Finale

87 10 3
                                    

"Okay, and bring her to her wish place. Thank you" Rod.

Rod's Pov:

Wala parin malay si Keeya it's been 2 days dahil nag convulsion ito nung sinusugod namin sa hospital. Biglang nag baba ang blood count nya at hindi na naagapan. Bumalik pala ang sakit nito at hindi man lang nito sinasabi dahil wala na din nakapansin kahit isa sa amin.

Meron pala syang mga hidden bruises sa likod at itaas ng hita.

"Love pano natin sasabihin ?" Tanong naman ni Imee sa akin habang pinapanuod namin si Keeya na tulog parin at bantay bantay ni Sara.

"Hindi ko din alam love. Nasa urn na si Leni at idi display na din ito sa huling hiling nya kung san sya ilalagay" sagot ko naman dito.

"Love, naaawa ako kay Keeya. Sigurado akong pag gising nito ay kung hindi ito magagalit sa atin ay magagalit din ito kay Leni dahil iniwan sya ng biglaan" umiiyak naman na sabi ni Imee.

Wala naman akong magawa kung di yakapin na lang ito at patahanin.

Kanina pa din sila umiiyak ni Sara.

Maya maya ay pumasok na ang doctor para i check si Keeya.

Pagkatapos itong tignan ay kinausap naman kami nito.

"Wala tayong kasiguraduhan kung kelan ito magigising. Tanging sarili nya lang ang makakatulong sa kanya Mr. And Mrs Monte" seryoso naman na sabi ng doctor.

Wala naman kaming ibang masabi dahil tila tinatakasan na kami ng mga salita para pa mag react sa nangyayari kay Keeya.

Pag alis ng doctor ay lumapit naman na kami kay Sara na hindi umaalis ng upo sa tabi ni Keeya.

"Nak, uwi ka muna. Kami na muna dito, naga alala na din si lola Lucil mo" sabi ko naman dito.

"Dad, ayoko ! Kung di ko inaway si Keeya hindi sya magku kulong at hindi lalala ang situation nya, ako na ang may kasalanan nung nawala sya sa atin dahil hindi ko ito nahawakan mabuti noon, ngayon ako na naman ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay di parin sya nagigising" iyak na naman nitong sagot.

"Anak, lahat tayo nagkulang kay Keeya. Wag mo lang sisihin ang sarili mo" mahina naman na sabi ni Imee dito.

Lumuhod naman ako sa tapat ni Sara at hinawakan ang pisngi nito.

"Mabuti kang ate okay ? Sigurado ako pag nagising si Keeya, tapos kinausap mo sya hindi ka nyan matitiis tulad ng lagi nyo na pagta talo kapag magkasama kayo" kumbinsi ko naman dito.

"P-pero dad, it's still all my fault" mahina naman na sagot nito.

Niyakap na lang naman namin ito at patuloy na sinasabi na wala syang kasalanan sa lahat.

Kinabukasan ay bantay na ni Nanay Lucil si Keeya sa hospital dahil pinuntahan namin ang urn kung san nakalagay si Leni. Inilagay namin ito sa museo kung nasan din ang urn ni Kio at ng mga pamilya nila.

"Linet dumalaw ka naman sa panaginip ni Keeya, dun ka magpa alam sa kanya dahil hinihintay ka nya bumalik bago pa ito nagkasakit, bahala ka magagalit sa iyo yun" mahina ko naman sabi sa urn nya habang hawak hawak ang kamay ni Imee.

"Saka Leni pakisabi na din kay Keeya na gumising na. 3 araw na syang tulog eh, kumbinsihin mo naman, sayo lang yun nakikinig" sabi naman ni Imee at nangingilid ang mga luha.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon