Chapter 14

73 10 5
                                    

Leni's Pov:

It's weekend now at uuwi na ako ng Davao. Kahapon naman ay natawagan ko na si nanay Celia para ipaalam na nakaligtas ako sa sunog at ikinuwento dito kung bakit matagal akong hindi nagpakita sa kanila. Sinabi ko naman dito na wag na muna sabihin kay Akeeya at ako na mismo ang biglang magpa pakita sa kanya ngayon araw.

Flashback:

"Leni ayaw ni Keeya pumunta ng yatch, natatakot sa dagat" Nanay Celia.

Lumapit naman ako kay Keeya at hinawakan ito ng marahan sa mukha.

"Baby me and daddy is also there in big boat, let's go na, they are waiting na oh, your lolos and lolas they are there with your tita Camille" kumbinsi ko naman kay Keeya.

"No mommy .... No !!!!" Sagot naman nito ng umiiyak.

"Hon, why ?" Tanong naman sakin ni Kio.

"Ayaw ni Keeya pumunta ng dagat, nagta tantrums hon" paliwanag ko naman dito.

"Wag na natin pilitin hon" sagot naman ni Kio.

"Baby, wait for us na lang here sa room ha ? Yay will take care of you" mahinahon naman na kumbinsi ni Kio dito.

Tumango lang naman ito sa amin. Bago pa man kami makalabas ay niyakap pa ito ni Kio hinalikan sa pisngi.

This is what family looks like. Something na pinag damot sa amin.

Habang nasa yatch ay bigla naman may sumabog sa bandang baba nito at nakita namin malaki na agad ang sunog. Nataranta naman ang pamilya namin dahil nasa gitna na kami ng dagat.

Pinuntahan naman ako ni Kio sa may taas at sa akin pinasuot ang life jacket hindi naman na makalabas sa may baba ang pamilya namin na kumakain at na trap na sila dahil sa malaking sunog at makapal na usok.

Ramdam na din namin ang unti unti na itong lumulubog.

"Hon ! San nang galing ang sabog" naiiyak at taranta ko ng tanong.

"Hindi ko din alam ! Ang mahalaga ay makababa tayo at makatalon ka hangga't di pa umaabot ang sunog sa kalahati" sagot naman nito sa akin.

Nang makababa kami mula sa taas nito ay biglang may debri na bumagsak sa amin at parehas kaming na dali pero mas malala ang kay Kio dahilan para hindi ito makalakad agad agad at papunta na sa amin ang malaking sunog.

"Hon ! hayaan mo na ako, si Keeya. Mas kailangan ka ni Akeeya" kumbinsi sa akin nito.

Hindi naman ako nagsasalita at hinihila ko pa rin ito para makaalis kami at makatalon.

"Hon you promise Keeya na babalikan natin sya sa room, let's go na hon hindi namin kaya ng wala ka, mag iintay yun satin" sagot ko naman dito ng umiiyak.

Bumitaw ito sa akin dahil unti unti na lumalapit ang sunog sa bandang kinakatayuan namin.

"Hon tumalon ka na ! Balikan mo ang anak natin. Lahat ng maiiwan ko ay ibigay mo sa kanya. Mas ka kailanganin ka nya. Kung dalwa tayong mawawala, mas hindi kakayanin ni Keeya" sigaw naman sakin nito para matauhan ako.

Nang pagkasabi nya sakin nun ay binagsakan ulit kami ng debri mula sa taas at wala na akong nagawa kung di tumalon na sa dagat at mawalan ng malay.

Nagising ako ng nasa clinic na ko. Napadpad pala ako sa kabilang isla at hindi nakita ng mga rescuer.

Ang nag ligtas sa akin ay ang mag asawa na nangingisda sa laot.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon