Chapter 19

70 11 8
                                    

Akeeya's Pov:

Ilang linggo na din ang nakakaraan at parang napapansin ko na di na masyado pinapansin ni Tito Rod si mommy kapag sinusundo ako ni mommy kila Ate Sara o sinusundo ni Tito Rod si Ate Sara sa amin.

Wala parin naman kami kasama sa bahay dahil si Yay ay nasa Lucena parin at kailangan na nito bantayan maigi ang magulang nya. Hindi naman nya mapahiram muna si kuya Gio dahil nag aaral parin ito. Kaya kami na lang ni Mommy, 2 helpers at isang taga bantay sa labas namin ang nasa bahay ngayon.

Ngayon araw ay nasa bahay lang naman kami ni mommy. Masama ang pakiramdam nito kaya nakatabi lang naman ako sa kanya.

"Mommy let's go check up na" alala ko naman na sabi dito.

"Nak fever lang to' walang mangyayari sa akin. Mamaya may turok ka ulit ha. Wag mo na susungitan yung nurse anak, natatakot sayo eh" biro naman na sagot sakin nito.

Niyakap ko naman ito at hindi nagsalita.

Kung andito sana ang daddy edi sana may naga alaga sa mommy ko katulad ng pag aalaga ni Tito Rod kay Tita Imee.

Minsan nai inggit ako kay Ate Sara kasi kumpleto sila tapos kami hindi. Ayoko na nga minsan na sumasama sa kanila kapag bonding nilang 3 kasi medyo nakakaramdam na ko ng lungkot na wala akong daddy.

Nung mga nakaraan na kasama namin si Tito Rod ay para talaga itong daddy sa akin kaso ramdam ko ng umiiwas ito lalo na sa mommy ko. Hindi na nya ito masyadong kinakausap hindi tulad nung una.

Wala naman ginawa ang mommy ko, mabait naman sya dito at kay Tita Imee lalong lalo na kay Ate Sara. Tinuturing ni mommy si Ate Sara na anak nya. Kung anong meron ako ay meron din si Ate Sara kapag nandito. Ang tawag na nga ni Ate Sara sa mommy ko ay Tita mom. Mabait daw kasi ito sa kanya tapos spoiled din sya katulad ng pangi spoiled daw ng daddy nya sa kanya.

Ganun din naman ang daddy nya sa akin na ini spoiled din ako kung anong meron si Ate Sara na pagkain ay pinapadalhan din ako nito.

Medyo nagbago si Tita Imee, although palagi parin ako nitong niyayakap at bigla biglang hinahalikan sa pisngi ramdam ko parin na parang hindi nya gusto ang mommy ko. Hindi sya lumalabas para batiin ito kapag sinusundo ako sa bahay nila. Ako na lang ang niyayakap nya at sinasabihan na mag ingat bago pa man ako makalabas ng pinto.

Minsan naiisip ko kung dahil ba ito sa nalaman nya na tinulungan kami ni Tito Rod sa mall at sa pagba bake. Kung yun lang naman ay mababaw na dahilan para pag selosan nya.

Sabi sakin ni Ate Sara, sanay ang mommy nya na ang attention ng daddy nya ay nasa mommy nya lang. Kaya siguro nagtampo daw ito nung nalaman nya na kasama namin si Tito Rod ng halos magkasunod na araw.

Hindi naman aagawin ng mommy ko si Tito Rod. Hindi ganun ang mommy ko. At hindi maninira ang mommy ko ng ibang pamilya para lang mabuo kami.

"Mommy you have 39° na fever, let's go to hospital na po please" pakiusap ko naman dito pero ngumiti lang naman ito sa akin.

"Anak, mahahawa ka sakin. Wag ka na yumakap. Saka may online class ka diba ? Punta ka muna sa kwarto mo ayusin mo na ung online mo" sagot naman nito sa akin.

"Absent na lang ako mommy, I'll tell my teachers you are sick at wala tayong kasama" palusot ko naman dahil ayoko iwan ito.

"Anak naman, wag na makulit. Magagalit na ko. Anjan si Ate Jenny, tatawagin ko sya kapag may kailangan ako" paliwanag naman nito.

Wala naman akong magawa kung hindi sumunod dahil baka lalo itong ma stress sa akin.

Habang nago online class ay narinig ko naman na may tumigil na sasakyan sa harapan namin. Sakto naman na patapos naman na ang una kong online class.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon