pagkatapos ng last na exam bukas ay magwawalwalan kami. Mga to, hindi talaga mabubuhay ng walang alak.
Hinintay kong mapadaan ang tingin ni Oliver sa pwesto ko bago ako ngumiti at nagthumbs up sa kanya. He showed his thumbs up also. I took a sipped on my soda.
Solid na mga kaibigan to, since first year college. Si Tok, Avril and Cheska. Highschool palang magkakakilala na kami. Unang kita ko palang kay Oliver dati, nagkaroon ako ng konting crush. Pero di ko na pinush kasi ayoko magkalamat ang friendship knowing na kaibigan lang ang tingin nya.
Nagstick ako sa pagiging kaibigan nya and that's okay. Pasimpleng kilig lang.
Si Tok ang mostly na kaklase ko sa mga subjects. Dahil kahit pare pareho kaming business ads, iba iba naman kami ng major. Finance kami ni Cheska, si Tok ang IT, while the rest either marketing or hr. Si Oliver yung nahiwalay sa amin kasi magpipiloto yun.
Sinilip ko si Tok na swabeng nagsulat ng pangalan nya gamit ang kaliwang kamay nya. Hanggang ngayon hanga ako kapag nagsusulat to kasi ang haba ng pangalan nya.
Tobias Owen Kent Avestruz
"Sulat mo nga din name ko." Nilahad ko sa kanya yung papel ko.
"Baka isipin ng proctol, sinasagutan ko yung papel mo."
"Ganda ng penmanship mo e. Dali."
Umiling sya sabay nagsulat din naman.
Myra Angela Co
"Thanks."
We proceed with the exam. Nagreview naman ako kagabi pero nadistract ako sa nakinig kong usapan nina Mama at Papa. It's about the annulment again. I was aware with happened to my family. Meron kaming kapatid sa labas, she's a product of Mama's love affair with Marshal Abarquez. Pero una talagang nagkaroon ng affair si Papa with his first love.
Kung bakit ko alam? Kasi panganay ako. Maaga akong namulat sa ganito.
Eventually my parents got back together pero may lamat na. Akala ko noong dumating si Levi sa amin, magiging okay. Pero once na galing sa arrange marriage ang lahat, swertihan nalang kung magiging masaya hanggang dulo.
Pag angat ko ng tingin ko, nakita ko ang paninitig ni Tok sa akin. Ang gwapo talaga nito, pero suplado kasi nung makapal nyang kilay. Ang tangos ng ilong na bagay sa kanya. Badboy type pero sure na mabait to. Bestfriend ko to e.
He snapped his fingers.
"Tapos ka na?"
"Ha, ah oo. Ikaw?"
"Kanina pa. Hinihintay kita."
Binalingan nya si Cheska sa likod namin na abala sa pagsasasagot. Tumayo na si Tok.
BINABASA MO ANG
White Chocolate Matcha (Coffee Series)
RomanceUnfold how Myra Angela fullfilled her dreams and goals at the same time broke her heart down by choosing the wrong person she knew that will be the right one. When in fact the right person is just beside her, watching her bad decisions. Tobias Owen...