Chapter Twenty

41 3 0
                                    

This story is COMPLETED on my vip group, payment starts with 50 per one month. If interested, please message Thea Llorin on messenger or email torresthea15@gmail.com thank you!


Chapter Twenty


Mama make sure na makukuha ni Tito Marshal ang hustisya nya, pero hindi ako sigurado kung masaya ba ako kung lumalayo si Ali sa amin.

I always make sure that she's okay. If I have time, I would visit her.

Nag dalawang isip pa ako kung magdodoorbell ba ako sa condo nya. I know that she's really hurt. Nakailang buntong hininga na ako bago ko pinindot ang doorbell.

Walang sumagot or walang nagbukas man lang.

"Ali. Si Ate to. May dala akong pagkain." I even knocked on her door.

Bumuntong hininga uli ako at pinindot ang doorbell.

"Ali!"

Pagbaling ko sa gilid kung nasan ang elevator, saktong lumabas doon si Tok. Nagkatitigan pa kami.

"Ahm, wala ata si Ali. Walang sumasagot."

"Did you call her?"

"Hindi din sya sumasagot." Sabi ko. "May kailangan ka sa kanya?"

"Ibibigay ko lang sana to."

He was handling a brown envelope and a take out food.

"Tumawag ka ba sa kanya?"

"I message her."

Biglang bumukas ang pinto ng condo ni Ali. Tinaasan nya kami ng kilay.

"Ali!" Gulat kong sabi. "How are you? Kanina pa ako nag do doorbell."

"Nag eedit ako. Ano meron?"

"Ah, nagdala ako ng pagkain. Well si Mama yung nagluto."

Tinanggap nya iyon. Tok casually handed what his holding.

"Tawag ka lang kapag may kailangan ka." Tumango na si Tok sa aming dalawa.

I sighed as soon as he entered the elevator.

"Nag usap na kayo?" Biglang tanong ni Ali.

"Ha?"

"Kung nag usap na kayo ni Kuya Tok?" Pumasok sya sa loob. "Saluhan mo ko teh,"

Sumunod na ako agad sa kanya. Nilapag nya sa dinning ang mga dala namin. Saglit pa akong namangha sa malawak na bintana nya doon.

"Bakit ka nga nakipaghiwalay sa kanya ate?"

"Long story."

"I have time, mamaya na uli ako mag eedit."

Umupo na ako at tinikman ang dalang pagkain ni Tok, napanguso pa ako.

"Segunda mano na ako. Di na nya ako deserve."

"Sinong may sabi? Si Tita Tiffany?" Aniya. "Nagpa-apekto ka ate?"

"Naisip ko lang din. Ayoko namang magsettle sya sa akin basta."

"Mahal ka ni Kuya Tok. Matagal na nga actually, alam mo ate kung masama ugali ni Kuya, dati ka pa nya inagaw kay Raymond. Pero naghintay sya ng pagkakataon."

Sumubo ako sa pagkain. "Baka hindi na nya ako mahalin pa."

"Bakit naman?"

Sasabihin ko ba kay Ali? Matagal ko ng tinatago to, pero... nangako akong ibabaon ko nalang ang sikreto na yun.

"Basta."

"Nag usap na ba kayo uli?"

Umiling ako. Kahit na palagi syang iniimbitahan ni Mama sa bahay dahil nga sa kaso, ako na yung umiiwas.

White Chocolate Matcha (Coffee Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon