Chapter 26

76 10 10
                                    

Rod's Pov:

Ilang araw ng pabalik balik si Leni sa hospital para sa continuous na treatment nito. Minsan ay pinupuntahan ko ito bago ako pumunta sa bahay nila para bantayan si Keeya kapag may online class.

Nung isang araw nga nagtanong na sa akin si Keeya kung bakit madalas akong nasa kanila, biniro pa ako nito na baka magkaron sya ng instant na daddy dahil mas nagpapaka daddy pa daw ako sa kanya kesa sa Ate Sara nya.

Wala naman akong masabi sa kanya at tinawanan ko lang naman ito.

Babalik naman ulit si Leni sa hospital at sinabi nito na tignan si Keeya dahil may online class ito. Nakipag talo pa ako dito dahil gusto ko ito samahan dahil minsan ay naaawa ako na mag isa lang ito at walang tumitingin sa kanya, pero mas mahalaga daw ang anak nya kesa sa kanya.

Nang pumasok ako ay sinabi sakin ni Jenny na nasa taas pa si Keeya at nakikipag talo daw ito sa teacher nya. Natawa naman ako dahil araw araw naman itong nakikipag away sa mga yun. Minsan ako pa ang humihingi ng paumanhin sa mga ito.

Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko na nakikipag usap nga ito ng galit sa teacher nya.

"I told you Miss, my connection is so slow, I'm not trying to get away from this subject" rinig ko naman na pakikipag talo dito.

Nakita ko naman na pinatay nya ang connection nya at pinatay ang computer.

Napatingin naman ito sa akin dahil nasa may pintuan ako.

"Don't tell mommy" mahina na sabi naman nito sa akin at nakayuko.

Kinuha ko naman ang isang upuan at lumapit ako sa kanya.

"You don't like to study na ba ? Lagi kang nakikipag talo sa kanila eh" tanong ko naman dito.

"San napunta si mommy ? Bakit lagi sya naalis ?" Tanong naman sakin nito.

Hindi ko naman ito masagot.

"Busy lang ang mommy mo, diba ang tagal nya nawala kaya ang dami nya inaasikaso" palusot ko naman dito.

Tumingin naman ito sa akin.

"Eh bakit ikaw lagi ang nandito ? Tapos kapag nalaman ni Tita Imee, ang mommy ko ang aawayin" mahina ulit nito na sabi.

"Alam naman ni Tita Imee mo na nandito ako ngayon eh, meron kasing pinapa bigay sayo na niluto nya" sagot ko naman.

Hindi naman na ito umusap.

"Go back to your class na, pag nalaman ng mommy mo yan ginagawa mo ma stress yun saka magagalit" kumbinsi ko naman.

"Bukas na lang po, ayoko na mag class ngayon" sagot naman nya.

Hindi ko naman ito mapilit. Kita ko sa kanya na nagta tampo na ito kay Leni.

"You want to go to Tita Imee ba ? Miss ka na nun eh" akit ko naman sa kanya.

Tumango naman ito at sinabi na mag aayos lang sya.

Pagka sakay nito sa kotse ay may dala itong bag.

"Nagtatampo ka ba kaya lalayas ka ?" Biro ko naman dito.

"Pano mo po nalaman ? Wag nyo po sasabihin kay mommy. Ayoko po umuwi" seryoso na sagot naman nito.

Nagulat naman ako dahil nagbi biro lang naman ako ng sinabi ko iyon.

"Keeya .. magagalit ang mom ---" sabi ko naman pero umusap na ulit ito.

"Joke lang po, I love my mommy hindi ko sya lalayasan" seryoso ulit nito na sabi.

Sara - Fina (One Last Cry ... BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon