Chapter Seven

28 2 0
                                    

This story has advanced chapter on my vip group. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!


Chapter Seven

I am pregnant. Yes, I am. Sinabi ko kay Raymond na buntis ako. And we both decided to focus on this pregnancy first, tyaka yung kasal namin. Ewan ko, I know for myself that I wanted to marry Raymond pero masyado akong maraming iniisip.

Nakailang type ako ng message kay Cheska pero ending hindi ko sinend.

Ever since I got back with Raymond again, they were against it. Kasi paulit ulit daw, iiyak ako, mag aaway kami. Pero konting suyo lang ni Raymond, para na daw akong tanga na babalik agad. Mahal ko eh, alam ko mahal ko si Raymond kaya tinatanggap ko sya. Lalo na, may baby na kami.

Simula din noong nagkatrabaho na ako, bumukod na ako sa bahay namin. I asked Raymond to live with me but he refused. Tuwing weekends lang dito sya sa akin.

I don't wanna doubt him, ayokong maistress kasi buntis ako. But Raymond's assuring me that everything will be okay for us.

"Baby, ikaw na bahala kay Mommy ha." Hinimas ko pa ang tiyan ko.

Hininto ko ang sasakyan ko sa tapat ng apartment ni Ali. I sighed and waited for her. For the past few years, Ali and I were became like best of friends. Since I cut off my friends for some reason, nagulat ako na close naman sya kina Avril, especially kay Tok. Hindi nga ako nakikibalita sa mga yun kasi alam ko galit pa sila sa mga desisyon ko, but Tok is still in contact with me.

Minimal lang na mga usap, kasi nagagalit si Raymond kapag nagkakausap kami. He's still jealous with him.

"Hayss."

Napa-angat ako noong makita ko na si Ali na dumating. I even smiled at her.

"Hi."

"Ate, may problema ba?" She kissed my cheeks.

"May sasabihin sana ako sayo."

"Halika, dito tayo sa loob."

Minata ko talaga iyong sirang doorknob bago kami pumasok. Kinuha nya naman ang mga kalat sa sala. I sighed.

"Juice ate?"

"Sige."

Naglapag sya ng dalawang baso sa center table at hinarap ako. Napasimsim tuloy ako sa baso at bumuntong hininga. I don't know how to say it, wala namang pakialam kasi si Ali.

"Ate?"

"Plano na kasi ni Mama at Papa mag annul. I have no idea why." Bumuntong hininga ako. "Naiistress ako."

"Hindi ba nila naiisip na baka maapketuhan mga anak nila?"

"Hindi. You know Mama, mas mataas pa sa building nya ang pride nya. And she can do whatever she want."

"Akala ko ba inayos nila ang relasyon nila?"

I scoffed. "Inayos nila dahil sa negosyo."

"Hayaan mo na ate."

"Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako."

"Ano?! Buntis ka ate?!" Namimilog pa ang mata ni Ali.

"Kaya nga ayoko ma-istress."

Nagdesisyon ako na kausapin namin si Mama bukas. Sa ngayon ay dito nalang muna ako sa apartment nya, hinayaan nya lang ako at natulog lang sya.

Wala akong message na natanggap pa kay Raymond, pero yung huling message nya may meeting daw sila. Nagluto nalang ako para kapag nagising si Ali, may pagkain sya.

White Chocolate Matcha (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon